The Jerk's Wife: 7

139K 3.2K 31
                                    


"Expectations is the mother of all frustrations."


___Antonio Banderas


***********************

CHAPTER 7: THE PAINFUL ENCOUNTER

Tahimik lamang ang kabuuan ng byahe. Pawang mabigat na buga ng hangin nito ang naririnig niya. As much as she wanted to break the silence between them ay nananatili na lamang siyang walang kibo. Hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin at kung paano mag-uumpisa. Hindi nga niya magawang sulyapan ito habang nagmamaneho. She had the feeling that he's silently staring at her pero hindi siya nagpapahalata. Hindi din niya kayang salubungin ang mapanuri nitong mga mata. Parang galit o parang nais nitong manumbat.

Kahit isang pagkakataon na makausap niya ito para makilala bilang 'siya' ay hindi naman nangyari sa buong panahon na naging stalker siya nito. Aside from his favorites in everything at pagiging chicboy nito sa kanilang campus noon ay wala na siyang ibang alam lalo na sa pag-uugali nito at personal na buhay. That's why she doesn't know the perfect timing kung kailan ito pwedeng kausapin. Dahil sa pananahimik nito, mas lalo namang bumabangon ang kanyang subrang pagkailang.

Ganito ba talaga dapat ang maramdaman sa isang taong estranghero na nakasama lamang sa isang gabi? And the worst is they are legally married—at hindi man lang nila nagawang magsama bilang mag-asawa. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ito. They don't have history as lovers. Just a one night stand.

Well, isang beses na nagkasama sila ay hindi naman isang 'getting to know each other' ang nangyari. It was the passionate night they shared without saying anything to their own lives. They just made love throughout the night at wala ni isang nagtanong sa kanila kung kaninong pamilya ka galing o anong kurso mo o kahit ilang taon ka na. Hindi rin ito nagtanong ng pangalan niya. Basta ang natatandaan niya lamang ng gabing iyon ay ang masasarap na sandaling pinagsaluhan nila.

Isang mapusok na halikan, mapaghanap na pagniniig habang binabanggit nito ang first name niyang, 'Maria.' She even remembered the times that he moaned, and was whispering her name while pushing his big manhood inside of her. It was like a music to her ears. Tapos siya ay panay ang kalmot sa likuran nito, panay ungol habang nakayakap sa leeg nito, panay tawag sa pangalan nito habang mabilis itong bumabayo sa kanyang ibabaw. Until now, kapag naaalala niya ang mainit nilang tagpo ay nakakaramdam parin siya ng pananabik sa katawan.

And as of this moment, hindi niya alam kung paano makikipag-usap sa taong nakasama lamang niya sa isang gabi ngunit matagal niyang pinapantasya. Gusto niyang matawa sa sitwasyong ito.

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng kotse. Napakurap siya. Nandito na pala sila sa lugar kung saan siya dinala nito. Marahan siyang bumaba at inilock nito ang mamahaling kotse. Nauna itong naglakad. Nagbuga siya ng hangin. Akala niya kasi aakayin siya nito papasok sa loob ng restaurant.

Hmmmppp! Akala ko pa naman gentleman ang lalaking ito!

Nagdadabog siyang sumunod dito. Pagpasok sa loob ng restaurant isang Japanese language greetings ang sinalubong ng babaeng nakasuot ng Japanese style, nakatayo sa gilid ng pintuan. Bilang tugon, tipid niyang nginitian ito at dumeretso sa mesang inuukopa nito sa may di kalayuan. Naiinis siya dahil wala talaga itong ka-gentle gentleman sa katawan. Naupo lamang ito na parang isang business meeting ang magaganap. Kumuha ito ng menu at nag-order sa waiter without asking her what she wants to eat.

Anong inaasahan mo Claire? Yong ipaghila ka niya ng upuan sa dining set? Tuya ng kanyang utak. Napailing siya at humila ng silya para maupo. She shouldn't expect anything from him. It's just her husband on papers at wala ng iba pang personal attachment doon. Uh stupid! Yeah I am stupid indeed to expect such things! Alam naman niya kasing imposebli ang iniisip niya.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon