Malou's POV

9:30 pm-Rivero's Residence

 Naglalaro lang kami ni Macey dito ng mga Barbie niya tapos ang Prince charming daw nun ay si Spiderman.

"Noona! Noona Noona!" tawag sa akin nung dalawang lalaki na sa pagkakaalam ko ay kapatid ni Jacob...

"Oh? Bakit? Ano nga ulit ang mga Pangalan niyo?" sabi ko sa kanila nang nakangiti

"Maive is my name and this right here is Maine. 9 months lang ang agwat namin sa isa't-isa *O*" sabi ni Maive kaya napatango-tango na lang ako...

*KRIRIRIRIRING!!!* tumunog yung telepono at sasagutin ko na sana pero nagvolunteer na si Jacob...

Naglaro na lang ulit kami ni Macey tapos ewan ko...

Kinutuban ako na parang may masamang mangyayari...

 

Napatingin ako sa direksyon ni Jacob at kita ko ang lungkot, sakit, pagtataka at galit sa mukha niya...

 

Anong meron?

Tumingin sa akin si Jacob kaya napangiti ako sa kanya...

Ang sama na talaga ng kutob ko...

Napailing na lang ako sa naiisip ko at napatingin ako kay Jacob nang hiyawan niya yung nasa telepono...

"HINDI NIYA YUN MAGAGAWA! TIGILAN NIYO NA AKO!" sabi ni Jacob tapos ibinaba na niya yung telepono...

"Oppa! Who was that?" pagtatanong ni Macey

"Huh? Oh nothing. Tumawag lang ang Gang ni Kuya Jacob mo... Aalis muna kami ni Mallows ha?" nakangiti na sabi ni Jacob...

Kung hindi ko siya kilala, siguro inisip ko na na totoo ang ngiti niya...

Pero kita ko ang Sakit na nararamdaman niya sa pamamagitan ng mata niya...

"Already? And why are you smiling Fakely? >3<" sabi ni Macey tapos napapout siya...

"Yes. Already..."sabi ni Jacob na hindi pinansin ang pasasabi ni Macy ng pekeng ngiti tapos hinila niya ako paalis at pumunta kami sa kotse...

Habang nasa kotse kami...

Katahimikan lang ulit ang nananaig...

I Heart My Assassin (Under-Construction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!