For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Malou's POV

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang matingnan ko na ang baril na nakatutok sa akin...

Naestatwa ako sa kinauupuan ko at pinagpapawisan ako nang malamig...

Nagbabadya nang bumagsak ang mga luha ko dala nang takot at pagkabigla...

"Mark, ibaba mo na yan. Let her talk." sabi ni Jomar at naramdaman ko ang pagbaba ng baril...

Tapos naramdaman kong tumapat sa harap ko si Mark at nakatutok pa rin ang baril niya sa akin...

"Phone. Give me your Goddamn phone." sabi ni Mark nang seryoso kaya napapikit ako...

Kinuha ko ang cellphone ko at ibinigay ko yun sa kanya...

Kinuha naman niya yun at ibinaba ang tutok ng baril...

Napahinga ako nang maluwag pero hindi nawala ang pagkatakot at pagkakaba ko sa mga nangyayari...

Nagsalita si Carl na ikinabawas nang kahit konti sa kabang nararamdaman ko at nakita ko rin ang pagiiba nang expression ng mukha ng mga kagang nila...

"I heard from the investigator, na napilitan ka lang daw matapos saktan ni Jacob ang kaibigan mo... Tunay ba yun?" sabi ni Carl kaya napatango ako...

"Sinong mga involved. Kilala mo ba ang master mind? Bakit daw niya yun ginagawa?" dire-diretsong tanong ni Ren kaya napatingin kaming lahat sa kanya...

"Tol, Panira ka ng atmosphere! Ganda nung intense scene eh! May mga baril pa!" sabi ni Carl kaya nabatukan siya ni Mark...

"Malou, We trust you in every way we can. Please don't break that trust we built for you. Kung sinasabi mong napilitan ka lang, pwes papaniwalaan ka namin. Just please don't dissapoint us. We would even help you in this problem. Pwedeng-pwede naming saktan ang mga namimilit sa'yo, just tell us what to do..." sabi ni Mark kaya napangiti ako at may napatulong luha sa mata ko...

Napabulalas ako ng isang thank you at naramdaman kong may yumakap sa akin at si Carl yun...

Nakonsensya tuloy ako at nadissapoint sa sarili ko...

"Pero Malou, that doesn't mean we're done with this conversation... Tell us every detail on how you became involved in this mission, who are the other people involved and any other details you know..." sabi ni Carl kaya napatango ako nang nakangiti sa kanila...

Kinwento ko na sina Annie ang nagutos sa akin at sa pagkakaalala ko ay pinapagawa nila toh sa akin sa kadahilanang gusto nilang maghiganti ang mga babaeng sinaktan dati ni Jacob...

I Heart My Assassin (Under-Construction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!