Kabanata 08

10.2K 200 10
                                    

Kabanata 08

Friends

Malalaki ang hakbang ko patungo sa kinaroroonan ng Bentley Mulsanne at kahit papano ay nagawa ko paring hanapin ang kinaroroonan nito, sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata. Arabella is confused pero halata pa rin ang pagkabigla niya sa naganap kanina. Binuksan ko kaagad ang pintuan ng sasakyan, I placed her on the next seat at inilagay ang seat belt. Humarap ako sa manibela, humigpit ang hawak ko roon at pinaingay ang makina. Tumagal muna ang mga mata ko sa kinaroroonan ng tahanan ni Timothy, nagbabasakaling lumabas siya ngunit hindi niya ginawa.

Pinunasan ko ang mga luha ko sa aking mga mata, at pinaandar na ang sasakyan. I have to accept it! I have to accept the fact na bumalik lang siya para sa anak namin ng kaniyang kapatid na hinding hindi na niya makikita pa. And I also have to accept the fact na naalala lang ako ni Kerwin dahil sa anak naming dalawa. At ngayong malalaman na niyang nawala na ang anak namin, I'm sure that he will forget me. Sigurado akong mas lalo niya akong kamumuhian. At sa sobrang galit niya, magigising na lang siya na hindi na niya ako naalala. I wish I can erase him too inside my mind. Pero kahit anong pilit kong gawin iyon, patuloy itong gumagapang pabalik. Everything is haunting me.

"Mommy, w-why I-i are you crying?" Dinig kong untag ni Arabella. Hindi ko siya nilingon. Nakatuon lamang ang mga mata ko sa daan na tinatahak namin. I don't know where to go. Babalik ba agad ako? My mind said no. At nanaig ang desisyon kong puntahan ang anak ko sa sementeryo. I want to talk to him again.

Pinunasan ko ang pisngi kong namasa nang dahil sa luha. I can feel the heat spreading around my eyes again, but this time nagawa ko na itong pigilan. "Don't mind me. Sinisipon lang si mommy." Wika ko. Panandalian ko siyang sinilayan nang may ngiti sa labi just convince her that I'm not crying. Tumango tango naman siya.

"Okay mommy." Aniya.

Tumagal ng ilang minuto ang biyahe and I can finally see the cross and gravestones inside the cemetery. Muli kong naramdaman ang pamilyar na kirot. The first time I visited this, is the most painful feeling ever. At pakiramdam ko ay sumobra ito ngayon. Hindi ko na napigilan ang mga luha na magdaluyan palabas ng mga mata ko. Namatay ang anak ko na hindi niya ako nakikilala. Namatay ang anak ko na hindi nakikita ang mga magulang niya. He died without seeing the beauty of everything.

Kinurot ang puso ko nang lumabas ako ng sasakyan. Si Arabella ay nakahawak sa aking kamay habang patungo kami sa kinaroroonan ng lapida ng aking anak. Muli kong naramdaman ang kahungkagan. Ang matinding kahungkagan na tiniis ko ng mahabang panahon. Arabella, Jennica and Ethan were there to fill up the empty spaces inside my heart pero may kulang pa rin talaga. Ang anak ko iyon at ang ama niya. They were the missing pieces na kahit kailan ay hindi na babalik at mahahanap pa.

Napalunok akong pinagmasdan ang lapida. Gamit ang daliri ay hinaplos ko ang pangalan ng aking anak. Kerby ang aking pinangalan sa kaniya tulad ng nais naming dalawa ni Kerwin, noong pinaguusapan namin ang magiging pangalan ng aming sanggol. It was so nostalgic. Four years ago, pinag uusapan pa namin ang pwedeng pangalan nila. Kapag babae, Aleah at kapag lalaki ay Kerby ang ipapangalan. Kerwin and I built the same dream. But that dream died when they left me.

Kinagat ko ang labi ko nang sunod sunod na luha na ang pumatak. Naninikip nang husto ang dibdib ko. The other half of me died since Kerby and Kerwin abandoned me. At nang dumating si Arabella, unti unti kong natutunang bumangon. But remembering all the things that happened brought me to pieces once again. Alam ko namang pansamantala lang 'to. This is not permanent. Parang pagmamahalan lang namin ni Kerwin—Matutuldukan din.

NAGTAGAL ako roon ng ilang oras then I decided to go home. Kailangan ko magpalakas bago dumating ang muling paghaharap sa korte sa susunod na linggo. Hindi ako pwedeng sumugod sa laban na durog na durog ako. I should be pure. Dapat, matatag ako at hindi matitibag. I need to be strong upang mailahad lahat ng mga detalye na dapat malaman ng lahat sa magaganap sa korte. I will do everything upang bumagsak si Hoseff. Sisiguraduhin kong madudurog siya. Sisiguraduhin kong hindi siya makakabangon pagkatapos ng pagka durog niya. I will destroy him like what he did to me.

His Darker Vengeance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon