"Mas sobrang namiss ko 'to kuya." Sambit ko.

"Kenji and I were so sad when you left the mansion." Malungkot niyang sabi.

"Dumating naman si summer diba? She was legally adopted. Correct me if I'm wrong." Sabi ko.

"Against ako sa ginawang desisyon nila mommy. Kung nasa pilipinas lang ako noong ampunin nila si summer hinding hindi ako papayag."

"Bakit naman, kuya?" Tanong ko.

"Audz pinalayas ka nila. Pinapunta nila ako sa korea. I feel like I was trashed. Tapos naiwan sila dito para mag ampon ng anak? Ano tayo para sakanila? Kahit kanino sila magtanong, hindi tama ang ginawa nila." Galit na sabi niya.

"Bakit ba siya inampon nila mommy?" Nag-aalangang tanong ko sabay iwas ko ng tingin.

"Mahabang kwento baby girl, saka ko nalang ikukwento ang lahat sayo." Sabi nito.

"Okay. Kuya, uuwi na ako." Sabi ko.

"I'm gonna give you a ride." Sabi nito at tumango lang ako.

Naglalakad na kami ngayon patungo sa kotse nya habang nakaakbay ito sakin.

"Araw araw na kitang pupuntahan. Can I get your number, Ms. Beautiful?" Tanong nito, natawa naman ako.

"Sure! Haha." Sabay bigay ko ng number ko sakanya.

"Wag mo nakong puntahan, may klase kasi ako lagi." Pagdadahilan ko.

"I'll pay you a visit in school then."

"Kuya baka kung ano pa ang isipin ni summer.."

"She's not really a big deal to me if you ask me." Bored na sagot nito.

"Pero ku-- Ahh!!" I suddenly fell on the ground.

Nagdilim ang paningin ko habang hindi ko pa'rin maialis ang pagkakahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.

"Audz! Are you okay? What happened?!" Alalang tanong ni kuya.

"This is n-nothing." I said then looked away.

"A-Audz, bakit ka may mga pasa?" Nakita ko na seryoso siyang nakatitig sa braso ko kaya napalingon din ako dito. Nakita ko na may apat na malalaking pasa sa braso ko. Kaagad akong nanghina ng makita ang mga ito. Is this the effect? Am I going to die?

"B-Baka nasagi lang ako." Pagkukunwari ko.

"Wala ito kanina audrey.." Sambit ni kuya habang seryoso pa'rin itong nakatitig sa braso ko na may mga pasa.

"Ahh!!" Naramdaman ko nalang ang mainit na likidong umaagos sa pisngi ko dulot ng sobrang sakit na nararamdaman ko. God, what's happening to me?

"Dadalhin kita sa hospital."

"Kuya wag! Ayo-- aackk!!" I wasn't able to finish my words because I suddenly throw up. Fuck

"Teka, audrey anong nangyayari?" Tanong niya at bakas na sa mukha nito ang sobrang takot at labis na pag aalala habang hinahagod ang likod ko.

"Uuwi nalang ako." Mahinang sambit ko.

"Hell no!" Pagpoprotesta nito.

"Please, take me home." I pleaded.

"No. Dadalhin kita sa hospital." Pagpupumilit niya.

"Kuya pagod lang ako at gusto ko ng magpahinga. Pease? Iuwi mo nako." Mariing sambit ko

"But audrey you--"

"Please?" Halos magmaka-awa na'ko sakanya. Nakita ko sa mukha nito ang pag-aalinlangan at kahit ayaw niya ay tumango na ito at sumakay na kami sa kotse nya. Tahimik lang kami habang nasa byahe.

Nang makarating na kami sa harapan ng bahay ni amber ay bumaba na ko.

"Dito kayo nakatira?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya.

Hindi lang siguro siya sanay na makakita ng ganitong bahay, kung titignan mo kasi ito ay hindi naman kalakihan, sakto lang para saaming dalawa ni amber. Pero kung ikukumpara mo ito sa mansyon na tinitirahan nila kuya malamang ay kasing laki lang ito ng kwarto ni kenji.

"Oo kuya."

"Audz may condo ako, gusto mo ba na doon tumira? Pwede ko naman ibigay sayo yun." Sabi nito.

"Hindi na Masaya naman ako dito at ayoko rin iwan si amber."

"Pwede mo naman syang isama eh."

"Kuya ang bahay na 'to ang tanging naiwan sakanya ng parents nya kaya alam ko na hindi rin yun papayag."

He sighed "Okay, pero kung magbago ang isip ninyo tawagan mo lang ako ah?"

"Sige kuya, gabi na uwi kana. Ingat ka." Sabi ko.

"Sige pasok kana." Sabi nito saka nya ko niyakap at hinalikan sa pisngi.

Sumakay na ito sa kotse nya at ipinaharurot na ito.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ko kaagad si amber na tutok na tutok sa TV habang naka upo sa sala.

Nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad itong lumingon sa'kin at nginitian ako.

"What took you so long?" Nag-rereklamong tanong nito.

"May dinaanan pa kasi ako." Sabi ko.

"Saan naman yan? Kaninang umaga kapa umalis ah. Kumusta naman ang pagpapacheck-up mo sa doctor? Ayos ka lang ba?"

"H-ha? Oo A-ayos lang d-daw ako."

"You sure?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Bakit ka ginabi?" Tanong nito ulit.

"Amber n-nagkita na kami." Sambit ko at bigla nanaman akong napaiyak dahil sa pagkaka-alala ng pagsampal sakin ni mommy.

"Sshh why are you crying? Sino ba yung tinutukoy mo?" Tanong niya.

"Ang parents ko." Malungkot na sambit ko.

"What? Nagkita na kayo? Paano? Saan? Bakit? Audz pinapauwi ka na ba nila? Iiwan mo na ba ko?" Gulat nitong sabi na may pagkahalong lungkot.

"Si summer.." Nanginginig kong sabi habang umiiyak.

"Ano namang kinalaman ni summer dito?"

"Siya a-ang a-ampon nila mommy."

"What?!" Sa sobrang gulat niya ay napatayo pa ito sa kinauupuan niya.

"Nagulat din ako ng malaman ko yan."

"Alam ba ni summer na anak ka ng mga umampon sakanya?"

"Hindi."

"Bakit? So anong ginawa ng mommy mo ng magkita kayo? Niyakap ka ba niya? Hinalikan? Pina--"

"Sinampal niya ko."

"What? Paki-ulit nga. Nagkamali ata ako ng dinig."

"Sinampal niya ko. My mom slapped me infront of everyone. Infront of summer."

"What?! Bakit?! Hindi mo ba tinanong?! Baka yun lang yung way nya sa pagsasabi ng Imissyoutoo.." Pagbibiro ni amber. Malungkot na nga ako, nagagawa pa rin niyang magbiro.

"Ipinangako kasi nya kay summer na pag nagkita daw sila nung babaeng nakakaaway niya sa school , eh sasampalin daw niya. Nagkataon naman na ako yun."

Kinwento ko ang buong pangyayari kay amber at puro nakakagulat na reaksyon lang ang tinugon niya.

"She did that? For real? Infront of many people and infront of summer? Audrey! It was a big blow for you! How could she do that to her own daughter. She has a choice and she chose to hurt you." Mangiyak ngiyak na sabi niya. Tumango lang ako, pagkatapos ay umupo nalang siya sa sofa at doon umiyak.

"How could she do that? Alam ko wala ako sa lugar para sabihin 'to pero ang sama ng parents mo." Umiiyak na sabi niya kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"Amber okay lang sakin yun, sanay naman na akong masaktan." Malungkot kong sabi.

"But audrey, you don't deserve to be treated like that! Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sayo pero audz, alam ko masakit. Pero tandaan mo nandito lang ako. Hinding hindi ka iiwan."

"Thankyou"

Pain and Regret Where stories live. Discover now