Pagpasok ko ay nakita ko si Dan at Mich nag-uusap at ang laki laki ng ngiti ni Dan. Umiwas nalang ako ng tingin at tumungo sa upuan ko. Hindi man lang niya ako napansin.


"Kath kayanin mo."  Bulong ni Ella sa'kin bago umupo sa upuan niya.


Tulala ako halos buong subject. Hindi pa din pumasok yung second teacher namin, balita ko nagka chicken pox yun eh. Bakit palaging nag-aabsent yung mga guro? Eh sana hindi nalang sila nag guro kung ganyan man lang sila. Minsan kasi uma-absent yung teacher ng wala namang binibigay na reasonable na reason kung bakit umabsent. Napabuntong hininga nalang ako. May mga corrupt pa tayong gobyerno. Ano na ba 'tong nangyayari sa Pilipinas? 


"Madam why are you tulaley? Anong problema mo?" 


"Ekonomiya ng bansa."  Wala sa sarili 'kong sagot.


"PFFT-HAHAHA G-GRABE M-MADAM HAHAHAHAHA PATI BA NAMAN YUN PRINOB--HAHAHAHAH--PRINOBLEMA MO? AHAHAHAAHHA. NAKU! MALALA KA NA! HAHAHAHA"  Nang dahil sa tawa ni Kats ay natauhan ako. Anong nangyayari dito? Kumunot yung noo ko.


"CLASSMATES WOHOOOOOO PATAWA TALAGA SI KATH PFFFFT-HAHAHAHAH. HINDI KO ALAM NA JOKER KA PALA! HAHAHA"  Nahawa na rin ang mga kaklase ko sa tawa ni Kats. Pero hanggang ngayon at nakakunot pa rin ang noo ko. Ano ba talaga ang nangyayari sakanya? 


Umiling nalang ako at yumuko dahil nahihiya na ako sa tabi ko. Sinulyapan ko si Dan at Mich at nakita ko silang seryoso pero nakangiting nag-uusap.


Napailing nalang ako.


Kayanin mo Kath. May mas lalala pa diyan.

__________________


"Class dismissed." Ms Rodriquez.


"YES!" Tumayo si Kats at mas nauna pang lumabas kesa sa guro namin. Napaling nalang siya at lumabas na din.


Ang patay gutom talaga 'non! Buti hindi siya tumataba sa ginagawa niya.


Pagdating namin ng canteen ay pinag gitnaan namin ni Michelle si Dan. Tss, mas mabuti na tong nasa gilid nuh kaysa nasa harap nila.


Tapos na akong kumain at hinihintay pa namin si Kats at Les na matapos. 


Kinalabit ako bigla ni Dan kaya nilingon ko siya.


"Bakit?"


"Hintayin mo 'ko sa bahay niyo ha? Doon kasi ako tatambay ngayon eh, umalis sina mama sasama din si JC."

"Bakit hihintayin pa kita? Hinid ka ba sasabay sa'kin?"


"Ahhh kasi..." Kinamot niya yung batok niya at tiningnan si Mich na kumakain ng saging.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Där berättelser lever. Upptäck nu