She held my hand like it's her lifeline.

"Please Fermatta. I heard you sing nuong audition. You are really good. I know you can do this"

"I don't want to sing"

Gusto kong manggalaiti sa galit. Sa lahat ng pwedeng pakantahin ay ako pa ang gusto nilang gumawa nuon. Ano bang tingin nila sa akin? That I am their damn puppet na kung kelan nila gustong pakilusin ay pakikilusin nila? They think I am a damn musical box na kapag pinihit nila ay tutugtog? Hindi pa ba sapat ang ginawa nila sa akin nuong audition? They gave me a music score that I didn't even saw before, pinakanta nila ako kahit na piano ang major ko. They allowed me to perform in this music fest because of those conditions. Isn't it too much?

I also don't want to sing that song. It's Clef's favorite. I don't know but whenever I play that song I can't stop thinking about him. Thinking about how our voice blended when we sung that in our house, thinking about the lyrics that really touched me. Ni ayaw kong marinig ang kantang 'yon dahil siguradong hindi nanaman maalis sa isipan ko si Clef.

Nakita kong lumapit si Xylus kay Giovanna para hawakan ang kanyang balikat, "Let's not force her Giovanna" malambing niyang sabi dito.

Nuong lamang binitawan ni Giovanna ang kamay ko bago malalim na nagbuntong-hininga. Ginulo ni Aldon ang kanyang buhok na parang naasar siya. Si Maximo naman ay mukhang problemadong-problemado. Maging si Dwaine ay hindi makatingin sa akin.

Hindi ko alam kung nagagalit ba sila sa akin dahil sa pagtanggi kong kumanta o naasar sila dahil sa sitwasyon. Siguro ay pareho.

Shit!

Suminghap ako at hingilap ang cellphone kong ibinigay ni Bettany kanina nuong pinakuha ko iyon bago sila palabasin sa dressing room. Agad kong pinindot ang piano application kong nakainstalled duon, nang magbukas iyon ay pumindot ako ng ilang keys at lumikha iyon ng mga notang alam kong alam nila.

It was an intro of one of those popular song today, imposibleng hindi nila alam iyon.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Fine. I will sing but I want this song.. I want to sing this instead of the song Pia's supposed to sing" deklara ko sa kanilang lahat.

Namilog ang mga mata ni Giovanna pagkasabing-pagkasabi ko nuon.

"If that's what you want Fermatta then you'll sing that song! Ang mahalaga ay kakanta ka" she said like she's panicking. Agad siyang bumaling kay Hilton, "You know this song, right? Kaya nito itong iduet ni Fermatta?"

Ngumiwi si Hilton sa kanya, "Hindi ko alam 'yan"

Halos mapamura ako nang sinabi iyon ni Hilotn. Saang lupalop ba siya ng mundo nanggaling? Ako ngang onting kanya lang ang alam ay alam ang kantang 'to! Siya pa kaya na sa ibang bansa sumikat? He's impossible!

"Ako. I know the song"

Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko nang marinig ko ang boses na iyon. It's the first time I heard his voice simula nang pumasok sila sa kartong ito. I shifted my eyes on him at ganuon rin ang ginawa ng mga taong nasa loob ng kwarto. Laglag ang panga ko habang pinagmamasdan ko siya.

"Are you serious, Clef? You never sing in front of other people. Akala ko ba... "

"I'm serious Dwaine. I know the song, hindi alam ni Hilton kaya ako nalang" anas ni Clef kaya lalong naghuramentado ang puso ko.

Damn! Bakit niya ito ginagawa sa 'kin? Hindi niya ba alam nakaya ayaw kong kantahin ang kantang 'yon ay dahil sa kanya! Iiniwasan ko siya, he should do the same but he's voluntering right now? Bakit ginusto niya pa akong makasama sa iisang stage? Does he want to torture me so bad?

Soul LibrettosWhere stories live. Discover now