THIRTY EIGHT

44K 1.3K 92
                                    

Home

Halos natulos ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ko ang mainit na bagay na dumadampi sa labi ko.

Hindi gumagalaw ang labing iyon na nakadikit sa akin. Parang nakikiramdam pa ito at nanantya. I gasped. The masculine scent I'm smelling right now is very familiar to my senses.

Nanghina ang mga tuhod ko at hindi ko alam saan kakapit. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Pagkagulat. Takot. At hindi ma ipaliwanag na excitement.

Siguro kasi kilala ng katawan ko kung sino ang taong yumayakap sa akin ngayon. Kilala ng mga labi ko ang mga labing dumadampi ngayon.

Pero katulad ko ay mukhang naestatwa din ito. Wala akong maramdamang kilos mula sa kanya. Ang tanging alam ko lang ay nakahawak sa leeg ko ang isa niyang palad at ang isa naman ay nakapaikot sa aking maliit na baywang.

Ang mga braso ko ay nakabagsak lamang sa aking tagiliran. Gusto ko siyang damhin. Gusto ko siyang maramdaman. Gusto ko siyang hawakan.

Ngunit hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya pag ako mismo ang unang kumilos. At ang pinakamalaking tanong sa lahat, bakit niya ako hinahalikan?

Nasilaw ako nang manumbalik ang liwanag. Mabilis pa sa alas kwatro na binitawan ako nito na muntik ko nang ikinabuwal. Salamat na lamang sa pader na nasa gilid ko at mabilis akong napahawak doon bago pa man ako mawalan ng panimbang.

Mabilis ang paghinga ko sanhi ng mabilis na pintig ng puso ko.

"Jack why did you do that?" I asked him in a whisper tone.

He's just there gawking at me. His eyes wide. His mouth parted. "I....." He swallowed. "You....you were screaming."

"Nagulat lang ako sa pagkawala ng ilaw kanina, Jack. I got scared too."

"I know. Kaya ka nga nagtitili eh. That's why I did what I just did."

"You don't have to that, you know." nanginig ang labi ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ang init ng kanyang mga labi.

"I did that to shut you up. Nakakahiya sa dalawang matanda na mahimbing na ang tulog. Mabubulabog sila sa lakas ng tili mo." pagsusungit na sagot pa nito ngunit ang mga mata niya ay nanatili sa aking labi.

Agad na gumapang ang pamumula sa aking pisngi. Napayuko ako para hindi nito mapansin ang nag-aapoy kong mukha. And I know my eyes are burning with passion too. The sad part though, I can't see those flames in his eyes. In fact, all I could see in there is confusion.

"But still, kissing is unnecessary." sagot ko ng pabulong.

"We were not kissing, Julianne. It's far from kissing. Our lips were not even moving." may diin sa kanyang boses. The irritation on his face is obvious. At hindi ko alam kung bakit siya naiirita. Because I'm making this a big deal? But everything about him is big deal for me.

Napakagat labi ako. Bakit siya nagagalit? Hindi ba at ako dapat ang magalit sa ginawa niya? But then, we did this before. And I lost count how many times we kissed.

"Hey guys. Bakit nandito kayo?" napalingon ako sa taong nagsalita. Kakapasok lamang nito sa dining area.

"Gab." ngiti ko sa kanya at agad na lumapit. Nagyakapan kami and he kissed my forehead. Sa simpleng kilos nito ay napangiti ako at naibsan ang kaba ko kanina. Gab always make me feel comfortable.

"What are you doing here?" he asked again, looking at me intently.

"Uhm. Ano, hindi ako makatulog kasi kaya bumaba ako para kumuha ng gatas at balak kong sa room ko na lang iinumin."

The Gentlemen Series 4: Jack, The Disk Jockey (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon