The Jerk's Wife: 16

Magsimula sa umpisa
                                    

Naku Claire! Nadulas ka na naman!

Nagpanggap siya na parang wala lang upang huwag mahalata ang reaksyon niya. Napakamot siya sa leeg ng wala sa oras.

"What did you say? You waited for me to come home last night kaya ka napuyat?" Geus asked with amusement.

She closed her eyes tightly and bit her lower lip again. She cleared her throat at mahinang nagbuga ng hangin bago lumingon sa kinaroroonan nito. Geus was waiting for an answer.

"Ahmmm.. hindi kasi ako makatulog eh. Inatake ako ng insomnia." Pagdadahilan niya. Hiniling niya sa sarili na sana'y kagatin nito ang rason niya.

But Geus smile like it was just nothing but a simple question. But she had the feeling that he didn't believe of her alibis. Naging malikot ang mga mata niya dahil pakiramdam niya nangungusap ang mga mata nito para magsabi siya ng totoo.

"Ah ganun ba? Hmm..." Tumango tango si Geus sabay higop ng kape, halata namang sinasabayan lang siya nito, not really convinced. Pero hindi maikakailang may naramdaman itong tuwa sa mga oras na ito. At hindi niya alam kung bakit. She was blushing at the same time.

"Sige, maghahanda muna ako. Ayokong mahuli sa trabaho."

Nagmamadali siyang lumabas at agad na bumalik sa kwarto. Pinagalitan niya ang sarili dahil sa mga sinabi kanina. She was feeding his ego. Kaya ayon, may pangiti ngiti na naman itong nalalaman. Feeling niya nasa mood ang asawa ngayon. Ang hirap talaga kapag nagkaroon ka ng asawang sumpungin. Akala niya sa babae lamang applicable ang ganoong mood swings. Pwede din pala sa lalaki. Ang hirap hulihin ang kiliti. Tapos pabugso bugso pa ng nararamdaman.

*************************

Naiinis siya habang inaayos ang folder na hawak-hawak. Panay kasi ang pagpacute ni Rolen Dimples Cruz sa kanyang asawa. Ang babaeng anak ng isa sa mga board members. Inilagay ito sa kumpanya, bilang head sa marketing department. Ang nakakainis lang ay ang madalas nitong pagpapasimpleng papansin sa kanyang asawa. Naiinis siya sa pagiging feeling close nito. Akala mo ay matagal na silang magkaibigan. Kanina pa siya nagngingitngit habang kausap nito si Geus. May pasimpleng pahimas-himas pa ito sa balikat sa asawa niya. Hindi ba ito updated na mag-asawa talaga sila?

Sabagay, she was only introduced to those board directors of the company but not to the whole employees. But she was using Schwartz surname. Bobo lang siguro ang hindi nakaka-gets sa sitwasyon nila. She wasn't formally introduced to all the people here. Hindi rin naman sila intimate publicly. So, she guesses ang tingin ng karamihan ay family related sila. Bukod doon, wala din namang nagtatanong sa kanila.

Pumasok siya sa opisina ng asawa at ipinagpatuloy ang ginagawang report. Biglang bumukas ang pinto sa launch area at tiningnan niya ang pumasok doon. Si Geus. His mood was getting so light, because of that woman! Nanatili siyang nakayuko at hindi pinansin ito.

"Maria, I have a lunch meeting with the staff in the finance department. Just prepare, it will start in less than an hour. You're going with me." Sabi nito sabay sulyap sa orasang pambisig.

She sighed. Yes boss! Pero hindi siya sumagot. Inihanda na lamang niya ang dapat ihandang dadalhin. Sana wala doon ang Rolen na 'yon. Pero alam naman niyang malabong mangyari ang hinihiling niya dahil doon ang babae naka-assigned na departamento.

Maya-maya lamang nag-umpisa na ang nasabing meeting. Lihim siyang napaismid nang makitang nakangiting papalapit si Miss Rolen a.k.a Malanding labas ang galagid, ayon sa pagbibigay pangalan niya para dito. Maganda, matangkad, maputi pero malaki naman ang bunganga. She doesn't fun of body shaming or physical appearance pero dahil sa inis niya sa pagiging close nito kay Geus ay tila gusto niyang sabunutan ito. But she knew she couldn't do it kaya sa isipan na lamang niya ito nilalait.

The Jerk's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon