"Siya si Alyanna, kasama ko sa cafe. Aly, si Dwayne tska si Trevor."

"Hi! Nice to meet you." Inabot niya kala Dwayne 'yong menu namin pagkatapos namili sila. Parehong Oreo cheesecake 'yong inorder nila tska isang milk shake. "Iwan ko na muna kayo dyan." Paalam ni Aly.

"So, sa Hallyu ka pa din nag wo-work?"

"Oo, gagawan ko nga ng review 'tong cafe mo. Ilalagay ko siya sa next issue." Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya? "Isang libreng cake lang naman 'yong hinihingi kong talent fee."

"Talent fee? Artista ka ba bro?" Pang aasar ni Trevor. "I know you're doing this because you like Keila." Biglang namula si Dwayne kaya hindi ko naiwasan na matawa. Para kasi siyang bata.

"Can you just shut your mouth?" Tinignan niya ng masama si Trevor pero hanggang ngayon namumula pa din 'yong pisngi niya. "Don't mind him." Mukhang nahihiya pa siya.

"Tss. I'm just helping you but fine."

"So Trev, kamusta naman sa school?" Pag iiba ko ng usapan. Mukhang naiilang na kasi si Dwayne. "Magkasama pa din kayo ni Elline?" Nag iba agad 'yong expression ng mukha niya.

"No, I'm with Bettina." Sa tono ng boses niya alam ko nang ayaw na niyang pag usapan pa 'yong tungkol sa love life niya. "How was the first day? Madami bang tao kanina?" See? Iniba niya 'yong usapan.

"Oo madami, nandito kasi si Cloud tska si Julianne. Hindi ko nga akalain na ganon kadami 'yong pupunta. Buti nga ngayon medyo konti 'yong tao, nakakapagod din pala." Lumapit samin si Alyanna at binigay niya 'yong orders ni Dwayne at Trevor. "Dwayne, bigyan mo ako ng honest feedback. Hindi porket friend mo ko, puro positive lang ilalagay mo." Ngumiti si Dwayne pagkatapos tinikman niya 'yong cake.

"Masarap naman talaga so anong pangit ang magiging feedback ko dito?" Nginisian niya pa ako. "Pero sige puro honest feedback lang ang ilalagay ko." Ang laki ng ngiti ni Trevor. Nakakaloko.

"So how many people you have in here?" Tanong ni Trevor. "All I can see is Alyanna."

"May dalawa akong chef tapos kaming dalawa ni Aly. Kami lang apat. Hindi ko naman kasi expected na madaming kakain dito."

"Mas maganda kung kumuha ka pa ng isang staff dito. Baka mahirapan ka kapag dumami na naman 'yong tao dito." Sambit ni Dwayne. Malapit na nila maubos ni Trevor 'yong cake nila. Mukhang nasarapan nga talaga sila. "Kung wala lang akong work ngayon, mag a-apply ako dito." Biglang natawa si Trevor kaya napatingin kami sakanya ni Dwayne.

"Sorry, I just can't imagine you working here." Pinipigilan pa din niya 'yong pagtawa niya. Bigla ko din tuloy na imagine si Dwayne na isang waiter tapos may pink na apron. Natawa na din tuloy ako. "See? Keila is laughing too!"

"Sorry," hinawakan ko na 'yong bibig ko para hindi na ako matawa. Namumula na naman si Dwayne. "Mas okay ka na sa Hallyu, Dwayne."

"Masarap kaya ako magluto." Sumimangot siya habang nakanguso. Para talaga siyang bata. "Sige, pag tulungan niyo akong dalawa. Dyan naman kayo magaling eh." Pagmamaktol niya.

Nagkatinginan na lang kami ni Trevor.

"Wow, mukhang nagkakasiyahan kayo dito. Can I join?" Sabay sabay kaming napalingon sakanya. "Gusto ko din tikman 'yong mga pagkain dito." Tumabi siya kay Dwayne. "Hi babe." Hahawakan sana niya si Dwayne pero nilayo agad ni Dwayne 'yong kamay ni Krystal.

"Don't call me babe. And what are you doing here?" Iritang irita si Dwayne sa presence ni Krystal. Sino bang hindi? "Pwede ba Krystal? Wag kang manggulo dito."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon