Chapter 40- My destiny

Start from the beginning
                                    

"Ano nanaman ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ayan oh! May pasa ka sa daliri, don't tell me daliri yung pinangti-tira mo sa bola kanina? Aba! Hands down na ako sayo kung ganun." Pagkatapos niya dumakdak, inirapan ko lang siya at tinignan yung daliri ko. Oo nga, may pasa ako. Jusmi! Ang aking flawless skin ay unti unti nang naa-apektohan ng global warming. >____<

"Patingin nga." Dali dali naming kinuha ni Ethan yung kamay ko at tinignan.

"OA na Ethan ha. Malayo sa bituka yan, hindi ko ikamamatay ang pasa." Binawi ko yung kamay ko sa kanya at tinuloy ko ang pag-lafang. Mga istorbo. -_________-

Pagkatapos naming kumain, nagkayayaan na ang barkada na mag-swimming...

"Tara na! Magbihis na tayo." Hinila ni Kimberly yung braso ko sabay hinila ako.

"WAG KANG MAG TWO-TWO PIECE HA!" Sigaw sakin ni Ethan. Binelatan ko lang siya tapos bigla siyang sumimangot. For sure, papasuot nanaman niya sakin yung shirt niya. Ang cheap ng cover up ko. T.T

"Ooh-lala, sumexy si Elle." Ba sakin ni Jaime at nginitian ko lang siya.

"Patay kay Ethan yung mga titingin sayo mamaya. Nako! Baka mawalan pa siya ng business dahil sayo." Nakapamewang na sabi ni Rachel pero nagbibiro lang naman siya kasi nakangiti naman siya.

"As if naman na may titignan sila. Automatic na yan, ipapasuot ni Ethan yung shirt niya. Nice cover up girl." Tinapik ni Kimberly yung braso ko at nag-wink pa. Bah! Pangaasar.

"Tsk! Mapipicture ako mamaya na suot ko yung shirt ni Ethan as cover up tapos ipopost ko sa Instagram. Let's see kung hindi mag-click yun." I smirked. International fashion icon kaya ang lola niyo. ^__~

"Ugh! Okay! You win. Hands down." Sabi ni Michelle sabay cross arms tapos biglang tumawa.

"Tara na nga! Mga baliw kayo!" Niyaya ko na sila palabas ng restroom.

BOOM! All eyes are on us.

Ethan's POV

Nakita kong palabas na sila Elle sa restroom, lalapit na sana ako kaso may humarang na babae sakin.

"Hello." Nagbe-beautiful eyes pa. Dukutin ko yan e. -____-

"What do you want?" Ang dami nang tumitingin kay Elle. Pano ba naman kasi! Naka-two piece! >___<

"You." Tinulak niya ako nang mahina sa may dibdib gamit yung index finger niya.

"Tsk. Tapatan mo muna siya bago ako makipag-usap sa kagaya mong stranger." Tinuro ko si Elle at nanlaki naman yung mata niya.

"She's your girl?" Napatingin naman si Elle samin at biglang sumimangot.

Bigla siya may nilapitan na lalaki at nakipag-usap! Takte! What is she doing? Marunong kana lumaban ngayon ah? Sige, yan ang gusto mo. Pagbibigyan kita kahit nandidiri ako sa babaeng to.

"Let's go." Hinawakan ko yung kamay nung babae. Nakakadiri, parang tutubuan ako ng halaman sa kamay. -_____-

"So, hi." Niyakap niya yung braso ko. Yung totoo, may lahi ba siyang unggoy. Magha-hi lang kailangan kakapit na? Tinignan ko lang siya at nginitian. Ngiting gusto maka-patay nang nasa likod namin!

"Hmmm, what's your name?" She winked at me. May ulirat kaya to? Pikit ng pikit.

"Ethan." Magising sagot ko. Pakiramdam ko, masusunog na ako sa sobrang ka-plastican. Elle naman kasi. >____<

"I'm Alexandra. Alex for short." Nakayakap na siya ngayon. Tinignan ko sila Elle at yung hinayupak na lalaking kasama niya. Aba! Nagtatawanan pa sila.

A Rose between Two Thorns (Editing)Where stories live. Discover now