The Jerk's Wife: 11

138K 3.2K 66
                                    

"From the deepest desires often come the deadliest hate."


-Socrates.

*******

CHAPTER 11: New job, New plans

Pagkatapos siyang sunduin ng asawa sa apartment at inihatid sa kanilang penthouse, agad siyang naghanda para sa trabaho. Kumain muna sila ng tanghalian sa labas bago pumasok sa opisina. Half-day na lamang sila sa trabaho dahil hinayaan pa siya nitong mag-ayos sa loob ng sarili niyang silid. Nakipagtalo pa siya sa asawa tungkol dito dahil ang gusto nito ay sa master's bedroom siya nito mananatili. She refused profusely. She wanted to have privacy para malaya siyang makagalaw at kailangan niya iyon para sa communication ng kambal.

Isa pa itong pinuproblema niya. Ang paglilihim tungkol sa mga bata. Hindi niya alam kung paano sasabihin dahil natatakot siya sa mga posibilidad. Ang kambal na lamang ang meroon siya at hindi niya kakayaning malayo sa dalawa. Tiyak na ikakamatay niya kapag nahiwalay sa mga ito. Marami siyang nakikita at naririnig na balita na ang mga bata ay kinukuha ang custody sa ina kapag naghihiwalay ang mag-asawa lalo pa at powerful at mayaman ang isang lalaki. In her case, hindi malabong mangyari sa kanya. May posibilidad na kapag nalaman ni Geus ay kukunin sa kanya ang kambal at ilalayo sa kanya and for sure she will suffer for that traumatic experience or hindi kilalanin ang mga anak niya—pero masyadong mababa ang tsansa ang ganoong sitwasyon. Tingin niya hindi naman ganoon kapabayang ama ito kapag nalaman na may anak sila.

This time, she needs to observe their situation first dahil magkasama na sila sa iisang bubong. Kailangan niya munang kilalanin ang asawa.

To know more about Geus, her husband, she needs to start with how is he as a boss to his employees, as a son to his parents, and as him as a person.

"You have an appointment with Mr. Crooker tomorrow at exactly 2 pm, and by Wednesday at 11 AM, meeting with Mr. Wang Li for expansion in Hongkong. By the way, may urgent board meeting mamaya sa conference room at 3:30 PM. And you have to send Mr. Edward Bolina on Friday in Cebu, para sa business conference to gather more investors. Kailangan isang marketing consultant ang ipadala para ma-convince ang mga potential investors." Pagdedetalye niya habang tinitingnan ang mga schedules. She already settled it a while ago and booked the important details in all appointments.

Tiningnan niya ang orasang pambisig at may natitira pang thirty minutes para magpahinga. "You still have thirty minutes to take a nap. I already made the report for you." Iniangat niya ang ulo para salubungin ang mga mata nito pero napamaang siya nang makita ang laglag nitong panga. She frowned.

Oh, why?

Umarko ang kilay nito, "Really? You've done all of that in a matter of hours?" Pantastikong tanong nito.

She sighed. Of course, she did! Yon ang previous work niya as secretary ni Thunder bago pa man siya na-promote as execuitive assistant nito. Naiinis nga siya dito dahil hindi man lang niya na-enjoy pa ang kanyang posisyon bago siya basta-basta na lamang na-pull out ng tuso niyang asawa. She already analyzed the important details, top to least priorities in the company, and facilitate all his meetings including sa mga urgent at hindi.

"Yeah I did. Problem with that?" Balik niyang tanong. Inilapag niya ang schedule book sa mesa nito. "In case you forgot, ilalagay ko ito dito sa ibabaw ng mesa mo. You want coffee?" She smile.

She was just being professional and of course this is part of her plans. Ang pagsilbihan ito. Napapantastikuhan itong nakatitig sa kanya tila walang masabi.

"What?" She frowned.

Napakurap ito, "Okay, bring me a coffee then." He smiled at huminga ng malalim sabay ayos sa necktie nitong blue na tingin niya ay nasa maayos pa naman. Hindi niya mapigilang umarko ang kilay.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon