Malou's POV

Naghiwalay na kami ni Jacob nang maalala ko na naiwan ko nga pala si Shinkoku...

Nagpaalam naman ako kay Jacob pero laking gulat na lang namin nang makita naming may Kausap si Shinkoku sa likuran namin...

At ang matindi pa, si Slut Forever ng Buhay ko yun...

"Oh, Jewel! Andiyan ka pala?" sabi ko na lang sa kanya at lumapit kami sa kanilang dalawa...

"Yeah, Obviously--- I mean, I'm sorry sa lahat ng nagawa ko Malou dati ha?" sabi ni Jewel kaya napakunot ang noo ko at napalingon ako kay Jacob...

Mukha rin naman siyang nagtataka o____o

"What's with those funny faces, you guys are making? Ok, Malou, first of all, I'm sorry for being rude to you. I want to make it up to you kasi nga we started on the wrong foot, that's why I was planning to throw a Slumber party with you!" sabi ni Jewel nang nakangiti

Napatingin tuloy ako kay Shinkoku at kita ko namang nakaiwas lang siya ng tingin...

"Ok, when is the party?" napalingon ako nang sabihin yan ni Jacob nang nakangiti kaya napakunot na naman ang noo ko

"Ano---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magtatalon si Jewel at niyakap ako

Ok? Weird =___=

"The Party will be tomorrow night. Ipapasundo ko na lang kayo sa Personal Drivers ko. Wag kayong mag-alalala. Hindi ko kayo ipapasabotage. K Bye! May pupuntahan lang kami ni Shin!" sabi ni Jewel tapos inakay na niya paalis si Shinkoku...

"So I guess, hindi ka na kailangan ni Shin ngayon. Haha. Tara, date tayo!" nakangiting sabi ni Jacob kaya binatukan ko siya...

"Langya ka. Pero sige na nga. Gutom na ako eh ~___~" sabi ko sabay punta sa Parking Lot...

Nang sumakay kami...

Napaisip ako bigla...

"Jacob, bakit ka pumayag na maging kaibigan ko na si SFNBK?" sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"SFNBK? Sino yun? Nako, ikaw Malou ha. Pag nalaman kong may iba kang lalaki bukod sa akin, nako! Humanda yung lalaking yun!" galit na galit na sabi ni Jacob tapos pinaandar niya yung kotse...

I Heart My Assassin (Under-Construction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!