24

1.8K 71 4
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

DALAWAMPU'T-APAT

"May problema ka ba Gun?" tanong ni Harold kay Gun pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Magkatapat silang nakaupo ngayon sa isang pandalawahang mesa na nasa loob ng isang fast-food chain na nasa tapat lamang ng ospital na pinuntahan nila para dalawin sila Anton at Hayley. Dito muna nila napiling pumunta para kumain pagkatapos nilang pumunta ng ospital.

Nakatingin si Gun kay Harold. Pamaya-maya ay napangiti ito ng tipid at napabuntong-hininga.

"Wala..." sabi lamang ni Gun.

Nagkasalubong ang magkabilang kilay at napakunot ang noo ni Harold. "Wala? Eh kanina pa kita napapansin na tahimik ka at ang mukha mo... Hindi maipipinta ni Picasso..." sabi ni Harold.

Napangiti muli ng tipid si Gun. "Wala nga ito..." sabi ni Gun at muling napabuntong-hininga. "Nakakatawa lang kasing isipin dahil alam ko naman at lumalabas ang katotohanan na wala akong karapatan dahil wala namang tayo pero nakakaramdam ako ng ganito..." makahulugang sabi ni Gun. Napabuntong-hininga si Gun. "Isa lamang akong dakilang bestfriend na nagmamahal ng bestfriend..." sabi pa nito.

"Gun..." sabi ni Harold. Alam na niya kasi kung anong kahulugan ng sinasabi nito.

"Huwag kang mag-alala sa akin... Ok lang ako. Naiintindihan ko naman... May pinagsamahan kayong dalawa at kahit na alam kong wala na kayo, hindi naman dun natatapos ang lahat sa inyo... Lalo na ngayon na may nangyayaring hindi maganda sa buhay ni Anton... Kailangan niya ng isang kaibigang kagaya mo... Kaibigan na masasandalan..." sabi ni Gun at napangiti ng tipid. "Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi makaramdam ng ganito sa tuwing makikita ko kayong dalawa... Pakiramdam ko... epal ako sa inyong dalawa..." malungkot pa na sabi nito. "Gustuhin ko man na pigilan ka na lapitan siya dahil natatakot ako na maagaw ka niya muli sa akin pero ano namang karapatan ko para pigilan ka?" sabi pa nito.

"Gun... 'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano... Nag-aalala lang ako sa kanila at dumalaw sa kanila bilang isang kaibigan..."

"You don't need to explain Harold... Like what I said earlier... I understand..." sabi kaagad ni Gun. Napabuntong-hininga ito. "Kaya lang siguro ako nagkakaganito dahil sa masyado lang akong nag-iisip ng mga bagay na ikinatatakot ko... Lalo na 'yung pag-iisip na maaaring bumalik ka na sa kanya at iwanan mo na ako..." sabi ni Gun. Aminado siya na hindi siya matatakuting tao. Wala siyang kinatatakutan maliban na lang ngayon... Nakakaramdam siya ng takot na maaaring si Anton ang piliin ni Harold at maisip nitong ipagpatuloy ang relasyon ng dati nitong kasintahan lalo na't alam niya na may nararamdaman pa rin ito para sa dating nobyo.

Nakatingin lamang si Harold kay Gun. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat, ay 'yung may nasasaktan siyang tao na wala namang ibang ginawa kundi pakitaan siya ng mabuti. Pamaya-maya, napabuntong-hininga ito.

"Huwag ka na kasing mag-isip pa ng kung ano-ano... Kung ano man ang nakikita mo sa tuwing magkasama kami ni Anton... Wala lang iyon... Bilang isang kaibigan lang kaya ko siya dinadamayan ngayong nasa mahirap siyang sitwasyon ng kanyang buhay at wala ng iba pa..." sabi ni Harold.

Namayani muli ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nagagalaw ang mga pagkain na inorder nila na nakapatong sa mesa.

"Ano na bang estado ko ngayon sa puso mo Harold?" tanong ni Gun habang titig na titig kay Harold. Naputol ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nagulat naman si Harold sa tanong nito kaya napatitig rin siya kay Gun. Hindi siya makapagsalita. Wala siyang maisasagot pa sa ngayon dahil kahit siya, nalilito na sa kung anong nararamdaman niya.

Napangiti ng tipid si Gun ng walang maisagot si Harold.

"Ok lang kung 'wag mo ng sagutin..."

"Mahal na kita..." sabi kaagad ni Harold na ikinagulat ni Gun.

"A-Ano? Mahal mo na ako?" gulat na tanong nito. Nanlalaki pa ang mga mata.

Tumango si Harold. "Oo... Mahal na kita... pero hindi pa buo... At hanggang ngayon, nalilito pa rin ang puso ko sa kung ano nga ba ang tunay nitong nararamdaman para sayo at para na rin kay Anton... Kaya sana... bigyan mo pa ako ng panahon para..."

Napatigil sa pagsasalita si Harold ng magulat siya ng biglang hawakan ni Gun ang kanan niyang kamay na nakapatong sa mesa. Nagpatingin-tingin ito sa paligid. Wala namang nakatingin sa kanila dahil busy rin ang mga tao sa pakikipagkwentuhan sa mga kasama ng mga ito. Muli siyang napatingin kay Gun na may ngiti ng matamis ngayon sa labi.

"Oo naman... Bibigyan kita ng panahon... Ngayong alam ko na kahit papaano'y mahal mo na rin ako... Bibigyan pa kita ng panahon para mabuo mong mahalin ako..." sabi ni Gun na sobrang saya. "Hindi mo lang alam... Napakasaya ko na marinig mula sayo na mahal mo na rin ako kahit na hindi pa buo... Alam kong darating rin ang araw na ang pagmamahal mong 'yan para sa akin ay mabubuo at magiging buo na rin ang saya sa pagitan nating dalawa..." sabi nito. Pinisil niya ng bahagya ang hawak na kamay ni Harold. "Maybe you're my bestfriend but for me, you are always my only one... My only one true love." sabi pa nito habang titig na titig kay Harold.

Napangiti na lamang si Harold. Wala siyang masabi. Tunay ngang mahal na mahal siya ni Gun at hindi malayong dahil sa pagmamahal nito sa kanya, tuluyan na rin siyang mahulog rito... Tuluyan na niyang mahalin ito ng buo at walang takot at pag-aalinlangan. Pero paano si Anton?

-KATAPUSAN NG KABANATA DALAWAPU'T-APAT-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now