Nang maglalakad nako paalis ay nagsalita siya ulit.

"One step and you're dead!" Maawtoridad nitong sabi.

"Get out of my way, summer." Mariing sambit na na medyo nagpasindak sakanya.

"I don't have time for this." Malamig kong sabi.

"Dad! Nangako ka din sakin diba? Na gagawa ka ng paraan para mapaalis siya sa school!" Sabi ni summer kay daddy.

Nakita ko na lumapit ang mga kaibigan ni kuya kay summer at hinawakan ito sa braso.

"Don't touch me!! Mom!" Sigaw nito.

"Umuwi ka muna summer I'll talk to her, anak."sagot ni mommy.

Ang sakit. Ang sakit marinig na tinatawag na 'anak' ng mommy ko si summer, samantalang ako, noon pa man yun lang ang inaasam kong marinig mula sakanya. Sa parteng ito, dito ako talo. Hindi ko pa man maisip na kalabanin si summer, talo na'ko.

"Ganyan kana ba ka immature summer? Para kang grade one na nagsusumbong sa parents mo. You're 16 for God's sake! Nakakaawa ka. Nakadepende kapa rin sa mga taong nakapaligid sayo." Huminto ako sa pagsasalita. Kahit nanginginig ako. Humarap ako kina mommy. "Ganyan niyo ho ba pinalaki ang anak ninyo? Balita ko napakabuti ninyong magulang ah. Wow. Bakit?" Hindi ko alam kung naiintindihan nila ang sinabi ko pero bakas na mga mukha nila ang pagka-guilty sa sinabi ko.

"Hoy audrey! Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko! Mom aalis lang ako dito kapag tinupad mo ang pangako mo na sasaktan mo siya sa harapan ko pag nagkita kayo! Ma! please! Tuparin mo naman!" Naiiyak na sigaw ni summer, naiiyak na humarap ako kay mommy pero umiiyak lang din ito, umaasa ako na hindi niya magagawa sakin yun, umaasa na hindi niya papakinggan si summer, umaasa na sana... sana kahit konting pagmamahal may natitira pa para sakin.. umaasa na hindi niya ko sasaktan.

Narinig sa bawat sulok ng restaurant ang lakas ng pagkakasampal saakin ng sariling kong ina. Kasabay noon ang lakas na pagsabog ng puso ko dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko. Of all people na pwedeng sumampal sakin, bakit siya pa? Bakit sarili ko pang ina?

"That's immature! Ma! Why?" Sigaw ni kuya, kasabay ng paglapit niya saakin.

"Thankyou, mommy! I love you."  Sabi ni summer saka na siya kusang umalis at pagkatapos ay tinapunan pa niya ko ng isang nakakalokong ngiti.

"Why did you hurt her?" Disappointed na tanong ni daddy kay mommy. Sa puntong ito ay wala na'kong maramdaman. Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko sa mga pangyayari.

"Are you okay?" Alalang tanong ni kuya, na lalong nagpalungkot sa nararamdaman ko. okay? Do I look like okay? Why do they need to asked that stupid question when the answer was obviously obvious? I'm not okay!

"I'm fine." I answered sarcastically while my tears falling down to my cheeks.

Nakita ko sa pa'rin sa mga mata ni daddy ang labis na pagkagulat, at nakita ko na naglabasan na rin ang mga tao dahil pinalabas sila ng manager nito.

"Ma bakit mo sinaktan si audrey.." Mahinahong tanong ni kuya pero halata sa tono ng boses niya ang pagpipigil ng galit.

"I have no choice! Kilala mo naman si summer, saka ginawa ko yun para umalis siya at para maka-usap si a-audrey." Pagdadahilan nito. Ang tagal na simula nung huli kong marinig na tawagin ako ni mommy sa pangalan ko.

Humarap ako sakanya. Hindi ko ininda ang mga luhang umaagos sa pisngi ko. "Wala tayong dapat pag-usapan." Malamig na sabi ko.

"Pero hindi mo siya dapat pinakinggan! Pinili mong saktan ang sarili mong anak at pakinggan ang kagustuhan ng babaeng hindi mo naman ka ano ano?!" Sigaw ni kuya kay mommy pero iyak lang ng iyak si mommy.

"Kevin enough." Seryosong sabi ni dad, at pagkatapos ay humarap ito saakin.

"A-Audrey..." Malungkot na sambit nito. Nakita ko ang pangungulila sa mga mata nito pero blankong expresyon lang ang isinukli ko. The more emotion he gets from me the more he'd think that I still care. I don't. I shouldn't care.

"A-Audrey I-Im sorry.. I'm really sorry. Sorry kung nasaktan kita. I was left with no choice! Hindi ko alam kung pa'no siya papaalisin.  Hin-- " Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si mommy at nagsalita nako. Hinarap ko sila ni daddy.

"Alam nyo nung itinakwil nyo ko, ay mali! Nung itinapon niyo ko, oo yun yung tamang salita sa ginawa ninyo! Tinapon ninyo ko! Binasura niyo ko, ma! Do you know how much it hurts? Do you know how I despised myself that time? I suffered every day because of the unbearable pain! I always cried my heart out every single night before I fell asleep. Pero sa panahong iyon, matiwasay kayong nakakatulog at hindi man lang ninyo naisip na may isang anak ho kayo na nagdurusa at sinisisi ang sarili niya araw araw. May isang anak ho kayo na nangungulila." Napatakip ng bibig si mommy sa mga salitang narinig niya saakin.

"Why did I've done so wrong to deserve this? I want to believe that it hurts you atleast once to send me away like that. I was hoping that you guys were lonely atleast once because I was not there. But then I know you were all doing fine without me."

"Lahat tiniis ko m-mabuhay at makapag-aral lang ako. Nagtrabaho ako, at naghirap sa dalawang taon na yun. Nang dahil sainyo naiwala ko ang sarili ko! Halos lahat ng mga nakakakilala saakin kina-iinisan ako. I lost myself while trying to find your reasons. Simula nang mawalan ako ng pamilya nawalan na'rin ako ng ganang makisama sa ibang tao because I don't want to get attached to anyone anymore. Para ano pa? Dumating ang araw na mahalin ko rin sila? At kagaya ninyo, kagaya ninyo iiwanan rin nila ko? Alam niyo ba na sa loob ng dalawang taon na 'yon pilit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit hindi ako mahal ng pamilya ko. Kung bakit hindi ko maramdaman ang halaga ko. Then bigla ko nalang masasabi sa sarili ko na 'Audrey isa ka kasing malaking disappointment' alam niyo ho ba kung gaano kasakit yun? Yung sarili mong pamilya itinakwil ka nang dahil lang sa hindi ka nila gusto? Gusto ko kayong sumbatan. Gusto kong sabihin sainyo lung gaano kayo kababaw." Muli akong umiyak pero pilit ko pa'rin itong pinipigilan.

"Madalas akong tinatanong ng mga teachers ko noon kung nasaan ang parents ko. At ang lagi kong sagot 'Wala na po, patay na sila..' Kahit na ang gusto kong sabihin ay 'Wala na po, iniwan at kinalimutan na nila ko..' Sa bawat araw na lumipas alam niyo ba na  umaasa ako na may taong hahanap sakin? Umaasa na tutuparin ni kuya ang pangako niyang hahanapin niya ko. Pinanghawakan ko yun. Umasa ko na parang tanga. Pero wala eh, umasa lang pala ko." Mapait na sambit ko.

"Isang araw paggising ko bigla ko nalang malalaman na nag-ampon kayo. Gustong g-gusto ko kayong tanungin kung bakit? Bakit pa dad? Nandito naman ho ako. Anak niyo rin ho ako."

"Tapos ngayon bigla kong malalaman na yung babaeng walang ibang ginawa kundi ipamukha sa'akin na hindi ako karapat dapat sa school namin dahil scholar lang ako at parents niya ang may ari ng eskwelahan ay siya palang anak ng parents ko ngayon. Small world isn't it? Inggit na inggit ho ako kay summer. Kasi minahal niyo sya ng parang tunay niyong anak samantalang ako simula palang nanlilimos na ng kahit katiting na pagmamahal mula sainyo. I feel so damn pathetic. Tapos ngayon bigla nyo kong sasampalin sa harapan ng maraming tao ng dahil lang sa sinabi ng anak ninyo? Tapos sorry? Sorry kasi nasaktan nyo ko? Wala 'yon mommy. Hindi naman masakit.Walang wala naman to kumpara sa sakit na ipinaramdam ninyo."

I stared at them and they were filled with remorse and shame.

I burst out in tears, hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko. Dalawang taon kong kinimkim ang sakit na nararamdaman ko. I can't help but to cry. I tried to remove my tears by rubbing my eyes with the back of my hand but still, tears won't stop flowing.

Umalis na ako ng restaurant at iniwan silang lahat doon. Tumakbo lang ako ng tumakbo, Going wherever my feet would take me, I just don't know where to go, but I badly need to be somewhere.

Pain and Regret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon