Chapter 33- Cancelled

Start from the beginning
                                    

"Don't touch me." Tinataboy ko siya pero masyado siya malakas tsaka nahihilo na talaga ako. Feeling ko any moment babagsak na ako. Parang after shock pala ang tama nung rum na yun.

Bigla niya akong nilapit sa katawan niya at nakahawak padin siya sa bewang ko and he started kissing my neck. Tina-try ko siyang itaboy pero hindi carry ng powers ko. Ethan, iligtas mo ako. Please.

*BOOOOGSH!*

"Don't get near her. She's mine." May narinig akong nagsabi niyan. Hindi ko kakilala yung boses pero sana si Ethan siya. T.T

"Sorry, Blaze kala ko kasi nag-iisa siya." Blaze? Sino siya pero thanks to him medyo walang nangyaring masama sakin.

"Miss? Ok ka lang?" Yan nalang ang huli kong narinig at pagkatapos nun, nawalan na ako ng malay.

Charmaine's POV

Well, sabi ko sa inyo I'm a good actress.

"Atlast, gising ka na din." Sabi sakin ni Ethan.

"A-asan ako?" It's obvious na nasa hospital ako pero yan ang script ng mga nahihimatay.

"Andito ka sa hospital. Bigla ka nalang nahimatay kanina."

"T-thank you."

"Wala yun." Ginulo niya yung buhok ko.

"Ethan, pano si Elle?" Kunwari concerned ako pero Ewww ha! Gusto kong masuka sa tinanong ko.

"I will talk to her nalang mamaya. Wag mo na siya intindihin, ako na bahala." Bigla naman naging worried yung mukha ni Ethan at biglang nalungkot.

*tango tango*

"Sige, magpahinga ka muna."

"Wag kang aalis ha?" Ang tagal niyang sumagot. Mukhang nagdadalawang isip pa siya. I will make sure na hindi sila matutuloy sa Japan.

"Please." Dugtong ko. Huminga siya ng malalim at nag-smile sakin.

"Sige, dito lang ako. Matulog ka na." Pagkatapos niyang sabihin yun ay pumikit ako nang may ngiti sa labi.

Elle's POV

Pagdilat ko ng mata ko... Puro puti. Nasa heaven naba ako?!

"San Pedro! Ibalik niyo po muna ako sa mundong ibabaw!" Sigaw ko.

"HAHAHAHAHAHA!" Takte! May nakita akong gwapong nilalang na mukhang anghel na tumatawa. O.O

"Totoo kaba? Anghel ka na ba?" Sinundot-sundot ko yung pisnge yung gwapong nilalang.

"Alam kong gwapo ako pero hindi ako anghel. Prince charming ako." Humawak pa siya sa baba niya at inayos yung suot niyang bonnet. Dun ko napag-tanto na nasa earth pa pala ako.

"KYAAAAAAAH! Sino ka?! At.. At asan ako?!" Binato ko siya ng unan at binalot yung kumot sa sarili ko.

"Ako yung nagligtas sayo. Nasa bahay kita." Yung tono ng boses niya yung parang nag-we-welcome

"KYAAAAAAAH! Bakit ganto ang suot ko!!!!!" Malaking t-shirt ang suot ko. O.O Ngumiti lang siya ng nakakaloko. Jusmi! Wala namang masakit sakin kaya hindi naman diba? Walang nangyari diba?

"Shhh! Wag ka maingay. Wala akong ginawa sayo. Tignan mo yan oh, flat tsaka hindi ako ang nag-bihis sayo yung maid namin." Pagpapaliwanag niya. Assuming ako konti. -______-

"T-teka, anong nagligtas?"

"Muntik ka nang ma-rape dun sa bar kaya niligtas kita. So, I'm your knight in shining armor at your service." Mukhang tanga tong lalaking to, may pa-salute salute pang nalalaman.

A Rose between Two Thorns (Editing)Where stories live. Discover now