The Jerk's Wife: 13

134K 2.9K 52
                                    

" We know what we are, but know not what we may be."

----William Shakespere.

************

CHAPTER 13: THE GOOD START

Nagtitimpla siya ng kape habang si Geus ay nasa sala nanonood ng swimming competition sa sports channel. Isang choco-krave and cappuccino coffee ang ginawa niya para sa asawa. She has no idea what is the ideal coffee for her husband kasi hindi naman ito mahilig sa kape as she had the research about him before, noong kasagsagan pa ang kabaliwan niya dito. Sa pagkakaalam niya, hindi naman ito maselan sa panlasa kaya dalawa ang naisipan niyang flavor so he could pick which type of coffee he wants to drink. He was entirely different from all the bosses she had. Karamihan ng mga businessman in a corporate world seems to love coffee lalo na kapag gusto nilang magrelax from pressure or hectic schedule or even to start the day.

Binitbit niya ang tray papunta sa sala.

"Hi. Ginawan kita ng kape, what do you want? Choco-krave flavor or cappuccino?" Nakangiti niyang tanong at inilapag ang tray sa harapan nito. Dalawang magkaibang flavor ang ginawa niya upang makapili ito.

"Any of that two. You know I'd love to when it comes from you. Ilagay mo na lang dyan." He winked at hindi siya nagpahalata na kinilig siya sa ginawa nito. He shrugged at nakatingin ito sa ginagawa niya. Kinilig siya sa complement nito. "Anyway, you want to watch movie? I have plenty here." Dugtong nito at ibinigay ang remote sa kanya.

"Sige. Nakakamiss din kasing manood. The last time na nakapagsine ako ay ilang taon na ding nakalipas. Hindi ko na matandaan." I was so busy taking care with your kids. Dugtong ng kanyang utak. Bumabangon na naman ang kunsensya niya sa tuwing naiisip niya ang kambal. Ipinilig niya ang ulo. Sa ngayon, hindi muna niya iisipin ang bagay na yon.

Umupo siya sa tabi nito at kinuha ang choco krave coffee at sinimsim ito.

"Uh-huh. Hindi ko na rin matandaan the last time na nagsine ako. It was in Scotland. Pero matagal na din." Sabi nito. He sipped his coffee then closed his eyes sighing in bliss. The satisfaction shows in his smile.

"Well, this is good. What kind of flavor is this?" Tanong nito pagkatapos nitong sinisim ang kape.

"Capuccino lang 'yan." Nakangiti niyang sagot.

Claire ang puso.. huwag masyadong magpadala. Her mind always reminding her feelings for him.

Nag-umpisa na siyang pumili ng movies. She was scrolling the downloaded movies at naka-folder pa ang mga yon. She noticed that ilang years na yatang ang mga palabas na nakadownload dito. Not updated.

"I love romantic comedy movies. You have a lot here. Mahilig ka din? Or baka dito mo dinadala ang mga babae mo?" Bigla siyang natahimik sa pagiging vocal dito. Oo nga pala.. masyado na akong naging pakialamera.

Natawa ito sa sagot niya at saglit na sumulyap sa kanyang gawi.

"Nah, ikaw pa lang dinala ko dito. I bought this Penthouse three years ago. At ang mga movies na nakikita mo dyan, my sister downloaded all of that." Uminom ulit ito ng kape.

Ah kaya pala.. Lihim siyang napangiti. Akala niya nagdadala ito ng mga babae dito. But she was thankful na siya pa lamang ang babaeng dinala dito maliban sa kapatid nitong babae—kung nagsasabi talaga ito ng totoo.

"Teka, yong condo na pinagdalhan mo sa akin noon?" She paused. Ay mali! I shouldn't open that thing to him. Stupid Claire! Urgh! Too late dahil nakita na niya ang pilyong ngisi nito. Napakagat labi siya at napakurap. Napatingin siya sa harap ng monitor.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon