Malou's POV

Umuwi na ako sa bahay namin ni Jacob nang maikwento ko kay Kaely ang mga nangyari...

Nagtanong na din ako kung may mga alam pa siyang iba pero tulad ko, wala rin siyang alam dun sa sinasabing The Blacks...

Nagpuntahan pa nga yung mga Gangmates ni Jacob sa bahay ni Kaely eh, pati nga si Carlo nalaman na din...

Pero isa lang ang sinabi nilang gawin ko...

"Enjoy the days given to you and let's just wait for an answer to poof out..."

It's just like saying that this thing happening to us is Hopeless!

Inabot kami hanggang 2:00 ng umaga sa pakikipagtalo at sa pag-iiisip ng plano na kelangan naming gawin...

Nakakainis na talaga! Nakakairita! Nakakabanas pala yung mga times na alam mong may problema pero wala kang maisip na magandang Plano para sa mangyayaring yun!

Napatingin ako sa likod ko nang may yumakap sa bewang ko...

Ramdam ko ang paghinga niya sa may leeg ko at aaminin ko, kahit nasusura ako sa nangyayari sa amin, kinikilig ako...

"Oh? Ang aga mo ata magising?" sabi ko sa kanya sabay higop sa kape ko...

"Nagsalita ang gising na kanina pa." sabi niya sabay halik sa leeg ko

"Huh? Hindi naman ako nagising eh... Hindi naman kase ako natulog... Balik ka na muna ulit sa kwarto, magliligpit lang ako nitong pinag-inuman ko nang kape. Nako, ikaw talaga, Jacob ha? Kakabalik ko palang dito sa bahay natin binubuwisit mo na naman ako..." Pagbibiro ko sabay tanggal ng pagkakayakap niya sa akin

It's 3:27 in the morning at nandito ako sa may dining room, nagkakape... Buti na lang talaga tulog ang mga kasama namin dito... Siguro kung naabutan nila ako ditong problemadong-problemado kakaisip nang gagawin ko, siguro mawiweirduhan sila sa akin...

"Hindi. Hindi ako matutulog... Hindi ka na naman papasok eh! Hindi na kita nakita kahapon at nung isang araw. Tapos ngayon papatulugin mo ako? Hindi mo ba ako namimiss? Lagi na lang tayong naghihiwalay ah TT3TT" sabi niya nang pabiro sabay pout kaya napangiti nalang ako...

"Namiss naman kita. Wag kang mag-alala. Pero don't be too stubborn. Please sleep upstairs, already. May aasikasuhin lang ako, please?" nakangiti kong sabi kay Jacob at nakita ko siyang ngumiti...

"Sabi ni Tita Bea, hindi mo pa daw nakikikita ang mga magulang mo, right? Yun ba yung pinagkakaabalahan mo?" sabi niya sabay abot sa lagayan ng loaf...

I Heart My Assassin (Under-Construction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!