The Jerk's Wife: 16

129K 2.7K 54
                                    


"Life's like movie, write your own ending. Keep believing, keep pretending."

----Jim Henson

****************************************

CHAPTER 16: JEALOUS WIFE

Napuyat siya sa kakahintay kay Geus kagabi. Passed midnight na siyang nakatulog. Ang sabi ni Brandon, umalis daw ito at tinanong pa kung nasaan siya. Habang nagluluto, nagtimpla siya ng kape. Tinungo niya ang kwarto ng asawa at kinatok ito habang bitbit ang kape. Asawa parin naman siya kaya natural lang na pagsilbihan niya ito. Mas nanaig parin sa kanya ang ganoong prinsipyo. Ganoon ang kinagisnan niyang pamilya. Her parents are very traditional. Pinagsisilbihan ang ama niya ng kanyang ina. Her mother is such a caring wife to her father. At proud siya sa bagay na iyon.

"Geus, Geus..." Paulit-ulit niyang tawag sa pangalan nito. Pero wala pading sagot. Sinubukan niyang buksan ito at hindi nga naka-lock. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nang masilip sa loob, kitang kita niyang nakadapa ito sa kama, half naked and sleeping in a deep slumber. Napalunok siya nang makita ang kakisigan ng likod nito. Nakasout parin ito ng pantalon, sadyang magulo ang buhok at nakaharap sa gawi niya ang suplado at gwapo nitong mukha. Gusto niyang haplusin ito at halikan. But.. No. She sighed in defeat.

Kawawa naman ang asawa ko...

Pumasok siya sa loob at nilagay ang kape sa gilid ng mesa. Dahan-dahan siyang yumuko para nakawan ito ng halik sa labi. It was just a smack para hindi niya magising ang masarap nitong tulog. Nangangamoy alak pa si Geus. Napangiti siya sa kanyang kapilyahang ginawa.

'Ang gwapo talaga ng asawa ko.'

Napailing-iling siya sa isipang hang-over ito. Kaya pala ginabi ng uwi dahil nakipaglaklakan pa. Napansin niyang kalat na kalat ang mga gamit nito. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit sa sahig at mga magazines na wala sa ayos. Natigilan siya nang makita ang picture frame na nasa gilid ng kama nakalagay. Nasa tabi ito ng lampshade at parang six years ago pa ang larawang ito. Natutulog siya at nakatakip pa ang kumot sa kanyang hubad na katawan.

She is wondering why she had that kind of picture. Hindi siya makapaniwala na si Geus ay magso-store ng picture niya sa ganung ayos, sa ganung pagkakataon. Napangiti siya at nagpatuloy sa pagliligpit. Maya-maya narinig niya ang pag-ungol nito. Nilingon niya ito at dahan-dahan itong gumalaw sa kama. Ibinaling niya ang atensyon sa kurtina. Hinawi niya ito para pumasok ang sinag ng araw sa loob. Nadidiliman kasi siya sa kwarto ng asawa.

"What are you doing here?" Tanong nito, na medyo paos pa ang boses, halatang bagong gising.

"You need coffee. Ipinagtimpla na kita, nandyan sa mesa mo." Kalmado niyang sagot na hindi man lang lumingon sa gawi nito.

Pagkatapos niyang ayusin ang mga kurtina, iniligpit niya ang mga unan na nagkalat sa sahig.

"Alam mo ang kalat ng kwarto mo. Saka madilim, parang kweba. Kailangan mo ng sinag ng araw lalo na sa umaga." Pagsasalita niya habang inaayos pa ang mga kagamitan nito.

"Mas mabuting maligo ka na, prepared na ang breakfast sa mesa." She added. Isinara niya ang mga bukas na drawer saka inayos ang bedsheet.

Nasulyapan niya si Geus na tahimik lamang umiinom ng kape sa gilid ng sofa. He was looking at her with very much odd. He was amused at the same time. Ni hindi man lang ito kumikibo. Nakatitilig sa kanya. Bigla naman siyang na-conscious sa klase ng titig nito.

"What time did you get home? I was still awake till midnight sa kakahintay sayo. I was worried." Bigla siyang natigilan pagkatapos sabihin ang bagay na 'yon pero agad din siyang tumalikod para itago ang pagkapahiya. Napapikit siya sabay kagat labi.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon