The Jerk's Wife: 4

145K 3.3K 72
                                    

" There is more of good nature than of good sense at the bottom of most marriages."

Author: Henry David Thoreau

*******************************************

CHAPTER 4: THE MISSING WIFE

Nakabalik na siya sa trabaho. Sa mga susunod na linggo pa siya uuwi ulit sa Baguio. Namimiss niyang muli ang kambal. Habang nag-aayos siya sa mesa ng kanyang boss, biglang bumukas ang pinto at iniluwal doon ang gwapong gwapo at presko niyang bossing na si Thunder Bradchew. Her dominant boss but if you get the chance to know him, you'll find out how good he is to his employees.

"Good morning, Claire." He greeted with his friendly smile on his face. First name basis talaga ang tawag nito sa kanya. Nasanay na din siya na parang kapatid ang turing nito sa kanya.

"Good morning, Sir." She replied livelily and took a glance at his view.

Sabi nga ng karamihan, sa kanya lang naman daw mabait ito. Madalas siyang namimis-interpret ng iba niyang mga katrabaho lalo na ang mga naiingit sa posisyon niya. Ilang beses na rin niyang itinanggi sa mga katrabaho na wala talagang gusto ang kanyang amo sa kanya. Siguro 'oo' in a way that he likes her as his assistant, as his employee. Nothing more, nothing less. And it is not more than an employer-employee relationship. Sadyang friendly lang siguro ang boss niya sa iilang tao. And maybe she's one of the chosen.

"I have visitors today. In less than hour, darating na sila. Please entertain them while I'm in the board meeting." Sabi nito habang inaayos ang dadalhin sa gaganaping meeting.

Just this week ay napromote siya as Executive Assistant kaya umugong na naman ang balita na may relasyon sila ng kanyang amo.

"Is Kakie with you?" Ang tinatanong niya ay ang secretary nito na nagte-take notes ng mga detalye.

Kakie is also a newly promoted secretary. She's married and has a daughter. Mas matanda sa kanya ito ng isang taon, galing ito sa HR department as assistant. Ngayon secretary na ito ng CEO after her promotion recently.

"Yeah, inutusan ko muna bumili ng kape." He said. Mahilig talaga sa kape ang boss niya. May paborito itong binibilhan ng kape, walk in distance lang sa building. At minsan siya ang bumibili para dito.

After a few hours, habang inaabala ang sarili sa trabaho, the door suddenly opens, and someone barges inside the office without knocking on the door. Napaawang ang bibig niya nang makita ang binate na kamukhang-kamukha ng boss niya.

As he looked at him from head to toe—alam niyang hindi ito ang boss niya na si Thunder. It must be Storm, ang kambal nito.

"Excuse me po?" Kunot—noo niyang tanong.

"I'm Storm. Where's Thunder by the way?" He said with his emotionless voice. Nakatingin parin ito sa kanya wari kinikilala siya, "Excuse me, do I know you? You look very familiar to me." Dugtong nito.

Kahit hindi na ito magpakilala ay alam niyang kambal ito ng boss niya. Like him, pamilyar din ito—gaya noong unang makita niya ang kanyang boss na si Thunder. At dahil hindi niya maaalala, nawala na din sa isipan niya.

"I don't know. Pero pamilyar ka din sa akin. I just don't remember when, where or how did I see you or may kamukha ka lang. Precisely, dahil kambal ka ng amo ko." He smiled dahil kahit mukhang arogante ito pakiramdam niya ay mabait naman ito gay ani Sir Thunder.

"Well, I thought you were his girlfriend. Nasaan nga pala siya?" He sat down on the sofa comfortably and took a magazine to read. Nag-number four sit pa ito, feeling at home.

"Nasa board meeting pa. Maya-maya matatapos din iyon. You want coffee? Or any drinks?" Tumayo siya at itinabi muna ang folder sa gilid ng mesa.

"Yes please. Wait samahan mo na rin ng caramel cake." Nakangisi nitong sabi. Natigilan siya at hindi niya mapigilang magtaas ng kilay. In an instant his bossy facade change into a playful one. Caramel cake? Seriously? May mga lalaki din palang mahilig sa cake? Wala naman kasi siyang na-encounter na lalaking mahilig sa sweets like cake. Not this one, he's the opposite of her boss.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon