7

3.2K 96 3
                                    

#TBGM2_WhenISeeYouAgain

PITO

Relax na relax sa pagkakaupo sa upuan nito si Gun habang nakataas pa ang mga kamay na nakalagay sa likuran ng ulo nito habang ang mga mata naman ay nakatingin sa harapang bahagi ng classroom kung saan nakatayo naman doon sa platform na nasa harapan rin si Harold na batang-bata pa ang itsura nun. Napapangiti at animo'y parang bituin na kumikinang ang kanyang mga mata.

Bahagya pa siyang natawa ng makita niyang inayos ni Harold ang eye glass na suot nito. Halata pang kinakabahan sa pagkakatayo sa harapan at parang nanginginig ang mga kamay na bigla nitong inilagay sa bulsa ng suot na kulay nude na slacks. Palibhasa, bagong estudyante kaya siguro kinakabahan.

Ewan ba ni Gun kung bakit parang natutuwa ang pakiramdam niya ngayong nakikita niya si Harold. Natutuwa siya sa mga simpleng ikinikilos nito at natatawa kahit hindi naman nakakatawa ang mga ginagawa nito. Baliw na ba siya?

Aminado naman si Gun, may kakaiba na sa kanyang pagkatao simula pa lang. Isa nga kasi siyang chickboy... Pwede sa chicks at pwede rin sa boy pero mas nangingibabaw sa kanya ang pagkagusto sa babae. Nae-L siya sa mga babae lalo na kung sexy at may malaking hinaharap ang mga ito at minsan rin ay sa lalaki lalo na kung gwapo ito, matangkad at may kalakihan ang katawan kagaya niya (malaking bulas na kasi siya kahit high school pa lamang) pero bakit ganito ang nararamdaman niya kay Harold na ngayon pa lamang niya nakita? Gwapo naman ito pero batang-bata ang itsura, may kapayatan ang katawan at hindi rin ganun katangkaran, mestiso at makinis ang balat kaya bahagya itong namumula. Dagdagan pa na naaakit siya sa mga mata na may kahabaang pilik mata at makapal na kilay sa taas ng mga ito at lalo na sa labi nitong sa pakiramdam niya, gustong-gusto niyang halikan.Natural kasing mapula at mukha pang malambot.

Hindi siya naniniwala sa kasabihang "Love at first sight"... para sa kanya, isang malaking kalokohan iyon at sa drama at kwento sa libro lang iyon nangyayari pero ngayon, mukhang mababali na yata ang hindi paniniwala niya rito.

Inalis ni Gun ang kanyang mga kamay sa likod ng kanyang ulo at umayos ng upo. Nagdekwatro pa ito habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kakatingin kay Harold. Pansin rin niya na pawang kinikilig ang mga kaklase niyang babae sa presensya ngayon ni Harold. Nakakaramdam tuloy siya ng inis sa mga ito, Hindi dahil sa naiinis siya na hindi na siya ang apple of the eye ng mga ito kundi kasi kung tumingin ang mga ito kay Harold, akala mo, handang-handa na kainin ng mga malalanding babaeng ito ang pagkaing nasa harapan nila. Nagseselos ba siya? Baka... siguro... Selos... agad-agad?

"Mga bwisit..." sabi nito sa sarili. Mabuti at wala siyang katabi kaya walang makakarinig ng mga rants niya. Wala pa kasing nakaupong estudyante sa upuan na nasa kaliwa niya. Hindi niya kasi pinapayagan na may maupo doon.

High school pa lamang si Gun ay playboy na siya. Pero laging mga babae ang nabibiktma niya ng kanyang charms at laro nito. Madali kasing maloko ang mga babae kasi nauunahan ang mga ito ng mga mata nila... ibig sabihin, kapag gwapo ang lalaki, kaagad bibigay at hindi na nag-iisip kung maloloko ba sila o seseryosohin, 'yun ang paniniwala niya pagdating sa mga babae. Minsan may mga lalaki rin. Ilan lang ang may nakakaalam sa kung sino siya at karamihan doon ay mga lalaking nakasalumuha at nakato-toot niya pero alam niya na hindi naman ipagkakalat ng mga iyon kung sino talaga siya. Takot lang nila kay Gun... Baka bigla na lang silang bumulagta sa sahig oras na ipagkalat nila iyon.

Wala namang malalim na dahilan kung bakit naging playboy siya, ewan nga niya eh kung bakit siya naging ganito, papalit-palit ng karelasyon pero kahit ganun, hindi naman siya naging masaya sa mga ito. Basta ang dahilan na lamang niya nun sa sarili niya kung bakit siya naging ganito ay dahil sa pinagbibigyan lamang niya ang mga babae at lalaking nagkakandarapa sa kanya. 'Yung tipong baliw na baliw sa kanya at gusto na makarelasyon siya. In short, ginagawa niyang charity works ang pakikipagrelasyon sa mga ito. Wala naman siyang magagawa dun... gwapo siya eh. Hindi pa rin siya naiinlove sa buong buhay niya kahit na marami na ang dumaan... ngayon pa lang at sa isang lalaking nerd pa.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin