"Eh kasi naman eh. Nakakamatay kaya pag sinosolo ang problema. Kaya nga nilikha ang ibang tao para may kadamay ka. Eh di sana nilagay ka nalang ng Diyos sa isang isla mag-isa kung ganyan lang din pala ang gusto mo." Sinasabi pa niya yang makabagbag damdamin niyang speech habang ang ulo ko ay nasa dibdib niya, nakatakip ang kamay ko sa mukha para itago ang iyak, at tinatap niya ang ulo ko.

Nung mahimasmasan. "Ate Marina, si Sir Niel."

"Ano? Si sir? Nasa office-"

Umiling ako at umayos ng upo, pumunta din ako sa kabilang dulo ng sofa at nagpahid ulit ng mukha kasi feeling ko ang dungis ko na. "Si sir ang dahilan bakit ako ganito."

"Ha? Nag-away kayo?"

"Sana nga away lang eh."

"Eh ano?"

"Mahal ko si sir." Simple kong sinabi. Ang sarap palang sabihin ng bibig. Ngayon ko lang siya sinabi ng malakas. Madalas nasa isip ko lang. Iba pala sa feelings. Parang may nawala saking something na ewan. Mahal ko si sir. Nabanggit ng labi ko. Shocks.

Napahawak pa siya sa bibig niya. "Di nga?" tumango ako.

"Inamin mo na? Anong sabi? Basted ka ba kaya ka ganyan?"

"Hindi! Hindi ko pa sinasabi. Di ko kasi kaya."

"Ah. Naiiyak ka kasi di mo masabi?"

"Parang ganon na.. hindi na ewan. Basta. Halo-halo."

Lumapit pa siya sakin ng bahagya. "Teka lang.. teka lang Max. Grabe. Teka di ko makaya to." Para siyang nabalisa na ewan at sumigaw ng malakas. As in! Napatakip ng tengga si Gav at parang naiinis na sa pagsigaw ng yaya niya.

"Huy ate! Maghulos dili ka nga! OA to."

"Grabe Max! Totoo ba? Mahal mo si sir? Gusto mo na rin siya? Totoo talaga yan!?" tumango lang ako. Napahawak siya sa bibig niya ulit at sobra makangiti. Antagal niya magsalita ulit kaya bigla ko lang narealize yung sinabi niya.

"Anong sinasabi mong gusto ko 'rin'? Bakit may 'rin'?"

"Ano ka ba naman Max! Ang shunga shunga mo talagang babae ka! Sino ba namang hindi makakahalata na gusto ka din ni sir? Ikaw lang! Sa tingin ko ikaw lang talaga! Nung nasa Palawan sobrang halata na, kaya nga nagtataka ako na hindi mo alam." Halata? Ayoko naman kasing isipin na ganon nung panahong yun.

"Kaya nga madalas kaming magchikahan ni Mang Jaime tungkol sainyo. Sa tingin din kasi niya may gusto si sir sayo noon pa."

"Anong noon pa? Paanong noon pa?"

"Ewan ko. Di din naman ako naniniwala sa mga kwento ni Mang Jaime noon, dati pa chinichismis na niya sakin na para nga daw may gusto sayo kasi pinapasundan ka, kayo ni Caleb, pinapaimbestigahan ka, mga kaibigan mo, pamilya mo, lahat ng tungkol sayo. Tapos lagi nagtatanong kung anong ginagawa mo, nasan ka na, anong nangyari sayo. Lahat."

Napalunok ako. Wait. What?

"Sa tingin ko ginagawa niya yun dahil pinoprotektahan niya ang kanyang anak. Syempre, si Max ang nag-aalaga kay Gav, dapat alam niya lahat ng tungkol sa kanya para mas sure!" ito naman ang sapantaha ni Dette.

Habang nag-uusap kasi kami ni Ate Marina bigla nalang dumating ang babaeng to ng walang pasabi. Wala daw siyang magawa dahil restday niya kaya makikikain daw siya dito. So napasama siya sa kwentuhan namin.

"Dette, bakit ako di naman pinaimbistagahan ni sir non? Oh dun nalang huli na." dipensa ni Ate Marina.

"Baka kasi hindi ka naman mukhang kidnapper."

"Hoy! So mukha akong kidnapper?" singit ko sa usapan nila. Tumawa lang si Dette. "Hindi naman. Ibig ko sabihin, si Ate Marina galing ng agency yan, for sure andon na lahat ng info na kailangan ng boss niyo para malaman ang background niya."

CEO's SON (COMPLETED)Where stories live. Discover now