The Jerk's Wife: 20

128K 2.6K 133
                                    



"A perfection of means, and confusion of aims, seems to be our main problem."

--------Albert Einstein.

CHAPTER 20: REVELATION OF THE SECRET

Sinalubong siya ng mainit na yakap at halik ng mga anak. Namiss din niya mga pinsan at tyahin sa buong compound ng Sandoval family. Ang tita Kristy niya ang pinakamalapit niyang tyahin. Hindi siya nito hinusgahan noong nabuntis siya sa maagang edad pa lamang bagkus tumulong pa ito sa kanyang pagbubuntis noon. Kaya nga sila lumipat sa Baguio, because of chismis sa palibot. Hindi na kinaya ng mga magulang niya ang pagpyestahan siya ng mga mapanghusgang kapitbahay at mga relatives. Sad to say, but on her father's side relatives ay mga mapagmataas. Pawang mga professional ang mga ito at siya lang ang maagang nabuntis sa lahat ng magpipinsan. Maging ang ina niya binato din ng samo't-saring chismis. Kesyo nagmana siya sa ina, maagang nag-asawa bago nakatapos at naging guro, maagaw daw siyang naglandi at hindi din daw siya nagabayan ng maayos ng mga magulang kaya siya nabuntis at eighteen and the worst part was walang kinikilalang ama ang mga anak niya.

The 'chismis' was getting out of hand, her family facing that trials and judgments by people around. In order to avoid more issues, lumipat sila ng Baguio para iwasan ang mapanghusgang palibot and to avoid causing stress as well. Sa side ng Gandhi, in her mother relatives, mostly they are open minded. And it's not big deal for them for having child at young age. Ang sabi, nagkamali eh at wala namang perpektong tao. Ang mahalaga, pinaninindigan niya ang pagbubuntis at natututo sa mga pagkakamali. Ganoon mag-isip ang Gandhi clan. Nagpapasalamat siya sa mga magulang dahil kailanman hindi siya itinaboy at pinabayaan ng mga ito. Bagkus, inalagaan pa ang mga anak niya ng maayos.

"Magbihis muna kayo at mamamasyal tayo." Nakangiti niyang sabi sa mga bata.

Namimilog ang mga mata ng kambal at sabay pa silang napasigaw ng 'yeheeeey!' Natatawa lamang siya sa kagiliwan ng dalawa. Dahil day off rin ng mga yaya, siya na ang nag-asikasong bihisan ang mga ito. Nakaka-miss din ang pag-aalaga sa mga anak. Since that time she was working in Makati, hindi na niya nagagawa ang pag-aasikaso sa dalawa.

"Mommy, are we going to ride the horse?" Sabik na tanong ni Lilly habang binibihisan niya ito ng hello Kitty sandals. Her baby girl loves Hello Kitty kinds of stuff and toys. It's one of her collections.

"If that's what you want then why not?" Malambing niyang sagot. Inayos niya ang jumper suit nito at tinali ang natural curly hair. Ang buhok nito ay namana sa ama, medyo kulot. Si Stevey naman ay straight ang buhok, namana sa kanya pero ang physical features nito ay nakuha talaga sa ama. Walang duda na si Geus talaga ang ama.

"Tuya! Mommy said we can ride a horse. Si lola kasi di kami pinayagan Mommy." Sumbong nito. Napangiti siya.

"Because lola can't hold us at the same time." Sabat ni Stevey habang nag-aayos ng tie sa sapatos nito.

"But Tito Thunder was there. Lola just don't want to." Lilly insisted. Nagsalubong pa ang kilay nito sa pagrarason.

Naikuwento sa kanya kung paano ipinasyal ang kambal ng former employer niyang si Thunder Bradchew. She was shock too when she found out the expenses of buying their toys and anything for them. Naisip niyang tawagan si Thunder mamaya para magpasalamat. Alam naman niyang mahilig talaga sa bata ang dating amo pero hindi niya aakalain na sa unang pagkikita pa lang nito ng kanyang mga anak ay liliban ito sa trabaho para lamang ipasyal ang dalawa at ipinamili pa ng mga mamahaling laruan. Nalula siya sa presyo ng mga laruan na pinamili nito.

"Because lola just wanted to be safe for the both of you." She said. Nerbyosa ang kanyang ina at naiintindihan niya ito.

Pagkatapos niyang bihisan ang dalawa, nagpaalam siya sa tyahin at ina na mamasyal muna sila.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon