54

1.9K 67 4
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LIMAMPU'T-APAT: THE SHOCKING FINALE PART 1

The phone is either unattended or out of coverage area... Please try your call later... The phone...

"Sino ba 'yang tinatawagan mo at kanina ka pa parang hindi ka mapakali diyan sa kakatawag..."

Napatigil sa muling pag-dial sa number nang tinatawagan si Harold sa kanyang cellphone nang marinig niya ang sinabi ng kaibigang si Henry. Napatingin siya dito. Nasa opisina sila ngayon ng una.

"Si Gun..." sabi ni Harold at napabuntong-hininga.

"Bakit? Miss mo na?" may halong biro na tanong ni Henry.

Napaiwas ng tingin si Harold. "Hindi naman... Ilang araw na rin kasi siyang hindi nagpapakita sa akin... Last na kita ko sa kanya ay nung..." sandali itong napahinto sa pagsasalita nang maalala na ang last na pagkikita nila ay 'yung sinundo niya ito sa dis oras ng gabi ng lasing sa isang bar. Hindi iyon alam ni Henry dahil hindi naman niya naikwento. "Nung... Martes..." dugtong na lamang nito sa sinasabi.

"Baka naman busy siya... Hindi man lang ba siya tumatawag sayo o nagtetext man lang?" tanong ni Henry. Napatingin si Harold kay Henry.

Napailing si Harold. Sa nagdaan na mga araw, Wala siyang natanggap na tawag o text mula rito. Nakakaramdam tuloy siya ng kaba kasi hindi naman ganun si Gun. Lagi itong nagtetext at tumatawag kahit na kung ano-ano lang naman ang sinasabi nito sa kanya na nagbibigay naman sa kanya ng ngiti. Nag-aalala siya na baka mamaya, may nangyari ng hindi maganda rito.

"Pabayaan mo na muna siya... Malay mo busy lang talaga 'yung tao... Hindi lang naman ikaw ang pwede niyang pagka-busy-han di ba?" sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.

Napaiwas muli ng tingin si Harold.

"Ikaw nga... Umamin ka... Mas mahal mo na siya noh?" nagulat na lamang si Harold na nasa tabi na niya ngayon si Henry. Kanina kasi ay nakaupo ito sa sofa tapos ngayon ay katabi na niyang nakatayo rito sa tapat ng salaming bintana ng opisina niya. Pero mas nagulat siya sa tanong nito.

Hindi makatingin si Harold kay Henry. Hindi rin siya makapagsalita para sagutin ang tanong nito.

"Ok lang kung wag mo nang sagutin ang tanong ko... Kitang-kita naman sa mga kilos mo ang sagot..." nakakalokong sabi nito sabay lakad muli patungo sa sofa at umupo muli.

Napabuntong-hininga na lamang si Harold. Pamaya-maya, tipid na napangiti.

- - - - - - - - - - - - -

Ipinarada ni Harold ang kotse sa tapat ng gate ng mansion nila Gun. Pagkatapos niyang mapatay ang makina ng kotse ay kaagad siyang bumaba rito at tinungo ang entrance gate ng mansion.

"Oh Sir Harold..." pagbati sa kanya ng security guard na si Mang Sol. Kilala na siya nito dahil ilang beses na rin naman siyang pumunta rito sa mansion nila Gun.

Ningitian na lamang ni Harold ang sekyu pagkatapos ay dali-dali siyang pumasok sa loob na pinayagan naman ng huli.

Lakad-takbo ang ginawa niya para makapunta kaagad sa pinaka-entrance ng mansion.

Pagkapunta roon, bubuksan na sana niya ang pintuan ng mansion ng magulat siya na bigla na lamang itong bumukas at niluwa nun si Lola Tina na palabas naman ng mansion.

"Oh Harold... Napadalaw ka yata..."

"Magandang Gabi po... Gusto ko lang po sanang tanungin kung nandito si Gun?" tanong kaagad ni Harold. Diretsahan na siya.

Nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Lola Tina.

"Hindi ba siya nagpaalam sayo?" pagtatakang tanong nito.

This time, si Harold naman ang nangunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay.

"Nagpaalam po? Para saan at bakit siya magpapaalam sa akin?" pagtatakang tanong rin nito.

"Eh kasi... Babalik na daw siya ng Canada... Hindi sinabi iyong dahilan pero sa tingin ko... Mukhang desidido siyang bumalik at manirahan muli doon... ayoko nga sana siyang umalis pero 'yun nga, hindi ko naman siya napigilan..." sabi ni Lola Tina.

Gulat na gulat naman si Harold sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Si Gun, iiwan siya ng hindi man lang nagpaalam sa kanya? Hindi man lang nito sinabi sa kanya na balak pala nitong umalis?

"Kailan po siya umalis?" nanlulumong tanong ni Harold. Baka mamaya kasi, huli na siya. Hindi pa nga niya nasasabing mahal na niya ito. Na ito na ang tunay na nagpapatibok sa kanyang puso at wala ng iba.

"Ah... Kaninang mga 5:00pm lang... 7pm kasi ang flight niya..."

Napatingin kaagad si Harold sa kanyang suot na wrist watch. It's 6:15pm. Maabutan pa kaya niya ito?

"Ahm... Sige po Lola...Salamat... Pupuntahan ko siya ngayon sa airport para makapagpaalam na rin sa kanya..." sabi ni Harold. "...At saka nagbabakasakaling mapigilan ko rin siya sa pag-alis..." sabi pa nito pero bulong lang.

Hindi na niya hinintay pa ang isasagot pa sana ng matanda dahil bigla na siyang tumakbo palabas muli ng mansion. Pagkalabas niya ng gate ay dali-dali niyang pinuntahan ang kanyang kotse at kaagad na sumakay. Pinaandar ang makina pagkatapos ay pinaharurot na niya ito sa daan patungo sa airport.

"Ano ka ba naman Gun... Kung kailan naman alam ko na sa sarili kong ikaw na ang mas higit na mahal ko tapos lalayo ka naman... Hindi pa nga ako nakakaamin eh..." may inis na sabi ni Harold sa sarili. "Sana lang maabutan pa kita..." sabi pa nito na dinadaga sa kaba ang dibdib. Nanginginig ang kamay nito na nakahawak sa manibela. Nasa daan ang tingin nito habang mabilis ang pagpapatakbo sa kanyang kotse. Mabuti na lang at hindi trapik kaya alam niyang mas madali niyang mararating ang airport.

"Bakit ka ba kasi aalis?" tanong pa ni Harold sa sarili. Biglaan naman kasi ang ginawa nito. Saka bakit nga naman ito aalis ng walang pasabi man lang. Ramdam naman niyang may problema ito pero ganun ba kabigat ang problema nito at hindi niya makakayanan lutasin kaya aalis na lamang ito ng bansa?

Halo-halo ang nararamdaman ni Harold. Kaba, saya, basta, hindi niya maipaliwanag ngayon ang nararamdaman niya. Ang alam lang niyang malinaw sa nararamdaman ay ang marealize na niyang mas mahal na niya si Gun kaysa kay Anton. Napabuntong-hininga siya, he feel sorry for Anton dahil hindi na muli itong nagtagumpay na makuha muli ang kanyang puso.

Mas lalong binilisan ni Harold ang pagmamaneho niya. Kung saan-saan na siyang shortcut dumaan para madali lang niyang marating ang paliparan.

Pero halos manlaki ang mga mata niya sa gulat at matinding kaba dahil sa biglang lumitaw sa daraanan niya ang isang trailer truck na papasalubong naman sa kanya. Iiwasan niya sana ito pero huli na dahil...

KABLAAAAAAAAAAAAAAAAAG! BOOOOOOOOOOGGSSSSSSSSSSHHHHHH!

Bumangga ang kanyang minamanehong kotse sa trailer truck.

-KATAPUSAN NG KABANATA LIMAMPU'T-APAT-


#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now