®Chapter 2

1.5K 37 0
                                    

             I went to the canteen para kumain na. Hindi ko na nakita si Kyla pagkalabas ko ng classroom. Nakahinga ako ng maluwag. Don't get me wrong, I don't mind being friends with her, in fact, kung papipiliin ako kung sino ang makakatabi ko sa bus, I'd rather choose her than my other classmates. Kung ikokompara sa iba, she's the most normal one... Kung di lang sana siya ganun kadaldal.

             While I'm enjoying my food, tila may santo na namang dumaan ng umalingawngaw ang katahimikan sa canteen. Hindi ko na kailangan pang itaas ang paningin to know who's causing it. So I just continued eating. I choose not to get involved with any of them.
             I know she's having a hard time dahil sa cold shoulders at bullying na natatanggap niya, but what can I do? Kung lalaban ako sa side niya, may makikinig ba? Baka sa susunod na araw, dalaw na kaming binu-bully. Kung isusumbong ko naman... Do you think someone will listen? She's an orphan and these assholes are the daughters and sons of the most powerful households in this country. Magbibingi-bingihan lang sila na para bang walang nangyayari. That's the hard reality about the world. I'm just 16. Wala akong kapangyarihan para baguhin yun.

             "She's so weird and ugly. Siguro if ako siya, hindi na ako mag-aaral. Look... Everyone's looking at her thinking she's a psychopath." rinig kong sambit ng nasa kabilang upuan sabay tawa ng kasamahan niya.

             At sa isang iglap, sinira ng tawanan ang katahimikan kani-kanina lang. They started making fun of Lara. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito. I can't see her reaction dahil natatabunan ng buhok niya ang mukha niya but I know... Nasasaktan siya sa mga naririnig. Isang grupo ng mga kalalakihan ang lumapit kay Lara. Pinigilan ko ang sarili na mag-react. Her business is none of your business. She's old enough to protect herself. Pahayag ko sa sarili.

             Napasinghap ako ng bigla na lang nila binuhusan ng juice si Lara. Napaigting ang panga ko sa eksenang nasaksihan.  Hindi nila ito tinigilan. Habang tawang tawa pa rin ay binuhos ulit nila isa-isa ang hawak na juice sa kanya.
             I thought she'd do something at least like walk out of here, like a normal person, imbes ay nasa ganun pa rin siyang posisyon habang sinusubo ang pagkaing nasa mesa. Napailing ako. Hindi ko alam kung manlulumo o magagalit. Dapat ay lumalaban siya. Hindi dapat siya nagpapaapi sa mga tulad nila. Nang walang makitang reaksyon, lumapit ang isa sa harap ni Lara at akmang kukunin na sana amg pinagkakainan nito. That's it!!! I'm done with this!

             Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at tumayo na ako para lumapit sa kanila. Everyone's laughing habang yung iba naman naaawa lang na nakatingin sa kanya. Kung di nila kayang sitahin ang mga gagong toh, then I'll do it. Ugh! Bahala na! I jus can't watch.
            "Hey, what are you guys doing?" galit kong pigil sa mga toh. Hinawi ko ang kamay nung isang dadampot na sana ng tray ni Lara.

             "Excuse me but who are you to interfere?" maarteng wika ng isang babaeng nakakapit sa lalaking kasama.

             Napa-ismid ako. "Kaklase ko kasi yang pinagkakatuwaan niyo."
             A guy stepped forward. Yung lalaking kinapitan ng babaeng linta. Nagulat ako ng hawakan nito ang braso ko. "Alam mo, kung ayaw mong magaya sa kanya, hindi na ako mangingialam." pagbabanta nito.
             Mas lumakas ang bulungan sa loob.
             "Akala mo ba nasa highschool ka pa rin? Tingin mo gagana yang banta mo?"
             "I guess you have no idea who you're talking to." nakangisi niya namang tanong pabalik.
             I sighed. "Look, walang ginagawang masama yung tao. Buo pa rin naman siguro ang araw niyo if you leave her alone. We're not some highschool kids here for god's sake. Just leave her alone."

             Imbes na umalis ang mga ito't tigilan si Lara, kinuha ng lalaki ang ketchup na nasa mesa at walang pagdadalawang isip na binuhos nito iyun sa ulo ni Lara na hanggang ngayon wala pa ring kibo. Umaalab na yung galit ko.
             "Who are you to tell me what to do?" aniya sa akin. "Get out of here kung ayaw mong ikaw ang pagtripan sa susunod."

             "Hindi ka makakawala sa ginawa mo. I will tell the dean about this." banta ko.

             Lumagapak ng tawa ang babaeng linta. "Mukhang hindi mo nga kilala ang kaharap mo ngayon, miss. Si David Bole lang naman yang kausap mo. His father is friends with the University president. Baka ikaw ang mapahamak." malakas ang loob na sambit ng kasama nito.

             Palakasan lang pala ng magulang. Tss.. "Baka ako ang di niyo kilala... I'm Samantha Ponce. Anak ni Leonardo Ponce."

             Natahimik silang lahat. Tinitigan niya ako ma tila kinikilala ang mukha ko. I just smirked at him. I dont care who his dad is pero tutal palakasan na rin naman, di na ako papatalo.

             Binaba nito ang hawak na ketchup at hinay hinay na umatras. "Oh sige. Pagbibigyan kita ngayon." anito. Napangiti na lang ako habang pinapanood silang naglalakad palayo. Iniwas ng ibang studyante ang tingin nila sa akin at bumalik sa ginagawa nila na tila walang nangyari.

             Hinila ko si Lara paalis ng canteen. Ugh! I know she is not worth the trouble but what can I do? Hindi ako makakatulog mamayang gabi kung hinayaan ko lang siya!

              Dinala ko siya sa loob ng washroom para makapaglinis siya ng sarili. She's a mess. Naghalo ang ketchup at juice na binuhos nila sa kanya.
             Nilabas ko ang dalawang wet wipes. I handed it to her. "Clean yourself. May extra akong tshirt sa locker ko. Kukunin ko lang para magamit mo."
             Aalis na dapat ako ng hawakan niya ang kamay ko. I looked at her, emotionless. Nakayuko pa rin siya. I can't seriously see her face dahil sa nakatabing niyang buhok.
             "H-hindi na. I'm fine." aniya.
             Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "No, you're not. I will get my shirt." I said and looked at her from head to toe. "I guess you'll need my jogging pants too."
             Nakadress nga kasi siya. Tsk. "S-Salamat." nauutal niyang sambit.
             Tumango ako. "Next time pag inaapi ka, matuto kang lumaban. Hindi sa lahat ng oras ay may taong tutulong sayo. Kung di mo kayang lumaban, at least matuto ka namang mag-walk out at lumayo sa gulo."
             Hindi siya sumagot. Tsk. I never really imagined na tutulungan ko siya mula sa mga bully. I promised myself bago ako pumasok sa university na ito na lumayo sa gulo as far as I can. Not because ayaw kong sirain ang image ng daddy ko kundi dahil gusto ko lang talagang magkaroon ng normal na college life like all the other students. I just want to get out of this hell alive.

             "Pumasok ka na muna sa isa sa mga stalls. Babalik ako agad."
             Iniwan ko siya at nagpunta sa locker. Ibang iba ang tinginan ng mga studyante sa akin. I don't know and I don't care. Matapos kong makuha ang kailangan sa locker room ay bumalik na ako agad sa washroom para iabot kay Lara ang damit na dala.
             "I need to go. Ibalik mo na lang sa akin bukas ang mga yan. Okey lang kung di mo lalabhan." wika ko habang nagbibihis siya.
             "S-salamat ulit." aniya.
             "It was nothing. Just remember what I told you dahil next time, hindi na kita tutulungang makalabas sa gulo mo."
             She remained silent hanggang sa makalabas na ako ng comfort room. Hindi na talaga ako makikialam sa susunod. I don't care kahit pa kape ang itapon nila sa kanya. If she can't protect herself, then might as well get out of here. This school is not for the weak hearted.

Psychology Class 101Where stories live. Discover now