"hayaan mo lang insan. Maganda naman ang tanawin sa dagat eh."nakating sabi nya. whoa! May lumalabas na usok ng positivity sa katawan nya! Napataas ng bahagya yung kilay ko dahil dun.

"O pano tara na. Siguradong kanina pa naghihintay ang Mama satin"

"tara insan" nagulat ako nung sumakay sa driver side yung sinasabing tita ko. Kaya ba nya? Ayoko pang mawala sa mundo

"Don't worry insan. Kaya ni nanay magdrive" sabi nung pinsan ko na nakasakay na sa passenger seat. Kahit kinakabahan man sumakay na lang ako. Sa likod ako pumwesto.

"Kung pagod ka pa Daniela pwede ka pang matulog. Dalawang oras pa tayong babyahe e"

"Rae na lang po."

"Sige, college ka na raw Rae?" tanung sakin ni Tita. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Ito na ata yung pinaka city nila pero hindi pa rin naman ganun kaunlad. Ang masasabi ko lang tahimik at maayos.

Halatang halata mo na province pa rin. I think one thing na magugustuhan ko dito ay yung fresh ang simoy ng hangin. Sana lang may mahanap pa kong ibang magugustuhan ko sa lugar na to dahil ialng buwan rin ako mag-istay dito.

"Opo" matipid na sagot ko. Hindi ko pa rin kasi alam pan ako kikilos sa harapan nila.

"Siguradong business rin ang kinuha mo hano? Malamang nakalinya ka sa mga ate at Kuya mo" sabi ni tita na pasulyap sulyap sakin gamit ang rear view mirror.

"Engineering po" sabi ko tapos nagulat ako nung bigla na lang huminto ng biglaan yung sasakyan. Halos tumama na yung muka ko sa upuan sa harap.

"Nay!" sigaw ni Erica.

"Pasensya nakayo. May dumaan kasi biglang aso" sabi nito na nakangiti ng alanganin samin.

Nilabas ko yung ulo ko sa bintana para silipin kung may aso bas a labas pero wala naman akong nakita. Tss. Weird naman.

"b-buti pinayagan kang kunin ang gusto mo?"

"popsie back me up. Mas gusto ko humarap sa mga sasakyan kesa sa mga plastic na tao sa business world." Diretsong sabi ko. I saw them exchanging look.

Yan. I already made a bad impression. Sinuot ko na lang yung headphone ko saka ko tinodo ang volume. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin na tumatama sa pisngi ko.

Welcome to San Juaquin Daniela Rae.

----

When we arrived at "my other lola's" house, nagtataka ako kung bakit ang dami naman atang tao sa lugar nila. Malayo pa lang kami kita mo na yung dami ng volume ng tao. Nagtataka man bumaba na ako sa owner. Sukbit ang bag ko sa kanang balikat ko, alanganin akong sumunod sa kanila.

"O andito na pala sila!" rinig kong sigaw ng isa. Nagsilabasan naman akong mga tao at nagsimula silang paikutan kami. Medyo natakot pa ko kaya naman napadikit ako sa pinsan ko.

"Sya na ba yon?" tanong ng isang matandang lalaki.

"Opo kap. Rae bunso magmano ka sa kanya. Sya ang kapitan ng barangay" sabi ni tita. Nauna ng nagmano yung pinsan ko kaya sumunod na lang ako.

"Eto naman si Ka-Berto. Punong kagawad" nagmano rin yung pinsan ko kaya sumunod na lang ako. Marami pa silang pinakilala sakin na sa totoo lang wala naman akong natandaang pangalan.

Ganito ba talaga dito? Mapupudpod na ata yung noo ko kakamano. Wala naman akong magagawa kung hindi sundin dahil hindi rin naman ako bastos na tao. Well okay, sumasagot ako kay mom. Pero paminsan minsan lang yun.

"At ito naman si Mrs. Guevarra. Ang Hermana mayor ng parokya natin" nagmano ulit ako dito.

"Katangkad na bata hano?" ngumiti ako ngmatipid sa kanya.

Meeting CecilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon