Kumislap ang mga mata ni Gazul at ngumiti. "Opo, opo!" mabilis na sagot nito. Napailing na lang si Kira.

 Sa isang iglap ay kasama na ng anak nya ang mga Lolo nito, nakikipaglaro.

"Honey!" Naalis ang atensyon nya sa anak at napapunta kay Callan. Namilog ang mata niya nang makita kung sinong kasama nito. Sinalubong niya ng yakap ang lalaking kasama nito.

"Diego!"

 Yes, that was her half-brother.. And at the same time, half brother din ni Callan. Ito ang naging kapatid niya sa kanyang ina at kapatid ni Callan sa ama. Naging daan ang koneksyon ng Kellan Frei upang mahanap ang mga taong nag-ampon sa lalaki. Nang matunton nila ang mga McIntosh, doon nila nalaman na si Diego ang kapatid nila.

 Natatandaan niya kung paano sila nagulat ni Callan nang malaman ang katotohanan. Sobrang hindi nila inaasahan 'yon, lalo na si Callan na matagal rin itong naging kaibigan. Naging emosyonal siya nang malaman 'yon. Dahil kilala din niya si Diego. Ilang beses na niya itong nakitang kasama ng asawa nya sa trabaho. Nang una nga niya itong ma-meet nakita na niya ang pagkakahawig nito sa asawa. Tulad ni Callan, kulay asul din ang mga mata nito. Idagdag pa na nag-uumapaw rin ito ng kagwapuhan.

 Niyakap din niya ang asawa nito. Diego's wife was so pretty. Nauna pa silang ikasal ni Callan, pero nakatatlo na agad si Diego at ang asawa nito.

 Mahirap ang naging sitwasyon nilang tatlo nina Diego at Callan nung una. Nalito sila, lalo na sa part n'ya. Inisip kasi niya noon 'yong sasabihin ng ibang tao. Syempre, magtataka ang mga nakakakilala sa kanila kung bakit naging half-brother nilang pareho ni Callan si Diego. Mahirap -explain kung papaanong nangyari.

 But then she realized one thing. Hindi naman nila kailangan na ipaliwanag ang bagay na 'yon sa lahat ng magtatanong. Ang mahalaga lamang ay alam nila sa sarili kung ano talaga 'yong totoo. Kinailangan lang nila na tanggapin ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan at tingnan sa positibong paraan 'yong mga naging bunga niyon.

Maganda na ang takbo ng pamilya nila. Naging maganda na ulit ang pagsasama ni Mommy Chavelly at Daddy Frei. Ang kanyang mga magulang naman ay nakatira na ulit sa Manila at nagdesisyon na magtayo ng maliit na grocery store doon. Malapit lang sila ni Callan sa bahay ng mga ito. Pero tuwing weekends umuuwi sila sa Batangas. Mas pinalaki pa ng asawa niya ang rest house nila at doon nga ngayon nila idinadaos ang birthday ni Gazul.

 She was a very happy wife. Masasabi n'ya na maswerte siya sa piling ni Callan at ng kanilang anak. Minsan naiisip nga niya kung may katapusan ba ang kaligayahan na nararamdaman nya ngayon. But she was braver now. Alam niya kahit na ano pa ang mangyari, makakaya niyang harapin iyon ng walang takot. Lahat ng nangyari sa kanya ay nag-iwan sa kanya ng aral tungkol sa pagpapahalaga sa buhay, pamilya at pag-ibig. Natagpuan na niya ang kaligayahan n'ya. Lalo na ngayon na may munting nilalang ang darating pa sa buhay nilang mag-asawa.

 Pasimple niyang hinaplos ang tiyan habang pinagmamasdan ang masayang pagsasalo-salo ng kanyang pamilya. Patuloy pa rin ang paglalaro ni Gazul kasama ang mga bata sa malawak na hardin. Naramdaman niya ang presensya niya ni Callan sa tabi niya.

She smiled at him. "Bakit di ka pa kumakain?" tanong niya.

"Hinihintay ko pa ang misis ko, eh."

"Loko. Tayo na nga din kumain." Hinigit niya ang asawa papunta sa isang table. "Ikukuha na kita ng pagkain. Hon, ano ba'ng gusto mo?"

"Ikaw."

Napatulala siya sa binata. Nang-aakit ang ngiti sa labi nito. "Callan." mahinang saway niya dito at pinadilatan ito.

Hindi nito pinansin ang pagsaway niya. Hinawakan nito ang hita niya. Dahil nakabestida lang siya, nagawang pagapangin nito ang palad sa hita niya at haplusin siya ng may pag-iinit. Nahigit niya ang hininga sa pagsiklab ng init sa sistema niya. Pinigilan ya ang mapapikit at madala sa panunukso ng asawa. Malakas ang loob nito dahil natatabingan ng table cloth ang bahaging hita nita. Ngunit kung magpapatuloy ito sa ginagawa, baka may makapansin sa ginagawa nilang mag-asawa.

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now