®Chapter 15

801 25 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Para lang akong nanuod ng horror movie. Nakakatakot. Hindi lang ako makapaniwala na babae pala ang nasa likod nitong lahat. Pero sino siya? Si Lara ba? Ugh! Ang sakit na ng utak ko kakaisip.

Sa kakaisip ko hindi ko na napansin na nakalapit na pala sa akin si Mrs. Sheley. "Hindi ako naniniwalang si Lara yun." wika nito. Tumingin ako sa kanya. Kung pwede ko lang sabihin na sana nga pero kasi.... ugh! Ayokong mamaratang sa isang tao lalo na at wala namang ebidensya.

"Alam mo ba, nung namatay ang mga magukang ni Lara, kinausap ko siya. Isa ako sa mga taong kumausap sa kanya. Kitang kita ko kung paano siya natakot. Takot na takot siya, Samantha. pag may narinig lang siyang mahinang kalabog halos magwala na siya sa takot.... alam ko hindi lang siyang umaarte. Totoo yung takot at pangungulilang nakita ko sa mata niya nung mga panahong sinusubukan namin siyang kausapin."

Nakatitig lang ako kay Mrs. Sheley habang nakikinig sa kanya. "Naging kaibigan ko ang mommy niya. Napakamasiyahing bata niyang si Lara bago namatay ang mga magulang niya. marami siyang kaibigan nung highschool pa siya... Malungkot siya, Samantha. Nasaktan siya. naulila lang siya pero hindi niya kayang gawin lahat ng tao kaya sana hindi na bago ng nakita mo ang tingin mo kay Lara... Kung sino man ang nasa likod ng lahat ng toh, alam ko nasa paligid lang natin siya. Maaaring nakakausap pa natin siya." nangilabot ako sa sinabi niya. 'nasa paligid lang natin siya'. Nakakatakot isipin pero alam kong totoo.

"Nandito na yung bus na hahatid sa atin pauwi. Nandito na rin yung parents ng ibang studyante. Nakauwi na yung iba." pag-iba nito sa usapan.

Mabuti naman. Kasi hindi ko na kayang tumagal pa dito. Masyado ng maraming masasamang alaala na nangyari sa lugar na toh. Hindi ko pa nga alam kung makakabalik pa ako dito eh. "Hindi pa rin siya nakikita." patuloy ni Mrs. Sheley.

"Tayo na." anito. Tumango lang ako. Kinuha ko yung mga gamit ko.... Yung iba kong gamit naiwan pa sa resort. Sa mga nangyari ba naman kasi, wala na akong panahon mag-impake pa.

Nakasunod lang ako kay Mrs. Sheley. Pagdating namin sa labas marami na ang tao. Nandun na ang parents ng iba na sinusundo sila. Nagkayakapan pa yung iba. Nakita ko ang parents nina Aimee at Cherry na hindi matigil sa pag-iyak. Hindi makapaniwala sa nangyari sa anak nila. Pag ako kaya, namatay ako, iiyakin rin kaya ako ng mga magulang ko? Tss..

Nagulat ako ng may yumakap sa akin... Si Mommy....

"I'm glad you're fine." anito. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. "Nung tumawag yung police and sinabi na may nangyari sa inyo hindi na ako mapakali. I told our driver na dalhin ako dito agad. Hindi ko kayang ipagkatiwala ka lang sa mga autoridad na nandito." umiiyak na ito kaya napaiyak na rin ako. Kahit ako ay hindi makapaniwala na buhay pa rin ako.

May tumikhim sa likod ko kaya lumayo ng konti si mommy sa akin. "pasensya na po ma'am. Ibibigay ko lang po sana toh kay Sam."

Si David Bole.

Inabot niya sa akin ang cellphone ko. Hindi ko na alam na nawawala pala ang cellphone ko. Kinuba ko toh mula sa kanya. "Salamat."

"Nahulog mo yan kanina." anito. Ngumiti ako.

"I have to go. Nandito na sundo ko eh." paalam niya. Tumango lang ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang pumasok siya sa loob ng kotse. Lumingon ulit siya sa akin at ngumiti.

"Let's go?" si mommy.

Naglakad na kami papunta sa kotse pero napatigil kami ng marinig ko si JK. "Ma'am, nakita niyo ba si JD?" tanong nito. Si JD ang kambal ni JK.

"Nawawala siya? Saan mo siya huling nakita?"

"Nauna po siyang lumabas sa akin. Sabi niya maghihintay lang daw siya sa loob ng kotse pero wala siya dun. I asked our driver where he is but hindi rin daw niya alam."

"Sam, let's go." ani mommy.

"Teka po, sandali."

Lumapit ako kina Mrs. Sheley. "Ano pong nangyayari?"

"Nawawala si JD. Pinahanap ko na sa mga police. Baka kasi bumalik lang sa loob."

"Ganun po ba?"

"Sige na. Umuwi ka na. Kami na ang bahala rito."

Tumango ako. Bumalik na ako sa kinaroroonan ni mommy na nakatingin lang sa akin. Kita ko sa mata niya na nag-aalala siya. "Anong nangyari?"

"Nawawala po yung isa kong kaklase pero hinahanap na nila."

Tumango lang siya. Pumasok na kami sa loob ng kotse. Pinaandar na ng driver ang kotse. Hays, buti naman at makakaalis na ako rito. Makakatulog na rin ako ng tama.... Sana nga.

Psychology Class 101Where stories live. Discover now