Chapter 33- Cancelled

Zacznij od początku
                                    

"Ano bang meron kay Elle?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Hmmm. Hindi ko din alam e."

"Hindi mo alam?"

"Oo. Sabi nga nila, love is undefined. Na-fall nalang ako bigla sa kanya ng hindi ko namamalayan. Number one enemy ko nga yun dati e. Lagi kami nagaaway at nagsasakitan dati pero bigla nalang kaming naging ganto. Na-fall kami sa isa't isa."

"Super lucky ni Elle sayo." Bigla niya akong niyakap

"PUMUNTA KA NG JAPAN MAG-ISA MO BUKAS!" Napatingin kaming pareho ni Charmaine sa pinto. Nako naman! Si Elle!

Tatayo na sana ako pero bigla akong hinila ni Charmaine..

"What?" Naiinis na tanong ko.

"Nahi-----" Bigla nalang siya nahimatay. Ano ba yan! Wrong timing!!

Elle's POV

Tinext niya ba ako para ipakita lang yun?! Letcheng Ethan!

>>Flashback<<

Nag-aayos ako ng gamit ko para bukas kasi pupunta kami ni Ethan sa Japan. YAAAAY! Excited na talaga ako. Dream kong maranasan malaglagan ng cherry blossom. Wait! Hindi yung mismong puno ah! OA kayo, yung mga petals lang niya. Tama ba? Petals ba tawag dun? HAHA! Basta yun na yun.

*beep beep*

1

Message

From

09*********

Sino to?

From: 09*********

Vanilla, punta ka dito sa bahay namin. Nag-bake ako. Si Ethan to, naki-text lang ako na-expire na kasi unli ko e. ^_^

Wow ah? Totoo ba to? Nag-expire daw ang unli niya? Hindi ba uso ang plan sa kanya? Tsk.

>>End of Flashback<<

Ginamit niya pa yung pagba-bake para ipakita sakin na nagyayakapan sila ni Charmaine. T.T

Agad akong lumabas ng bahay nila at pumunta sa isang bar.. Hindi ako lasengga, pero gusto kong i-try yung sinasabi nilang nakakawala ng problema yung alak. Minsan lang naman to e, magpapakasaya lang.

"Give me the hardest drink you have." Sabi ko dun sa bartender. Wala akong pake kung masunog ang lalamunan ko sa iinumin ko. Mawala lang tong nararamdaman kong sakit, ayos na.

"B-but ma'am."

"No but's dear. Magbabayad ako, wag kang magalala. Gusto mong isampal ko sayo yung gold bars ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ok ma'am." Alanganin na sabi nung bartender at umalis na siya para gawan ako ng drink.

Pagbalik niya..

"Ma'am eto na po. This is Barcadi 151, the hardest drink we have here."

Pagkabigay na pagkabigay niya nung bote na yun, agad agad kong binuksan at tinungga yun lahat. SHETE! Ang sakit sa lalamunan. Jusko!

Pumunta ako sa dance floor at nagsasasayaw dun, di pa naman ako nahihilo e. *hik* slight lang.

"Miss, nag-iisa ka ata?" May lumapit na lalaki sakin habang sumasayaw ako. Sumasayaw nadin siya sa harapan ko and he's getting closer and closer.

"Yah. Whatever. Don't get near me." Tinulak ko yung dibdib niya gamit yung hintuturo ko.

"Pakipot kapa." Hinawaka niya yung bewang ko. Jusko! Hindi ko maaninag yung mukha niya. Umiikot na yung paningin ko. Lord! Ilayo niyo po ako sa hinayupak na to.

A Rose between Two Thorns (Editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz