Malou's POV

 

"Picture tayo dun oh!" I said as I grabbed Jacob's Arm to the nearest tree...

Nga pala... Ginawa ng Student Council yung suggestion ko, and I'm liking it to the highest level!

They created the whole school into a Candy Wonderland...

Iniwan ko muna si Jacob sa ilalim nung "Cotton Candy" Tree at nanghila ako ng isang passerby...

"Kuya, pwede niyo po ba kaming picturan? ^___^" malapad ang ngiti na sabi ko sa kanya sabay abot ng camera...

Kita ko naman siyang parang napatulala tapos tumango-tango na din pagkatapos...

*Click!*

"Oppa! Kamsamhamnida!" sabi ko sa kanya sabay bow...

"Hoy! Anong Oppa? Tsk. Ikaw, ketanda-tanda mo na. Ang inasal mo parang pambata! Ano ka, baby?" sabi ni Jacob sa akin kaya napangisi ako

"Yep! I'm a Baby! Your one and Only Baby!" sabi ko sa kanya sabay yakap...

"Tss... Ikaw ha. Pag may magandang lugar. Wag mong basta ibibigay ang camera mo. Malay mo holdaper pala yun tapos itinakbo na niya yung camera mo..." sabi niya sabay yakap na din sa akin pabalik...

"Basta't hindi ikaw ang tatangayin niya, Ok lang!" sabi ko sa kanya sabay kindat at napatawa na lang kami... Mukha kasi kaming tanga ditong dalawa na nagyayakapan...

"Hoy. PDA kayo ha? Pero putol muna yan. Hihiramin ko muna si Best!" sabi ni Kaely sabay hatak sa akin :3

Hinila ako ni Kaely papunta sa SC Office...

"Nako Best!!! Malapit na ang Band Performance mamaya ng Syntax Error, tapos magkakaspecial appearance pa si Momo at si Baby Blue!!! And guess what? Ikaw ang Opening Act!!! Bonggacious ka Fifi!" sabi ni Kaely kaya napatingin ako sa Relo ko...

7:36 pm...

4 and a half hours more and this day will end...

"Oh? Umiiyak ka na naman best oh... Wag ka ng mag-alala... We're thinking of a plan..." sabi ni Kaely habang hinahagod ang likod ko...

"Oh, cheer up na, Best. Mamayang 10:00 ka namin tatawagin sa room niyo ni Jacob ha? Ako ang magmemake-up sa'yo ^__^ Oh, eto ang susi ng room niyo ni Jacob. Wag gagawa ng bata ha? Ayaw ko pa maging ninang..." sabi niya kaya napatawa na rin ako at tumango-tango...

Alala niyo ba yung Hotel na tinirhan namin ni Jacob dati nung nagkapunishment kami? Nirentahan nung Principal yun for the whole school. Bale mamayang gabi, pagkatapos ng concert. Dun kami lahat didiretso... At oo... Karoom mate ko si Jacob... At ako ang namilit... Para kahit sa last hour man lang, kasama ko pa rin siya...

I Heart My Assassin (Under-Construction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!