47

1.4K 62 0
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

APATNAPU'T-PITO

DAYS LATER...

"Welcome to our home Anak..." masayang pagbati ni Madam Esmeralda sa kapapasok lamang ng mansion na si Chace. Nasa paligid rin nila sila Harold at Kiel at ang mga trabahador nila sa mansion.

Wala namang emosyon ang mukha ni Chace na napatingin sa lahat ng taong naroon ngayon sa loob ng mansion.

Lumapit ang nakangiting si Madam Esmeralda kay Chace at binigyan niya si Chace ng isang mahigpit na yakap na hindi naman ginantihan ng huli.

Kaagad na humiwalay si Madam Esmeralda sa yakap at tiningnan muli ang panganay na anak. Napabuntong-hininga ito.

"Salamat naman at pumayag ka na dito ka na tumira kasama namin... Kasama ang totoo mong pamilya..." sabi ni Madam Esmeralda.

Again... Hindi nagsalita si Chace at nanatili lamang itong tahimik.

Ilang araw na rin ang nakalipas. Nalaman na ang resulta ng DNA test na isinagawa ilang araw pa lamang ang nakakalipas at napag-alaman nilang magka-match ang samples na isinumite nila Madam Esmeralda at Chace kaya napatunayan nilang magkadugo nga sila. Sobrang tuwa nga noon ni Madam Esmeralda ng malaman iyon pero si Chace, hanggang ngayon, halo-halo pa rin ang nararamdaman niya. Hindi nga niya alam kung bakit napapayag siya ng tunay niyang ina na tumira sa mansion nito. Si Harold naman ay kahit papaano'y natuwa dahil sa masaya rin naman ang mommy niya sa nalaman nito. Basta para sa mommy niya, masaya siya sa kung ano man ang magpapasaya rito.

"Ah... Gina, pakidala na nga 'yung mga maleta ng Sir Chace mo sa kwarto niya..." utos ni Madam Esmeralda sa isa sa mga katulong nila na kaagad naman nitong sinunod kasama ang iba pang mga kasambahay dito.

Napatingin muli si Madam Esmeralda kay Chace. "Ano Anak? Nagugutom ka na ba? Gusto mo ipaghanda kita..."

"No need... I need to rest... Napagod ako sa biyahe ko papunta rito..." malamig at walang emosyong sabi kaagad ni Chace. Napatango na lamang si Madam Esmeralda.

"Daddy... Who's he?"

Napatingin ang lahat nang marinig nilang magtanong niyan si Kiel. Napatingin rin si Harold sa anak. Bahagya itong napayuko para makausap ng mabuti ang anak.

"Ahm... Kiel... He's Tito Chace... He's your Tito... Ahm... He's my older brother..." sabi ni Harold sa anak.

Nagsalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Kiel.

"He's my Tito? He's your brother? So you mean that you have a brother?" pagtatakang tanong ni Kiel.

Tumango si Harold. "Yes Anak... He's my brother..."

"Pero bakit ngayon ko lang po siya nakita?" pagtatakang tanong kaagad ni Kiel.

"Ahm..." nasabi ni Harold at napabuntong-hininga. "It's a long story to tell baby... I will explain it to you tomorrow ok..." sabi na lamang ni Harold sa anak. Tumango na lamang ang bata.

Nakatingin rin si Chace kay Kiel. Bahagya itong napangiti. Nakita niya kasing kamukhang-kamukha ni Harold ang anak nito. Hindi maipagkakailang mag-ama nga ang dalawa.

Napatingin rin si Harold kay Chace. Nakita niyang nakangiti ito o namalikmata lamang siya kasi nakita na naman niyang hindi ito nakangiti. Napakibit-balikat na lamang siya.

"Ahm... Chace... este Kuya... Si Kiel... Anak ko at pamangkin mo..." pagpapakilala ni Harold sa anak kay Chace. Tumango na lamang si Chace at umiwas na ng tingin rito.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now