The Jerk's Wife: 15

129K 2.7K 116
                                    


  "Jealousy is one of the most childish and crude feelings that a person can feel. It's an emotion resulting from the fear that the affection from our partner may, instead, be bestowed upon someone other than one's own self."

---Unknown---

***************************************


CHAPTER 15: JEALOUS HUSBAND

"And one thing, this woman you called stupid is the woman you recognized as your WIFE."

Hindi niya makalimutan ang huling sinabi nito. Claire was right. In fact, siya ang nagpumilit na pumasok sila sa ganitong sitwasyon. Siya ang nagbigay kundisyon para lang magtrabaho ang asawa sa kanya. Pero hindi niya inaasahang ipamukha sa kanya ang pagiging desperado niya. He didn't even know that he was getting desperate with his actions just to get her attention. Not until Claire made a point that he was the one who insist that they're couple after all. Knowing that she has a lover, pakiramdam niya ang sarap pumatay ng tao. Magpapatalo na lamang ba siya?

Malaki kasi ang kumpyansa niya sa sarili. Simula noong sabihin nitong hindi siya nagkakaboyfriend dahil kasal sila, nagtatalon ang puso niya sa tuwa. At nang marinig niyang may kausap itong lalaki sa cellphone, ang lambing pa nito ay tila nahugno ang kanyang mundo. Akala ba niya ma-prinsipyo ang asawa? May dignidad? Pero ano itong nalaman niya?

Stevey...

Yon ang pangalang binanggit nito nang sagutin ang tawag. And he has to do some investigation about it. The problem is iyon lang ang alam niya, ang tanging pangalan nito. Tinawagan niya si Storm at nagyayang makipag-inuman. Kailangan niyang uminom upang mailabas ang stress at tension ng kanyang katawan. Alright, he had mistaken. Naging rude siya, hindi siya nagtanong man lang at agad niyang hinusgahan ito. Pero hindi niya talaga mapigilan ang sariling magselos!

Damn it! I wasn't jealous! He denied his feelings.

Hindi selos ang tawag sa nararamdaman niya! Kundi pride! Dahil asawa niya si Maria Claire kaya siya nagkakaganito at siya lang ang may karapatan nito. Siya lang.

Lumabas siya ng opisina para mag-early out.

"Brandon, I'll have something to attend to. Where's Maria anyway?" He asked glancing at his wristwatch. Hindi niya kasi ito nakita sa working table.

"Nasa finance department, Boss." Sagot ng kanyang assistant habang abala sa pagta-type sa keyboard ng computer.

"Okay I got to go." Sagot niya at dumeretso na sa labas ng opisina. Sumakay siya ng elevator at bago tuluyang umalis nagdesisyon siyang daanan muna ito sa finance department.

Nadadaanan niya ang cubicle ng bawat employee at bumati ang mga ito sa kanya. Halos mapukaw ang atensyon ng karamihan nang makita siya lalo na sa mga kababaihang napa-fascinate sa kagwapuhan niya. But sorry, he's already taken.
Nakita niya ang asawa na may kausap ito sa bandang dulo. Naka-side view ito sa gawi niya at ang kausap nito. Unti-unti niyang nakikilala ang lalaking masayang nakikipagkwentuhan kay Claire.

Jayrol Chua.

The man is the son of Mr. Chua, one of the board members in this company. Isa itong chinito na matinik sa mga kababaihan. Of course, alam niya ang bagay na yon dahil batch mate niya ito noong college. Uminit ang ulo niya sa nakita. It seems that they're very happy talking with each other. Gusto niyang basagin ang pagmumukha ni Jayrol pero ayaw niyang mag-eskandalo sa sarili niyang kumpanya na wala namang matinong dahilan.

He was looking at them furiously. He clenched his teeth. Iistorbohin niya sana ito pero mas nanaisin niyang maramdaman nito na wala na siyang pakialam kaya agad siyang tumalikod at tuluyan ng umalis sa lugar na 'yon.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon