The Jerk's Wife: 14

123K 2.9K 41
                                    

" Marriage is like putting your hand into a bag of snakes in the hope of pulling out an eel."

Author: Leonardo da Vinci

****************

CHAPTER 14: FRUSTRATIONS

She lazily stood up and fixed her bed. Pumasok siya sa bathroom para mag-tootbrush at maghilamos. Pagkatapos ay kinuha niya ang phone and dialled her children's contact number. She missed the kids very much. Sana damputin ng mga ito ang cellphone at sagutin ang tawag niya. Nang walang sumasagot pagkatapos ng ilang redial, tinawagan niya ang ina.

"Ma, gusto kong makausap ang mga bata." Pakiusap niya sa ina nang sagutin nito ang tawag niya.

"Naliligo pa ang dalawa. Mamaya na pagkatapos." Sagot nito sa kabilang linya. She sighed. Sumulyap siya sa orasan at late na pala siya nagising.

Magluluto pa siya ng breakfast. Napailing-iling siya nang maalala si Geus. Grabe, inuna pa nito ang ibang babae kaysa sa kanya kagabi. Gusto niyang kutusan ang sarili kung bakit pa siya umasang isa siya sa mga priorities nito. Hindi naman pala. Nagpaalam siya sa ina at sinabihang maghihintay siya ng tawag ng mga ito. Ibinulsa niya ang cellphone at tinatamad na nagbukas ng pinto.

Tumungo siya sa kusina at nag-umpisang magluto.

Anong oras kaya siya umuwi kagabi? Tanong ng kanyang utak habang nagprepara ng breakfast. Napuyat siya kagabi sa kakahintay sa asawa. Umabot na lang ng alas dose ng gabi, wala parin ito. Hindi na niya matandaan kung anong oras na siya nakatulog kagabi pero sigurado siyang passed midnight na siyang nawalan ng ulirat dahil sa antok. Hanggang ngayon naghihimutok parin ang kaloob-looban niya dahil sa paglisan ni Geus para lang sunduin sa airport ang babaeng nawawalan ng deriksyon pauwi.

Inihain niya ang hotdog, ham and cheese burger. Corned beef with eggs and fried rice.

"Hi, good morning."

Agad siyang nag-angat ng ulo nang marinig ang boses ng asawa. Halatang bagong gising ito dahil sabog ang kulot nitong buhok. Pero hindi parin nabawasan ang kagwapohan nito. Aminin man niya o hindi, gwapong gwapo parin ito na kahit magsout ito ng mga pinagtagpi-tagping sako. Hindi parin maitatanggi ang angas nito at hindi magbabago ang taglay na kakisigan. He is inborn with awesome sex appeal. Yeah right, enough fantasizing Claire. His tight white tee shirt makes his body trail with such muscles. His biceps were huge but fit on his six-footer height. Nahuli niya ang pilyong ngiti nito kaya agad siyang umiwas ng tingin. Biglang nanginit ang kanyang pisngi. Napakurap siya para itago ang paglalaway sa katawan nito. Oh God, not paglalaway. It's just that... makisig lang talaga si Geus that's why she can't help herself staring at him.

"Breakfast is ready. Come on have a seat." Instead to say, good morning too ay isang malamig na paanyaya ang sinalubong niya. Ni hindi siya ngumiti. Ayaw naman niyang ipahalata ang pagtatampo dito pero hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili na hindi maipakita ang sama ng loob.

The amusement in his eyes was gone and suddenly got confused with her cold reply. Napakunot-noo ito sa inaasal niya.

"You're not in a good mood. May problema ka ba?" Concerned nitong tanong saka naghila ng upuan at naupo. Naglagay ito ng fried rice sa plato. Sinulyapan niya ito at umiling. Tumalikod siya para ipinagtimpla ito ng kape.

"What time did you sleep last night? I was a little bit drunk. I didn't even know what time akong nakauwi. Pero buti na lang kasama ko si Shay." Pagsasalita nito habang kumakain.

Pakialam ko sa Shay mo!

She doesn't want to pry. Kaya itinikom niya ang bibig. Inilapag niya ang tasa ng kape sa mesa tabi ng plato nito at umikot siya para maghugas ng kamay.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon