Tumayo ako at nilagay sa drawer ang dalawang kahon. Nakasunod si Gabriel sa akin na nakatayo sa aking likuran.

"Hindi mo ba isusuot ang bracelet?"

Umiling ako na humarap sa kanya. "Hindi muna sa ngayon, Gab. Ayoko munang isuot iyon hanggang hindi pa kami magkasundo ni Jack. I mean, isusuot ko lamang iyon pag natatandaan na ako ng kuya mo. Gusto kong siya mismo ang magsuot ulit nito sa akin, just like before."

He nodded at sumandal sa dingding. "So kumusta kayo ni kuya? Hindi ba kayo nagkausap mula nang umalis ako?"

I sighed. "We talked last night." naglikot ang mata ko at hindi ako makatingin ng tuwid sa mga mata ni Gabriel. Dahil hindi lang naman kasi kami nag-usap ni Jack kagabi. We kissed. Many times. At nanatili ako sa tabi niya hanggang sa makatulog ito.

Hindi ko alam kung ano ang estado ng relasyon namin ngayon. Ang hula ko ay alam niyang hindi ako P.A niya at nagsisinungaling lang ako. Pero wala itong binabanggit kung ano ang tingin niya sa akin. Kung ano ang nararamdaman niya sa akin. All he knew was that he's confused right now. He can't explain his feelings towards me. At sinabihan ko siyang huwag pilitin ang sarili.

Sapat na sa akin ngayon na kahit paano ay may lugar pa rin ako sa puso niya sa kabila ng katotohanang nakalimutan ako ng kanyang isipan.

"Ano ang napag-usapan nyo?" Gabriel patiently waited for my answer. He seems curious too.

Nagkibit ako ng balikat. "Mga bagay bagay lang na hindi mahalaga. Basta may mapag-usapan lang."

"Well, atleast hindi na siya aloof sa'yo. He seems comfortable with you now and I think that's a good start para unti-unti ka na niyang makilala at matandaan. Mukha namang willing din itong kilalanin ka."

"Uhm. Yeah. I guess so."

He checked his wrist watch. "Freshen up now Julz. Oras na ng agahan. Gusto mo bang mag jogging tayo after?"

Napapantastikuhan kong binalingan ito. "Jogging after breakfast? Parang baliktad ata, Gab. Dapat before breakfast ang jogging."

He pout at me and I laughed at his cute reaction. "Edi ngayon na kaya tayo mag-jog?"

Namewang ako at nag-isip. Pwede rin. "Shoot. Magbihis ka na at ako rin. Dumaan ka na rin tuloy sa kusina para abisuhan ang matanda na mamaya na tayo kakain. Pero teka, paano si Jack?"

"Tulog pa tyak yun. Maaga pa naman eh. Mamaya pa gising nun."

"Okay sige."

"After ten minutes baba ka na ha."

"Sure." I walked him to the door. Inakbayan pa ako nito at nagreklamo ako sa bigat ng kanyang braso. Although biro lang ko iyon sa kanya.

At dahil doon, panay ang kiliti niya sa tagiliran ko kaya pumiglas ako mula sa kanya. "Gab naman eh! Awat na!" halakhak ko dahil hindi niya ako nilulubayan sa pagkiliti.

"Anong sabi mo kanina? Mabigat ang braso ko? Ha? Mabigat pala ha." salita nito at ngumisi ito sa akin na parang aso.

Mabilis kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto para manakbo sa labas ngunit nabangga ako sa matigas na dibdib ni Jack!

Napahawak ako sa aking ilong. Medyo masakit ang pagkakauntog ko sa kanya ngunit hindi man lang ito natinag sa kanyang pagkakatayo sa labas.

Humalukipkip pa ito at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Gabriel.

"Ang aga nyong magharutan ah." matigas na bigkas nito.

Humalakhak si Gab at tinapik ang balikat ni Jack. "Chill bro. Namumula na yang mukha mo ke aga-aga mo ring magselos."

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now