8

2.7K 85 1
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

WALO

"Psssstttttt....."

Napatigil sa pagsusulat si Harold nang marinig niya ang sipol na hindi niya alam kung para ba sa kanya o kung kanino. Inangat ang mukha mula sa pagkakayuko at inilibot ang paningin sa kabuuan ng classroom. Nakita niyang katulad niya ay nagsusulat rin ang mga classmate niya.

Hanggang sa mapunta ang tingin niya sa katabing si Gun. Nangunot ang noo niya at nagkasalubong ang magkabilang kilay ng makita itong nakatingin at nakangiti pa sa kanya. Hindi niya alam kung nang-aasar ito o kung ano. Sa ilang araw na lumipas simula ng mag-umpisa ang klase, lagi niyang napapansin ang mga tingin nito na hindi niya maipaliwanag kaya nakakaramdam siya ng pagkailang at kinakabahan rin siya.

"Ikaw ba 'yung sumipol?" tanong ni Harold sa seatmate.

Nakangiti pa rin na tumango si Gun. Nagmumukha na talaga siyang tanga.

"Pwedeng pahiram ng ballpen mo?" tanong nito.

"Ok..." sabi na lamang ni Harold para matapos na ang kanilang pag-uusap. Kukuha na sana siya ng ballpen ng...

"Wait..." narinig niyang sabi ni Gun kaya napatigil siya sa pagkuha ng ballpen sa kanyang bag. Napatingin siya muli dito.

"Bakit? Di ba nanghihiram ka ng ballpen?" tanong nito.

"Ah... eh... Gusto ko sanang hiramin 'yung ballpen na ginagamit mo..." sabi nito na parang nahihiya.

Napatingin si Harold sa hawak na ballpen. Muling tumingin kay Gun.

"Nakita mo naman na ginagamit ko di ba?" sabi nito.

"Errr... Kasi, mukhang maganda 'yang ballpen mo kaya pahiram na..." sabi ni Gun. Nag-puppy eyes pa ang loko.

Napatingin muli si Harold sa ballpen na hawak niya. Pamaya-maya, napabuntong-hininga ito at napilitang iniabot nito ang ballpen na hawak kay Gun.

"Oh ito na..." sabi ni Harold.

Kinuha naman kaagad ni Gun sa kamay ni Harold ang ballpen. Nagsalubong pa lalo ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold nang makita niyang ang higpit ng hawak ni Gun sa ballpen na iniabot niya. Nagtataka siya sa mga ikinikilos nito.

"Ah... salamat... Pero, pwede din bang pahingi ng papel?" tanong nito. Nanghihingi na naman siya.

"Pumapasok ka ng school... Wala kang papel at ballpen? Anong laman niyang bag mo?" tanong ni Harold. Naasar na siya.

"Ah eh..." sabi ni Gun at napakamot pa sa batok. "Mga pagkain kasi ang laman ng bag ko... May chocolate pa kung gusto mo bibigyan kita basta bigyan mo lang ako ng papel..." sabi nito. Marami nga siyang pagkain sa bag at lahat iyon ay nakakain niya habang nasa school pero hindi siya tumataba.

"No thanks..." sabi na lamang ni Harold. Pumilas siya ng dalawang pirasong papel sa kanyang intermediate pad at ibinigay iyon kay Gun.

"Oh... Wag mo na akong iistorbohin..." may pagkamasungit na sabi ni Harold sabay iwas na ng tingin kay Gun ng makuha na nito ang hinihinging papel sa kanya.

Kumuha na muli si Harold ng ballpen sa kanyang bag at pagkatapos ay muling nagsulat.

Hindi alam ni Harold pero parang may nagtutulak sa kanya na tingnan si Gun at ayun nga, tiningnan niya. Nangunot na naman ang kanyang noo at nagsalubong ang magkabilang kilay dahil sa pagtataka sa nakikitang ginagawa ni Gun.

Hawak lang nito ang ballpen at papel sa magkabilang kamay at nakatitig dun nang nakangiti. Hindi nagsusulat. Parang tanga. Gusto nga niyang matawa pero alam niyang pagagalitan siya ng teacher oras na marinig nito ang tawa niya.

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now