- o n e - (Edited)

Start from the beginning
                                    

" saka wala ka ng p-problemahin pag natanggap kasa RSU "

" panu kong hindi ako makapasa dun? "

" Wag mong sabihin yan, alam namin ni tatay na kaya mo " Ganun naba ako katalino?, para tumaas ang expectation nila sakin na makakaya ko yun?.

" Okay " paunti unti akong nakakaramdam ng kaba, magagalit kaya sila. kapag bumagsak ako?.

Tinusok ko ang hotdog na nasa harapan ko at kinagat ito.

Napatuon uli mata ko kay kuyang nagsalita siya. "Bukas ini pupunta dito si Rika ng maaga, 8 am, at sabi niya hindi daw sya makapaghintay na makilala ka " nakangiting sabi niya pero mata nasa gadget na hawak niya.

Tumango ako at muling kumagat sa hotdog.

Ilang minuto lumipas, nakahilata na ako sa higaan, ganun din sila tatay sa kwarto nila, siguro.

Gabi na ngayon, at alam kong sa isang pilantik umaga na agad.

Parang ewan na nakatitig ako sa kisameng halos butasin na ng mga anay.

Halo halo nararadaman ko, busog na tyan, kaba at kokonteng excitement para bukas.

kung titignan napakaswerte kong kapatid sa kuyang tulad ni kuya neyo.

Magaaral nalng ako ng maigi, period.

***

Tulad ng sinabi ko, lumipas nga yung gabi sa isang pilantik.

Kasalukuyang nagaayus na ako ng sarili dahil pupunta nga yung kaibigan ni kuya sa RSU

Pano niya nakikilala yun?, wala akong ideya!

Tanging plain black fitted checkerd, maroon skinny jean, at walking shoes, ang Ootd ko ngayon, lahat yan nabili ko sa suki kong muslim, take note, may halong tawad pa yan.

Simple pero maayos namang tignan itong outfit ko, yung tipong pwede na ineng.

Umupo ako sa monoblox para mapantayan yung salamin na nakadikit sa pader, bago nagsimulang magapply ng pulbo, at lipgloss.

Masasabi kong confidently beautiful with a natural hair ako, alam niyo kung ano yung sikreto ko, di pa kasi yan nagagalaw, in short virgin coconut oil pa iyan.

Pansin niyo ba na wala akong binabanggit na nanay, Wala na kasi siya sa buhay namin, hindi sa namatay ah kundi lumayo na, nagpakalayo ganun, bata pa ako nun halos pangungulangot lng yung alam kong gawin nun, walang sinabing dahilan si tatay, kung bakit at bakit, pero umaasa parin sya na babalik at babalik si nanay

tinatanong ko rin si kuya, dahil medyo nagf-function na yung utak nya panigurado nung araw na yun, kaso tanging sagot nya, patay na daw si nanay, pinatay na nya sa isipan nya

Drama noh?

Nakakapagtaka na nakakamangha ang pagibig, si tatay walang ibang minahal simula nung iniwan kami ni nanay, kaya ngayon ito umaasa parin na babalik at babalik ang nanay

Wala akong tinanim na galit o ano man, gusto ko lng ng kasagutan, kasagutan na tila impossibleng masagutan. Haaaays... ang lalim.

si nanay rin yung minsang sanhi ng pagaaway ni tatay at kuya neyo, kaya pinili ko nlng na manahimik at sirain yung pagkacurious ko sa 'run away mother' ko

Sakto ng pagkalabas ko ng kwarto ko nang may kumatok sa pinto dito sa sala, 8am na pla ngayon.

Tumayo si tatay sa mula sa maliit na sofa at naglakad papalapit sa pintuan, ako naman nananatiling nakatayo lang sa pwesto ko. At nakatingin sa pinto

pagkabukas ni tatay, agad na lumitaw ang isang gwapong nilalang sa balat ng lupa.

Sabi ni kuya, rika?, di kaya nagkamali ng napuntahan itong pogi nato?.

Dating Valentine (Under Slow Editing)Where stories live. Discover now