Annie's POV

 

Napahalakhak ako ng mahina matapos kong tawagan ni Malou.

Ang tanga naman niya... Ang lapit lapit na ni Master sa kanya eh. Hindi niya pa makita?

 "Annie..." tawag sa akin ni Master at sumesenyas pa siya sa akin na lumapit daw ako sa kanya...

Nang makalapit ako sa kanya...

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos eto...

Hinalikan niya ako sa labi tapos ikinabigla ko ang ginawa niyang sunod...

*PAK!*

Napatalsik ako dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin...

Napahawak ako sa pisngi ko at napatulo na naman ang mga luha ko...

"Kelan ba mamamatay si Jacob? Isang tao na nga lang ang nakaassign sa'yo hindi mo pa magawa..." sabi ni Master at naupo siya

Sa kabila ng kagwapuhan ni Master, ay nakatago ang misteryoso at masama niyang ugali...

Naghihiganti siya kay Jacob sa isang Personal na dahilan at hindi siya basta basta magpapapigil sa kung sino man...

"Hey Sweetie! I got the picture you asked me..." sabi ni Jewel na kakapasok pa lamang sa silid ni Master....

Kasama siya sa pagpaplano namin at inatasan siya ni Master na kuhanin ang mga litrato ng ina at ama ni Malou...

Isa pa tong babaeng eto eh. Misteryoso at malandi yang babaeng yan. Napapunta siya sa misyong eto sa kadahilanang marami siyang nakakalap na ipormasyon tungkol sa biktima at kay Malou...

Ibinigay na niya ang litrato kay  master at naupo siya sa Mesa ng binata...

"So... What's my reward, sweetie?" sabi ni Jewel habang pinapaikot sa daliri niya ang kanyang buhok...

'Ang Landi talaga niya...' isip ko at tinalikuran ko na sila...

Kelangan ko nang mapilit si Malou na patayin na si jacob... Kelangan ko na silang paghiwalayin para ako naman ang mabigyan ni Master ng atensyon...

"Annie... Where do you think you're going?" sabi ni Master kaya napatingin ako sa kanilang dalawa...

SI Jewel na mukhang nandidiri sa akin at si Master na walang kaemo-emosyon ang mukha...

I Heart My Assassin (Under-Construction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!