Pg.12 ♛University Week♛

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako nabato ng dahil sa supladang katabi ko, parang diko na mafeel na magcheer sa kupunan namin pati narin kay grey

Hindi rin napapansin nito ni maria yung pagiging tahimikan ko, kasi nga bisi siya sa kakacheer

Ano bang meron sa suplada nato, kung bakit ako nagkakaganito?

Nasa business na ngayon uli yung bola, at nakay red ito, habang dinidribble ni red yung bola agad na inisteal ito ni grey ko sa kanya kaya ito nanaman ang engineering at todo ang ingay

"Kyaaahh, papa grey kaya mo yan, para kay sydney"" -maria, nakashoot for two points uli si grey "galing talaga ni grey mo syd"

"Syempre para sa engineering" nakangiting sabi ko

Dinidribble na ngayon uli ni red ung bola, At ang nakabantay sa kanya ay si Grey naman

Pumuntos uli ang business, ngayon balik uli sa Engineering at dahil hindi kami magpapatalo, hinarabas ni grey ung bola patungo sa basket ng kupunan namin

Nabasket si grey plus nakafoul pa, kaya may 3points opportunity siya

Pumunta siya sa free throw line, bago ibinigay sa kanya yung bola ng referee

Laking gulat ko ng tinignan niya ako, nasinundan agad ng pagflying kiss niya, bago binato ung bola papunta sa ring at pumasok

Naghiyawan muli ang engineering, si maria ganun nanaman pero diko alam kung kinilig sya dahil sa ginawa ni grey o dahil sa naka puntos ito

Automatik na napatingin ako sa gilid ko at makitang

Nakawalk-out nasi valentine

♀♥♀

Natapos na yung laro sa score na 85 - 83, at ang panalo ang kupunan namin

Nagsialisan na yung mga studyante ganun din yung loser boyfriend ni valentine

Kapansin pansin naman na wala si Aya at Venice, si Aya may importanteng pinuntahan daw base kay maria, si venice ang diko alam, sila rikardo naman nagt-training parin para sa university qualifying tennis tournament

Nilapitan ko si Grey at niyakap,"congratulation grey" kahit na pawisan sya ang bango bango parin nya, hinawakan ni Grey ang braso ko para bahagyang nilayo sa kanya "Syd nakakahiya naman pawisan ako" nahihiyang sabi nya

Nginitian ko lng sya at pinunasan yung pawis nya gamit ang panyo ko "Pawis ka dyan, mabango ka parin naman ee"

"Kayo na , kayo na talaga" kinikilig na singit ni maria, si grey naman napakamot ng batok "Ah, syd, i was wondering kung pwedeng sunduin kita mamaya sainyo?" Tanong nya

Naglakad na muna kami papalabas ng gymnasium bago ako sumagot "Hmm, ikaw bahala" sabi ko Agad na tumigil sya sa paglalakad, "Talaga?" Tumango ako bago hinalikan nya uli ako sa pisngi "Cool ill see you later okay?" sabi nya tumango nlng uli ako na syang takbo naman nya papalapit sa mga teammates nya at nakipaghigh five sa mga ito ng nakalapit

"Hay, kayo naba?" Kinikilig na tanong ni Maria, umiling iling ako bago naglakad uli "Hindi pa noh"

"Hindi pa?, so means malapit na?" Nagkibit balikat lng ako

Bakit diko naman alam ang isasagot ko aa, pinagsalubong nya yung kilay nya pero di narin nya ako kinulit pa sa halip ay iniba nalng nya ang topic " Hmmp. So sa bahay ko na agad tayo??" di makapaghintay na sabi nya "Pwede ba?"

Tumango tango sya na parang bata "Oo naman, lika na kyaahh di ako makapaghintay mamaya!" sabi nya bago sinundan ng pagtili niya

Mascaraed Gala night na kasi mamayang gabi, kasabay narin dito yung awarding night para sa mga naging champion

Nahawa ako sa pagkaexcitement nitong babae nato kaya Hindi narin ako makapaghintay

Lumitaw sa isip ko kung ano yung isusuot ni valentine?

