Napapalunok siya nang muling mapasulyap sa mirror para muling tignan ang puting parang telang nakikita niya,.bigla siyang kinabahan hindi dahil natatakot siya kundi dahil sa parang anyong tao na ngayon ay nakahiga sa passenger seat kung nasaan nakasuot ito nang puting-puting tela.

Lakas loob na inihinto niya yung kotse nang baybayin na niya yung highway na kung saan may poste nang ilaw upang magsilbing liwanag niya para Makita yung nasa loob nang kotse niya.huminga siya nang makailang ulit at bumababa para buksan yung pintuan sa gawi nito

Halos mapa-awang naman ang bibig niya nang makilala kung sino ang ngayong nakahiga sa kotse niya.hindi makapaniwalang umiling-iling pa siya at pinikit-pikit ang mga mata.ayaw niyang lapitan ito dahil baka mawala ito

Ayaw niyang lumapit dahil baka dinadaya lang siya nang isip at paningin niya.ayaw niyang hawakan ito dahil baka tumagos lang ito sa kanya.natatakot siyang pag hinawakan niya ito ay baka hindi na niya ito ibalik sa totoong nag-mamay ari dito ngayon,

Pero gago ang puso niya at mabilis pa sa alas kwatrong pumasok siya sa loob nang kotse para tapikin ang mukha nito.dahan-dahan namang nagmulat ito nang mga mata.hindi niya maintindihan kung bakit nandito ito sa loob nang kotse niya,samantalang kinasal ito kanina diba?

anong?..dahan-dahan itong umupo at sapo-sapo ang ulo

anong ginagawa mo sa kotse ko?walang emosyong tanong niya dito,kailangan niya iyon gawin para hindi nito makitang nag-aalala ako

ha-harley?!gulat nitong sambit at hinawakan pa yung mukha ko

anong ginagawa nang bagong kasal sa kotse ko?!nangunot naman ang noong pinagmasdan nito yung kotse niya

hah?kotse namin ito kaya dapat lang na ako ang magtanong kung bakit nandito ka sa kotse namin!

nakakasiguro kang kotse ninyo ito?!medyo dumistansya siya dito dahil ayaw niyang maramdaman ang mga palad nito sa mukha niya dahil unti-unti na namang umuusbong ang nararamdaman niya

oo naman!ganitong-ganito yung kotse namin.

talaga?sabihin mo nga kung anong plate number nang kotse niyo?

ok!yun lang pala!sinabi nito yung plate number nito sakin at napailing nalang siya sa sinabi nito

Lumabas siya nang kotse at hinila ito.dinala niya ito sa likuran para ipakita dito yung plate number nang kotse niya.kagat labing napasabunot naman ito sa buhok.kahit mukhang haggard na ito sa suot nitong damit pangkasal maganda parin itong pagmasdan

ano?kotse niyo ba ito?!”

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon