The Jerk's Wife: 15

Start from the beginning
                                    

Good.

Nakahinga siya ng maluwang. Maya-maya dumating si Storm at nag-order agad ito isang boteng beer. Simula nang marehab ito sa alak ay hindi na ito umiinom ng mga matatapang na inumin. Just a bottle of beer. Minsan, hindi na ito umiinom kahit nasa loob ng bar.

"Oh, anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong nito.

He heaved a sigh, "It's just... my wife was cheating on me I think." Sagot niya. Sa tuwing naaalala niya ang eksena kaninang umaga, bumabangon na naman ang galit niya.

Tumigil sa pag-inum ni Storm at kunot-noong tinitigan siya.

"So nagkita na pala kayo after six years?" He spoke.

Napayuko siya at nilaro laro ang baso sa kamay.

"Yeah. Apparently, she worked in your brother's company. And yeah, we met and she is living with me now. Nakumbensi ko din siyang maging assistant ko sa kumpanya." He explained. Gusto niyang marinig ang payo nito.

"Wow, this is new. Geus became a possessive husband." Storm concluded. Ngumisi ito ng nakakaloko.

Hindi niya inaasahang ito ang maririnig niyang opinyon mula sa kaibigan. Nag-angat siya ng ulo at salubong ang kilay niyang tiningnan ito. How could he say that?

"Possessive? No am not. Ayaw ko lang na mabahiran ng kung anong eskandalo ang pangalan ko. I don't want her to ruin my reputation. She is my wife after all." Pinagdidiinan niya ang salitang 'reputation' dahil yon naman talaga ang pinakamalaking punto doon, as he insisted.

But then, gusto niyang ipilit sa sarili that it was all about his rights, his name, and so on, not personal intentions or whatsoever that feelings-issue-like. Walang ganoon. It was a pure business.

Sa hindi niya maintindihang dahilan tumawa si Storm at napailing-iling. Sa nakikita niyang reaksyon nito alam niyang hindi ito kumbensido bagama't nais niyang paniwalaan ang mga bagay na ginawa niyang rason sa nangyayari sa kanya ngayon.

"Geus, did you ever make a public appearance admitting that you are married, introducing your beautiful wife in front of so many people?" Tanong nito. Bigla siyang natigilan sa punto ni Storm.

Napaawang ang bibig niya sa hindi inaasahang tanong nito. Actually, hindi nga niya naisip ang bagay na iyon. Wala din sa isipan niya dahil wala namang nangungusisa o mga taong naiintriga. Saka sa opisina niya naman parang wala siyang naririnig na usap-usapan. Although, alam ng mga board of directors na asawa niya ito dahil naipakilala niya once in a meeting pero in public, wala pa. Wala pa naman kasing events na dinaluhan sila simula noong magtrabaho ang asawa sa kanyang kumpanya.

"So wala pa, right? Kahit kami wala kaming narinig na balita although alam naming may sabit ka na. But you were acting like sirang-sira na ang pangalan mo sa media o sa negosyo dahil sa sinasabi mong 'you're- wife- was- cheating -on- you -thing'. Geus, walang namamatay sa umaamin lalo na sa mga bagay na ganito. As a lawyer, ikaw ay aking hinahatulang jealous beyond reasonable doubt." He grinned showing his perfect white teeth.

Sira-ulo talaga ang gonggong na ito! But he had a point though.

"You had a proof na nangangaliwa siya? Pwede mong kasuhan adultery." Dugtong nito sabay inum ng beer. Natigilan lamang siya at pinapanood ang pag-inum nito na tila sarap na sarap sa inumin.

"I thought sober ka na, lasinggero ka parin pala." He commented dryly.

"Yes, I am. I can now control my alcoholic behavior." Ngisi nito.

Napailing-iling na lamang siya sa depensa nito.

"Give me Johnnie Walker please..." Utos niya sa babaeng bartender na naghahalo ng alak. Binigyan ni Storm ng isang pilyong kindat ang dalaga. Matinik talaga sa babae ang lalaking ito dahil kahit ang bartender na nagtatrabaho ng maayos ay pinagdidiskitahan.

Adultery.

Wala iyon sa isipan niya ang kasuhan ito. Wala naman ding inamin si Claire sa kanya pero lintik lamang talaga! Hindi niya mapigilang magselos. Dam'n this feeling!

Para matapos ang lahat, sinabi niya kay Storm ang nangyari kanina. Yong parteng may tumawag sa asawa niya at sinagot nito na may pangiti-ngiti, with her sweet words and that guy name Stevey! Fvck him whoever he is! Pagkatapos niyang sabihin lahat dito, lumagapak lang ng malulutong na tawa si Storm. May pahawak-hawak pa ito sa tyan habang tumatawa ng malakas. May nakapuna tuloy sa kanilang pag-uusap sa kabilang table. Gusto niyang batukan ang kaibigan sa inaasal nito but he had no choice. Wala siyang masabihan ng galit niya o sama ng loob maliban sa alaskador na lalaking ito.

"Alam mo Geus, ang tindi mo!" Sabi nito at humalakhak na naman ng malakas. Sa subrang pikon niya, pinagtuunan na lamang niya ang kanyang inumin at hinayaan itong mamatay sa kakatawa.

Tumigil ito sa pagtawa nag mapunang busangot na busangot na ang kanyang itsura, hindi na talaga maipinta. Kumalma ito, umubo ng konti at umayos sa kinauupuan bago muling nagsalita.

"Honestly, Geus...walang gamot sa selos. You don't have to conclude na boyfriend niya ang lalaking 'yon. Alam mo, here's my opinion.. hindi ko kilala ang asawa mo hah? Though nakita ko siya dati noong ikinasal kayo pero hindi ko na matandaan ang itsura niya. But the thing na pumayag siya sa set-up niyo, I think may nararamdaman din siya para sayo. Ganito yan eh, ang mga babae, hindi yan umaamin ng nararamdaman kapag hindi inuunahan lalo na sa mga babaeng matitino, yong tipong mahiyain o mataas ang pride. Malay mo, bestfriend niyang bakla yong tumawag, or kapatid na lalaki, pamangkin na bata, malapit na kaibigan o pinsan. Don't jump into conclusion. Ang gawin mo, gumawa ka ng paraan kung gusto mong malaman ang status niya, ang nararamdaman niya para sayo kung ano man 'yon dahil alam ko namang sing taas pa ng Mt. Everest ang pride mo at kahit ibala ka pa sa kanyon ngayon papuntang Iraq, hindi ka parin aamin sa akin tungkol dyan sa totoong nararamdaman sa asawa mo. Ganun lang kasimple. Huwag mong hintaying magsawa siya sayo at magfile siya ng annulment para tuldukan kung ano mang meron kayo ngayon. Remember, you don't know her. So, you have to find a way to get to know her better. Hindi sa ganitong paraan na iinum ka, magagalit, maghahanap ng blaming option, concluding something else. That's not helping you."

Mahabang esplika nito.

Pagkatapos ng litanya ni Storm ay agad itong tumungga ng alak.. Hindi siya nagkamali ng desisyon na tawagan ito para hingiin ang opinyon. Alam niya kasing kahit ito ang numero unong alaskador sa grupo, may sense itong kausap. Bawat salita may punto. Alam niyang tama ito pero hindi siya ang tipong tao na umaamin agad ng nararamdaman lalo pa at hindi siya sigurado sa kahihinatnan ng pag-amin niya. Sa dami ng sinabi nito, isa lang ang tinandaan niyang dapat gawin, yon ay ang;

"Ang gawin mo, gumawa ka ng paraan kung gusto mong malaman ang status niya, ang nararamdaman niya para sayo kung ano man yon."

Yes, he has to find a way! Gagawa siya ng mga hakbang para mapaamin ang FEELINGS ng asawa!

Do I have to make her jealous?






The Jerk's WifeWhere stories live. Discover now