"Hoy bru! matunaw yang pinsan ko" puna sa akin ni Vyren pero iminuwestra ko lang sa kanya yung kamay ko shooing her away dahil panira siya ng pangarap ko

"Hindi ko alam kung si Corvette ba ang natutulog o itong si Kria mukhang nananaginip na" narinig ko namang bulong ni Ayra

"Hindi nananaginip ang tawag dyan sis, nagnanasa" saad naman ni Doreen

"Nagnanasa na siya hindi pa man gabi?" tanong naman ni Ayra

"Walang batas sa constitusyon na bawal magnasa ng mataas pa ang sikat ng araw" sabi ni Doreen ng lingunin ko sila

"Pwede ba? wag niyo ngang dumihan ng makamundo niyong pag-iisip ang dalisay na pagmamahal ko kay Corvette?" saway ko sa kanila

"Ay patay tayo dyan! may pagmamahal ng involved! yuck" saad ni Doreen

"O bakit? Ano'ng yuck? tse wag nga kayong panira ng pangarap!" I hissed at them at ipinagpatuloy ko ang pagmamasid sa lalaking itinitibok ng puso ko, sige Kria landi landi lang, mula ng aminin ko sa sarili kong mahal ko na nga siya naging mas masaya na ang mundo ko. I don't care if it's one-sided love...

afterall...

He nearly kissed me last night...at sukat sa inisip ko ay parang sirang plakang nagplay ulit sa isipan ko ang mga naganap kagabi. >////////////////////////< Kyaaaah! Kinikilig akoooo~

"Ay namumula ang bakla o!" narinig kong sabi ni Ayra "Ano kayang makamundong pagnanasa ang iniisip niya?" tuloy pa nito at binato ko lang siya ng eraser

"Ay bayolente, siguro ang naiisip niya eh yung parang sa 50 shades of Grey" sabi naman ni Doreen na binato ko lang din ng nilamukos na papel.

"Manahimik nga!" bulong ko sa kanila ng biglang....

"HELENA!!!!!" sigaw ni Corvette sabay balikwas ng bangon na ikinatumba pa ng silya niya, natuon sa kanya ang atensyon ng buong klase tapos ay kay Hellene, pabalik kay Corvette

Helena...? 

....

Hellene?

"Mr.Montefalco, you know your way to the principal's office" saad ng terror teacher namin sa Physics

"Yes Ma'am I'm really sorry" he just said at lulugo lugong tumayo mula sa upuan niya, at sinundan lang siya ng mga mata ko...as I saw him smile sheepishly at me, at sumikdo nanaman ang puso ko.

But despite his smile, nanatili sa isipan ko ang pangalang isinigaw niya, kasama pa ang bulung bulungan sa klase.

"Helena? Endearment ba niya yun kay Hellene?"

"I told you mare! Sila eh! magluksa ka na!" bulung bulungan sa classroom at nilingon ko si Hellene na tahimik lang na nakikinig sa teacher, at napalingon ako kay Vyren na nakalingon lang din kay Hellene. At hindi ko alam pero parang may malakas na bagay na pumiga ng puso ko.

Is he really inlove with Hellene? Napatingin ako sa pintuan kung saan ito lumabas

Hellene can't love you back Corvette, but I can... pero sa tuwing maaalala ko kung gaano siya pahalagahan ni Hellene, can't she really? doesn't she love him?

Dahil kung  si Hellene na ang usapan...

wala akong laban...

Napalingon ulit ako kay Hellene. Is he inlove with you?

But you couldn't love him right?

Napayuko ako, deep inside I was secretly wishing that Hellene could never love him back. Napakasakim ko dahil kaligayahan ko lang ang iniisip ko, at hindi ang kaligayahan ni Corvette. I kept in denying the truth na malinaw pa sa sikat ng araw. That Corvette loves her. But as a what? a sister? a bestfriend? a woman?

DollhouseWhere stories live. Discover now