Pero agad na binura ko rin ito dahil, masimportanteng isipin ko muna kung ano yung susuotin ko

And speaking of susuotin ko, Kaya po ako pupunta sa bahay ni maria, dahil papahiramin niya daw ako, since wala akong pera pambili ng dress, at dahil naginsist sya pumayag narin ako, dahil kailangan korin naman

Ng nasa octagon na kami ay pumasok na kami sa white porsche, tinulungan kami nung driver niya bago umalis na ng skul

Napuno ng chikahan namin ni maria ang buong byahe, ito kasing babae nato hindi talaga makapaghintay, taeng tae na maisuot daw ung favorite dress nya daw

Minutong lumipas ay pumasok na itong sasakyan sa malaking gate, at pinarada sa gilid ng mansion ni maria

Lumabas na kaming dalawa ng sasakyan kasabay ay ang agaran na paghila nya sakin papasok dito sa mansion nya

Pagkapasok binati agad sya ng apat na nakauniformeng mga babae, nasa paningin ko ay mga kasambahay ito "Goodafternoon Miss. Maria" bati nila ng sabay sabay "Yaya, ipaghanda nyo kami ng makakain, hmm, i want chocolate cake and coke zero nalang para sa drink, pakiakyat nalang sa room ko, ay and also dont forget the ice cream okay, ung cookies and cream" Utos ni Maria, sumunod naman sila at nagsialisan na , na syang hila uli sakin ni maria patungo sa hagdanan pataas at sa kwarto niya

Pagkabukas ng pinto ay ito nanaman sya at hinila nanaman ako "Teka naman, hindi naman kita tatakbuhan eh" Maktol ko "Ang bagal mo kasi maglakad"

Bumuntong hininga ako

"Umupo kalang dyan okay, ako ang bahala sayo , Yikes!" Tukoy nya sa love seat na nasatapat lang ng malaki nyang higaan

"O-okay" Naglakad na ako patungo sa love seat, kaso habang papalapit ako ng papalapit dito, inaakit ako nung higaan niya, parang nagsasabi na sydney come to mommy, kaya naman imbes nasa love seat ako nagtungo ay dito ako lumapit at parang palaka nang tumalon papunta dito, lumanding sa sobrang lambot na kama "Hmmmm.. ang lambot naman ng higaan mo maria, parang ansarap tuloy matulog" sabi ko at uminat, nilapitan nya agad ako, at pinalo ang paa ko "Hoy sabi ko sa love seat ka umupo eh" saway nya

Niyakap ko muna yung malahotdog na malaki nyang unan bago sumagot"Sige lng hanapan muna ako, parang makikihiga lng ee"

"Hmm. Kaamoy mo ito maria aa." Nakapikit na sabi ko "Silly, syempre unan ko yan, hay makahanap na nga" maktol nya at narinig ko nlng ang yabag ng paa nya palayo

Para akong bulate na nilagyan ng asin na umikot ikot habang yakap yung hotdog na unan ni maria

Maya mayay dumating na ang pagkain namin, umupo na ako ng maayos at pinanuod yung pagpasok ng mga maids ni maria hawak hawak ang tray na may pagkain

Inilapag nila ung tray sa vintage study table bago agad ding lumabas

Gumapang ako papalapit sa dulo ng higaan, bago iniusli ang aking paa para lang maiapak ko ito sa sahig habang nakaupo parin ako sa kama

Si maria naman sa wakas ay hinarap narin ako, hawak ang ibat ibang klase at kulay ng dress na mukha sumakto sa katagang 'Dress to kill'

"Okay!, its time to workshop!," nakangiting sabi nya at lumapit na sakin saka inilapag ang mga ito sa gilid ko

Kinuha nya ang isa sa ito, kulay black sya na may mga sequence sa itaas banda, inilahad niya ito sa harapan ko "I wore this dress on my unforgetable sweet sixteen, try mo to dali" , kinuha ko naman ito at pumasok nasa banyo

Hinubad kona ang damit ko at sinuot ang pinapatry nya sakin, halos dugot pawis ang inalay ko para lng masuot ito

Pagkalabas ay haggard na ang bebe nyo, pero kahit haggard mala model ako kung rumampa papatungo sa harapan nya "turn around" ngiting abot noo na utos nya with tinwirl portion pa yung kamay nya sinyales para umikot ako , nakapamewang na umikot naman ako "How do i look?" Nakangiting aso na tanong ko

"Hmm?, naahh.. panget" sabi nya na nagpabusangot sa mukha ko, may kinuha nanaman syang dress na iba, ngayon kulay pula naman,

Bumuntong hininga ako at kinuha ito sa kamay nya at pumasok uli ng banyo, buong oras papalit palit ako ng dress na sinusuot, at itong si maria kala mo hurado kung makasabi na panget, next, lame,boo

Dating Valentine (Under Slow Editing)Where stories live. Discover now