The Jerk's Wife: 6

141K 3.2K 57
                                    

CHAPTER 6: JEALOUS

Buong araw na siyang pagod sa kabilaang report at tambak na mga papeles sa mesa. Her boss was busy too, meeting those investors outside the office with his secretary Jacky. Halos hindi na sila nagkita ngayong araw.

Dahil sa pagiging abala niya buong araw, hindi gaanong pumapasok sa utak niya ang nangyari kahapon—ang hindi inaasahang pagkikita ni ni Geus sa elevator. Napapangiti na lamang siya tuwing naiisip ang mga anak. Nang makausap niya ito kagabi sa Skype, naiyak pa siya dahil with honors ang dalawa sa school. The twins are really that matters to her. Bahala na ang lahat.

Biglang bumukas ang pinto sa opisina at iniluwal doon ang pagod na mukha ng kanyang boss na si Thunder. Pero nagawa parin nitong ngumiti nang makita siya.

"Hey, pwede ka ng umuwi ngayon. Liam is waiting outside the building." He said while putting the folders on her table. "I want you to examine these Mr. Wong's proposal. By next week, the company has to celebrate its 33th anniversary. Well, congratulations to us! Mas dumadami na ang ating investors." Nakangisi nitong sabi at kitang kita sa mga mata nito ang tagumpay ng negosyong minana pa sa ama.

Liam is one of his colleagues, and she didn't know about that until she saw them talking happily inside the office two months ago.

She released a smile, "Congratulations din sa ating lahat, Sir. Anyway, bakit hindi pumasok si Liam?" Tanong niya, minsan kasi pumapasok ito sa loob ng opisina para makita lamang siya.

"Nahihilo daw siya makakita ng mga tambak na papeles." Nakangiting sagot nito saka tinitigan siya. Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkailang.

"Sir may gusto ka pang sabihin?" Paniniguro niya nang biglang tumahimik ito.

He sighed. Humila ito ng upuan sa harapan niya at umupo. "I have something to tell you." Sabi nito. Natigilan lamang siya at nagkasalubong ang kilay niyang tinititigan ito. Tumikhim muna ito at tiningnan siyang muli. Seryusong seryuso ito at tila natatakot siya sa maaaring sasabihin nito. Hindi sana tungkol sa pagpapadala ng new employees sa labas ng bansa. Piping sigaw ng kanyang utak. Hindi pa niya kayang malayo sa mga bata.

"Geus called me last night. And she was asking me about you." Pag-uumpisa nito.

Geus? Tama ba ang narinig niya? Kinabahan siya at seryuso niyang tiningnan ang amo.

"Asawa ka pala ni Aegeus Schwartz. Kagabi ko lang nalaman when he called me. According to him, nakita ka niya dito kahapon." He continued talking. Tama ang sinabi ni Liam sa kanya, isa sa mga circle of friends nito ang asawa niya.

Mabigat siyang nagbunton-hininga at pinilit e-relax ang dibdib. Mas lalo siyang nagtataka dahil tumawag pa ang asawa niya just to tell Thunder na nakita siya. How odd.

"I checked your employment record and yes confirmed that you are his wife although you are still carrying your maiden name. I didn't expect that you're married to a billionaire Schwartz. Base on our friendship, wala naman siyang nasasabi sa amin na may mga anak siya. Tell me about it Claire, wala ba siyang alam na may anak kayo? O iba ang ama ng kambal?" Masinsinang tanong nito. Nag-angat siya ng ulo at sinalubong ang mga mata nitong nagtatanong. Humugot siya ng hangin bago nagsalita.

"No. The twins are his. It's just, he didn't know them." Humina ang boses niya nang sabihin ang mga bagay na iyon. Umiwas siya ng tingin at narinig niya ang mabigat na buntong-hininga ni Thunder.

"I'm sorry, Claire but I have no right na panghimasukan kayong mag-asawa. Anyway, Geus wanted to see you." Dugtong nito.

Napakurap siya. Why? She decided to tell him the partial truth about her marriage to Geus. She sighed.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon