®Chapter 19

735 23 0
                                    

Kyla's POV

"Wag ka mag-alala, ikaw na ang huli." nakangiti kong wika..

Sinakal ko siya. Pinipilit niyang makawala pero masyado siyang mahina. Yan lang naman ang dapat sa kanila diba? oo, tama yan lang ang dapat sa kanila!

"Pag namatay ka, ibubunton ko sa isang guro sa school ang lahat ng pangyayari. Madali lang naman magsinungaling eh. Benta nga sa inyo ang arte ko diba?. Ikaw na ang huli. Promise. Alam ko kasi, pag namatay ka siguradong mawiwindang ang lahat ng tao. Kahit naman ata kagatin ka lang ng langgam, matataranta na ang lahat. Ganun ka kasi ka spesyal. Palibhasa makapangyarihan ang parents mo. Samantalagang kami... Kami na namumuhay ng tahimik. Kami na wala namang ginawa, di tulad ng tatay mong sinungaling.... Kami lagi yung inaapak-apakan! Kahit pa mawala kami sa mundong toh, walang may pakialam. Yun na nga oh, namatay na ang tatay ko. Hindi man lang napakulong yung mga walangyang gumawa nun sa kanya."

May tumulong luha mula sa mata niya. Ganyan, umiyak ka. Dapat maranasan ng mga katulad niyo kung paano kasakit ang mawalan. Kailangan niyong maramdaman kung ano yung naramdaman namin. Lumapit dati ang nanay ko sa bwesit na tatay ng babaeng toh, pero anong ginawa niya? Tinalikuran lang niya ang nanay ko. Ni hindi man lang tinignan.

Namuhay lang kami ng tahimik pero sila ang lumapit at ginulo ang buhay namin. Mga walangya sila. Kailangan ko tong gawin dahil oras na mamatay tong mga spoiled brat na toh, at mabunton sa school ang lahat siguradong malulugi sila. Isasara ang school.... At dapat lang na mangyari yun!

"T-tama na.... H-hindi sagot sa problema.... Ang.... Ang ka...kara...karahas-san." Nahihirapan na nga nagsalita pa.

Nagulat ako ng kagatin niya ang kamay ko kaya napabitaw ako sa kanya. Tumago siya at tumakbo para lumabas ng kwarto niya pero hinabol ko siya. nahawakan ko ang buhok niya.

"Saka nga pala.... Hindi ko pa nasabi sayo na ako rin ang pumatay sa mga magulang ni Lara. Hindi nga lang niya ako namukhaan nun... Pero nandun ako. Kasama ko yung ex kung nasa kulungan na ngayon."

"B-bakit?"

"Dahil binaliktad kami ng tatay niyang gago. Ang tatay niya ang abogado namin nun, pero inabutan lang siya ng pera ng Mga holmes ayun, nasilaw agad..."

Binalik ko siya sa kama niya saka tinalian. "Hindi ka ba nagtataka? Kung ba't andami kong alam tungkol sa inyo? Kung ba't alam ko ang buong buhay ng mga tao sa school?"

Kunsabagay, mga bobo nga kasi... Mga gago.... Dapat lang sa kanila yan.

"Hmmm, paano kaya kita papatayin?"

Psychology Class 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon