Parang hindi lang si Gav yung nag-eenjoy sa ginagawa niya, ako rin.

Si sir ang bumili ng ticket at kami naman ang bumili ng snacks. Tag-iisa kaming pop corn. C2 ang binili ko, wiw. May naalala ako dito ah. Hahaha.

Tatlong C2 ang binili ko para tag-iisa kami. Medyo may pila ng onti sa bilihan ng ticket kaya mas nauna kami ni Gav. Excited si Gav at patakbo-takbo sa kalawakan ng floor na ito. Gusto pa nga magpunta don sa parang arcade malapit sa bilihan ng ticket pero sabi ko di siya makakapasok sa sinehan pag nagpunta siya don. Hihi.

Busangot si sir nung papalapit samin. "Bakit?"

"I should bought it online or let Jaime buy it for us earlier."

"Sus. Ang arte mo naman. Pag ba CEO di na pwede pumila at maghintay? Ganon talaga ang buhay, minsan kailangan mong mag-antay para makuha ang gusto mo." Bigla siyang nagsmirk at don ko din narealize ang meaning ng sinabi ko. Subliminal. LOL.

Inabot ko nalang sa kanya ang hawak kong C2 at pop corn tapos tinawag na si Gav para makapasok kami sa loob.

Di pa naman nagstart ang palabas kaya maliwanag pa, nakakatawa ang pag ka OA at pagka excite ni Gav sa loob ng sinehan. "Huge TV" daw ang screen.

Since reserved seats dito, ang pinili ni sir ay sa gilid.

"Bakit dito? Bakit hindi sa gitna? Ang panget mo pumili ng pwesto, dapat ako nalang bumili ng ticket." Sabi ko nung umuupo na kami.

Si Gav ang nasa gitna namin. Si sir nasa pinaka-aisle, si Gav katabi niya then ako. May dalawang seat pa sa gilid ko, pang limahan kasi tong sa gilid.

Iniayos ko ang C2 sa lagayan ng drinks sa armrest habang enjoy naman yung dalawa sa pinag-uusapan nila about sa paligid.

Pang-bata ang movie na ito kaya puro families ang kasama namin dito sa sinehan. Ang iingay ng mga bata (yes, kahit mga anak mayaman) habang pumupunta sa mga upuan nila at nanlalaki ang mga mata ko sa mga nakikita kong susyal momies na naka sleeveless or sando lang papasok dito. Eh di sila na sanay sa lamig.

Bago mamatay ang ilaw, merong umupo sa tabi ko na dalawang lalake. Sa tingin ko ay mga empleyado ito kasi mga naka-id pa. Nagtaka lang ako kasi talagang trip nila panoorin ang pang batang movie?

Hindi nakatakas sakin ang pagsunod ni sir ng tingin dun sa dalawa na dumaan sa kanya at umupo sa tabi ko. Then the lights went out.

Kinilig pa si Gav nung mamatay ang ilaw at bumukas naman ang screen para sa commercials. Simple lang din akong nanonood ng mga trailers nung kulbitin ako ni sir.

"Let's switch seats."

"Ha? Bakit?" bulong ko. Tumingin lang siya sa likod ko kaya napatingin naman ako. Sa screen naman nakatingin yung katabi ko. Anong problema nito.

Tumayo na siya na ikinagulat ni Gav at tumayo sa harap ko, nakakahiya naman kung mag-iinarte pa ko at mag-eeksena dito sa sinehan kaya tumayo na ko at pupunta na sana sa pwesto niya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Gav, you sit there. You said it's a bit cold in your seat." Tumango si Gav, tumayo, at lumipat sa upuan niya kanina tapos hinila ako ni sir paupo dun sa upuan ni Gav.

"Bakit ako sa gitna, di naman ako ang bata?"

"PSSSHHH!!" narinig kong sita ng kung sino man. Di ko na nakita kung sino yun. Humalukipkip nalang ako at pinatong yung popcorn ko sa lap ko.

"Okay ka lang dyan?" bulong ko kay Gav nung mga nakakailang patalastas na.

"Yeah. Be quiet tita." Bahhh.. yabang nito kala mo di first time.

CEO's SON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon