40

1.6K 62 1
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

APATNAPU

"Layuan mo si Harold..." matigas na sabi ni Gun sa kaharap ngayon na si Chace. Magkaharap silang nakatayo ngayon sa isang tagong lugar sa loob ng mall.

Napangiti ng pang-asar si Chace habang nakatingin ng matalim kay Gun. "Pinapunta mo lang ba ako dito para lang pagsabihan ako?" asar na tanong nito. Nagulat nga siya ng tawagan siya nito. Nagtataka kung saan nakuha nito ang kanyang cellphone number.

"Oo..." seryosong sabi ni Gun. Talagang gusto niya itong makausap ngayon kaya gumawa ito ng paraan para ma-contact niya ito kaya nagtanong-tanong rin siya.

Lalong napangiti si Chace sa nakikitang reaksyon ngayon ni Gun.

"Magbigay ka ng isang dahilan para sundin ko 'yang sinasabi mo ngayon..." sabi ni Chace.

Tiningnan na rin ni Gun si Chace ng masama.

"Basta... Sundin mo na lang ang sinabi ko..."

"Paano kung ayoko? May magagawa ka ba?" maangas na sabi kaagad ni Chace na lalong ikinainis ni Gun. Hindi kaagad ito nakapagsalita.

Bahagyang lumapit si Chace kay Gun. Lalong napangiti ng pang-asar.

"Bakit mo ako pinalalayo sa kanya? Malaki ba ang takot mo sa akin?" tanong nito.

"Takot? Bakit naman ako matatakot sayo?" tanong ni Gun.

Bahagyang lumayo si Chace. Pinagsalikop ang magkabilang braso sa dibdib habang nakatingin pa rin kay Gun.

"Wala lang... Hula ko lang... Mamaya kasi... Kaya mo ako pinapalayo ngayon kay Harold kasi natatakot ka na baka... maagaw ko siya sayo..." sabi ni Chace sabay napangiti ng nakakaloko.

Napakunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Gun. Nanatili itong tahimik at hindi nagsalita.

Napailing-iling si Chace. "Hay! Gun... Hindi ka pa rin talaga nagbabago..."

Lalong kumunot ang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay ni Gun.

"Anong ibig mong sabihin?... Kilala ba kita? Kilala mo ba ako?" pagtatakang mga tanong nito.

Napa-smirked si Chace. "Hindi kita kilala ng personal at lalong hindi mo ako kilala ng personal... Pero 'yung babaeng nakita mo sa picture nung nakaraang araw sa cellphone mo... Sigurado ako na kilala mo siya at kilalang-kilala ka niya..." may halong galit na sabi ni Chace.

Nagulat si Gun sa narinig mula kay Chace. Kaagad niyang nilapitan si Chace at hinawakan ang magkabilang kwelyo ng suot nitong puting polo.

"Ikaw ba? Ikaw ba ang nagpadala ng litrato ni Sari sa akin? Ikaw rin ba ang nagpadala ng litrato ko na may dugo?" galit na sabi ni Gun. Galit rin ang tingin nito kay Chace.

Napangiti si Chace ng pang-asar. "Paano kung ako nga..."

"Pero bakit? Bakit mo ako pinapadalan nang mga ganon?" tanong kaagad ni Gun kay Chace.

Hinawakan muna ni Chace ang magkabilang braso ni Gun at inalis nang pabalang ang pagkakahawak ng huli sa kanyang kwelyo. Pagkatapos ay bahagya niya itong itinulak palayo sa kanya saka tiningnan niya ito ng matalim at may ngiting demonyo sa labi.

"Para konsensyahin ka..." sabi ni Chace.

"Konsensyahin? Para saan? Wala naman akong..."

"Wala kang kasalanan? Talaga? Wala kang kasalanan?" galit na sambit kaagad ni Chace. Nandidilat na ang mga mata nito na nakatingin kay Gun.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu