Malou's POV

 Umalis si Jacob na wala pa ring expression ang mukha...

Dali-dali akong napahiwalay kay Shinkoku kaya nagtaka naman siya...

"I have to go... Sorry. Babalikan na lang kita" I said as I stormed out of his room

"T-t-teka---" pagpigil niya sa akin pero hindi ko na pinansin kasi baka mali ang isipin ni Jacob

Ewan ko ba... Feelingera na kung feelingera, pero feeling ko kelangan kong linawin yung nakita ni Jacob...

Nabuhayan ako nang loob nang makita ko si Jacob na nakasandal sa may tabi ng Prayer room...

Lumapit ako sa kanya pero hindi pa rin siya natinag...

Nang magsasalita na ako, bigla naman siyang aalis...

"Jacob... Let me explain..." sabi ko sa kanya kaya narinig kong tumawa siya ng mahina...

"Explain what? Yung yakapan session niyo kanina? Wala yun. Ok lang ako." sabi niya kaya naiyukom ko tuloy yung mga kamao ko...

"Please listen to me..." pagmamakaawa ko sa kanya pero I still tried to maintain my firmness...

"Don't worry. There's nothing to explain about. At kung sa tingin mo ay nagagalit ako dahil niyakap mo siya. Uunahan na kita. No. Hindi ako nagagalit... Wala akong pakialam kahit na magyakapan pa kayo dun ng walang tigil. Besides, bakit naman ako magagalit, wala naman ako sa tamang pwesto para magalit dahil lang sa pagyayakapan ninyo... So If you may excuse me..." sabi ni Jacob na nakamaintain pa rin ang walang expression niyang mukha kaya mas napakuyom ang mga kamao ko...

Aiish. Yan kasi Malou! Napakafeeler mo! Wala nga daw siyang pake diba?

Tapos dumali na naman ang bibig kong hindi makontrol-kontrol at may naibulalas na naman akong nakakahiyang bagay...

"Ang sakit nun ha..." naibulong ko na lang kaya biglang tumahimik ang kinalulugaran namin...

"Tsk. Such nonsense..." sabi ni Jacob at ramdam kong aalis na sana siya kaya dali-dali kong hinablot ang kamay niya...

Nagkatinginan kami kaya napayuko na lang ako ng tingin...

"S-s-sa ayaw o s-sa gusto mo... M-m-may paki ka man o-o wala... Makikinig ka sa sasabihin ko... Ok, k-k-kahit hindi ka makinig sa sasabihin ko... Mag-eexplain pa rin ako..." sabi ko sa kanya nang hindi natingin at narinig ko siyang natawa ng mahina...

I Heart My Assassin (Under-Construction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!