Anyway, hinayaan ko lang siyang magsalita. Ang saya kasi talaga niya. Ang yabang ko lang kasi alam kong kasama ako sa mga dahilan kung bakit masaya siya.

At 'yung hakaw na gusto kong ipagdamot sa kanya? Ayun, wala rin. Tininidor ko 'yung isang hakaw at inangat 'yun sa bibig niya para matikman niya nang tanungin niya ako kung masarap daw 'yun. Generous ako eh. Kinain ko na lang 'yung tira niya sa tinidor ko. Pagkatapos natawa ako.

"Bakit?" Nakatingin siya sa 'kin na may kuryosidad sa mga mata.

Nilunok ko 'yung kinakain ko. "Wala. Mababaw lang. Kinilig kasi ako na kinain ko 'yung kinagatan mo. Na-realize ko lang na kahit tayo na, may crush pa rin ako sa 'yo."

Natigilan siya sa pagnguya bago ako binigyan ng aww face niya. Tumawa siya, masaya akong niyakap at mabilis na hinalikan sa mga labi. Nanatili siyang nakayakap sa 'kin at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"I love you," sabi ni Mere. "'Wag kang tumigil sa pagpapakilig sa 'kin ha? Saka okay lang kung may crush ka pa sa 'kin hanggang ngayon, kasi may crush pa rin naman ako sa 'yo."

Nawala pagod ko. Pinagdikit ko ang mga noo namin at nagngitian kami bago namin mabilis na hinalikan ulit ang isa't isa. Tumawa kami, parehong masayang-masaya, bago niya ako binitiwan at nagsimula kami ulit kumain.


TUMAWA SI Mere nang maipit ng nagsasarang mga pinto ng elevator ang puwet ko. Nasa building na kami at kinailangan niyang hawakan 'yung mga pinto ng elevator kanina para maipasok ko lahat ng mga pinamili namin... niya. Dahil ang binili ko lang naman ay deodorant at toothpaste.

Gayunpaman, halos wala nang espasyo para sa mga paa ko sa sahig ng elevator dahil puno iyon ng mga paper bags. Inangat ni Mere 'yung iba para hindi ko maapakan, 'tapos tumatawa kaming parang naglalaro ng newspaper dance d'un na nakasiksik sa isa't isa habang paakyat ang elevator. Nagpasaklolo kami kina Mommy at Manang Thelma pagdating namin sa floor namin at naipasok naman naming lahat ng mga iyon.

"Inubos ba ninyo ang laman ng Megamall?" biro ni Mommy habang pinagmamasdan ang iba't ibang paper bags na nakakalat sa sofa, sa dining table at sa kitchen counter namin.

"Di naman po," natatawang sabi ni Mere bago ipinakita 'yung special kaldero kay Mommy na na-excite din. Mababaw lang pala 'tong mag-ina. Kaldero lang ang katapat. Pagkatapos ay naisip ko kung magkano ang kaldero na 'yun kaya sumama na naman ang mukha ko.

Nilingon ako ulit ni Mere, inabot ako at mahigpit na niyakap.

"Thank you talaga," sabi niya sa 'kin.

Ay, galit ba ako d'un sa kaldero? Hindi na nga pala. Napatawad ko na nga pala siya.

"You're welcome," sagot ko naman na niyayakap din siya.

"Tingnan na ninyo 'yung kama ninyo," sabi ni Mommy sa 'min. "Hindi ko pa inaayos at itong si Meredith ay may sariling paraan ng pagaayos ng kama niya. Baka hindi makatulog mamaya."

Siyempre bastos ang naisip ko pero ngumiti lang ako kay Mommy na parang inosenteng anghel bago ako nagpatangay na naman kay Mere sa kuwarto namin.

At nandoon nga ang bago naming kama. Naka-bold pa 'yung kutson kasi wala pang bedsheet pero iba na naman ang ngiti ko nang makita ko 'yun. Surprisingly, ngayon ako hindi naka-isip ng bastos. Hindi pa. Ang naisip ko ay kama namin 'yun ni Mere. Kama namin.

At salamat kay Lord, hindi siya double-deck.

"Ayusin natin!" sabi niya bago lumabas ng kwarto namin para magpunta d'un sa kwartong inangkin na ni Kuya Lex. Di pala ako niloloko ni Kuya n'ung sinabi niyang sa kanya 'yung isang bag na pinadala niya sa 'kin n'ung naglipat ako.

A Love Like This (FFTB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon