The Jerk's Wife: 22

128K 3.2K 129
                                    


"Limitless undying love which shines around me like a million suns it calls me on and on across the universe."

 ----John Lennon

*****************

CHAPTER 22: DADDY'S TIME

"I miss you Daddy." Naglalambing ito habang nagkukuwentuhan sila. His heart melt upon hearing those words from her daughter. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Claire sa mga anak tungkol sa kanya. Base sa mga pinapakita ng dalawa, he already identified na pinalaki nito ng maayos ang mga bata.

"Miss you too baby.. miss you so much." Emotional niyang respond sa anak.

"What took you so long? Bakit matagal ka po nakauwi, Dad?" Kunot-noo nitong tanong.

Napangiti siya sa katanungan ng anak. Hindi nauubusan ng tanong si Stevey. Ginulo niya ang buhok nito.

"What did Mommy tell you?" Gusto niyang mangusisa sa mga ito.

He kissed his head many times and hugged them with his big arms. What a wonderful blessing. Ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay niya, nang makilala ang mga anak.

"Did you work in a big ship, Dad? I really wanted to see them." Seryusong tugon nito. He chuckled.

"Sure anak. Daddy will bring you in a big ship." Nakangiti niyang tugon.

"Wow.." Namimilog ang mga mata nito at napaawang ang bibig sa excitement.

"Mommy said that you are a seaman. Yeheey, Daddy's home tuya!" Lilly pinched hs cheeks at natawa siya sa kakulitan ni Lilly.

"Daddy hinintay ka namin kagabi while watching movie. Tapos nakatulog na kami nila Mommy." Pagkukuwento ni Lilly.

"Late na si Daddy umuwi dahil na-stranded sa heavy rain." Pagdadahilan niya. Hinalikan niya ito sa noo saka inilapit sa kanyang dibdib.

"Daddy hindi ka na po ba aalis? Hindi mo na kami iiwan?" It was from Stevey. Malamlam ang mga nito gaya ng kanyang ina.

He smile and raffled his hair. "No baby. From now on, dito na si Daddy sa tabi niyo at hindi ko na kayo iiwan." Pangako niya sa mga ito and he really mean that.

"Yeheeeeeyyyyy!"Lilly was very happy. Pinagsiklop pa nito ang mga kamay sa pananabik.

He didn't know the whole story. Siguro pinalabas ni Claire na nasa abroad siya sa mga bata. Yeah he was there for some reasons but it doesn't mean na gagawa na ito ng kwento. Naiinis siya sa isipang hindi man lang sinabi sa kanya ang tungkol sa anak nila in the first place sa ilang linggo nilang pagsasama sa iisang bubong.

"Daddy will not going anywhere. Kasama ko na kayo sa lahat ng pupuntahan ko." He is planning to take them tour in Disneyland. Sa Hongkong man or USA. Pwede din niyang i-travel ang mga bata sa London at kahit saang bansa.

"Mommy will be with us too?" Lilly asked again. That green eyes were sparkling in delight. How could he say 'no' to that? Ang mga matang yon ay isang palatandaan na sa kanya nga ang batang ito. Lilly looks like her mother. Pero ang mga mata nito ay sa kanya namana. While Stevey looks like him so much but his eyes was got from Claire.

"Of course! Hindi pwedeng maiwan si mommy." Sagot niya.

Medyo aloof pa sa kanya ang batang lalaki. Kaya lage niya itong nginingitian.

"Come on Stevey, hug mo ulit si Daddy." Hinalikan niya ang ulo ng anak at niyakap ito. "Hmm.. bakit hindi ka masyadong nagsasalita?" He asked habang kinakandong ito habang si Lilly ay nakatayo sa gilid niya.

Napakurap si Stevey at tinitigan siya, hinintay niya itong magsalita.

"Daddy, you're more handsome than the pictures." Stevey said. Napahalakhak siya ng malakas. Kaya pala hindi ito masyadong nagsasalita dahil may ina-absorb na bagay. Yon pala ay ang itsura niya.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon