22

1.9K 73 0
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

DALAWAMPU'T-DALAWA

"Harold..." pagtawag ni Gun kay Harold na katabi niya ngayong naka-upo sa isang bench na nandito sa loob ng malawak na park at napagtripan lang nila na pumunta rito. Pansin nito na tulala ang kasama.

"Uy! Harold!" medyo pasigaw na sabi muli ni Gun na iwinagayway pa ang kanang kamay sa harapan ng mukha nang tulalang si Harold.

Hindi pa rin natinag si Harold. Tulala pa rin ito.

"HOY!" tuluyan ng sumigaw si Gun sa tapat ng tenga ni Harold kaya naman nanlaki ang mga mata ni Harold na napatingin kay Gun. Gulat na gulat ito.

"Huh? Bakit?" nalilitong tanong ni Harold na hindi pa rin nakakahuma sa pagkagulat.

Natawa ng konti si Gun. "Tulala ka kasi kaya sinigawan na kita..." sabi ni Gun. "Baka mamaya, mahipan ka pa ng hangin at habambuhay ka ng maging tulala..." sabi pa nito. "Mukhang kasing lalim yata ng dagat ang iniisip mo ngayon huh... Ako ba 'yan?" tanong pa ni Gun na napapangiti.

Umiwas ng tingin si Harold at napabuntong-hininga.

Nawala naman ang ngiti ni Gun sa labi. "Mukhang hindi yata ako ang dahilan ng malalim mong pag-iisip ngayon..." may lungkot na sabi ni Gun.

Muling napatingin si Harold kay Gun. Muli itong napabuntong-hininga.

"Iniisip mo ba siya?" tanong ni Gun.

"Sinong siya?" pagtatakang tanong ni Harold. Magkasalubong ang magkabilang kilay at nakakunot pa ang noo nito.

Umiwas ng tingin si Gun. Napunta ang tingin ng mga mata nito sa maaliwalas na kalangitan.

"Sino pa ba? Eh di siya..." sabi ni Gun. Hindi niya masabi ng diretso ang pangalan ni Anton dahil sa tuwing babanggitin at maririnig niya ang pangalan nito, nakakaramdam siya ng matinding inis. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makalimutan 'yung naging usapan nilang dalawa nung isang araw.

Tumingin na lang rin si Harold sa kalangitan. "Oo... iniisip ko nga siya..." sabi ni Harold.

"Sabi ko na nga ba..."

"Iniisip ko si Hayley..." sabi kaagad ni Harold na nagpagulat naman kay Gun kaya kaagad siyang napatingin dito.

"Siya ang iniisip mo? Bakit naman?" tanong ni Gun.

Napabuntong-hininga si Harold. "Naaawa kasi ako sa kanya...Nag-aalala... Ang bata pa niya kung sakaling mawawala na siya sa mundong ito na sana hindi mangyari... I'm sure na malulungkot si Anton kapag nangyari iyon..." sabi ni Harold.

Umiwas muli nang tingin si Gun kay Harold. "Nag-aalala ka ba talaga kay Hayley o baka nag-aalala ka na malulungkot si Anton?" may himig ng pagseselos na tanong ni Gun.

"Pareho..." sabi ni Harold. Hindi nito napansin ang tono ng pananalita ni Gun.

"Gusto mo bang i-comfort si Anton at gusto mong nasa tabi ka lang niya ngayong mga oras na ito?" tanong ni Gun.

Napatingin si Harold kay Gun. Napangiti ng tipid. "Oo... Gusto ko... Gusto ko na kahit papaano'y mapagaan ang kalooban niya ngayong panahon na kailangan niya ng isang taong masasandalan..." sabi ni Harold. Napabuntong-hininga ito. "Pero alam ko naman na hindi na pwede ang gusto kong mangyari... Ewan ko ba... pakiramdam ko kasi, hindi tama kung gagawin ko pa ang mga 'yun..." sabi ni Harold.

Napatango-tango naman si Gun. Tinapik niya sa kanang balikat si Harold kaya napatingin ito sa kanya.

"Pilipinas ka ba sa panatang makabayan?" tanong ni Gun.

Nagkasalubong ang magkabilang kilay at nangunot ang noo ni Harold. Nagtataka. "Huh? Ano bang sinasabi mo di..."

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko..." nakangiti ng sabi kaagad ni Gun.

"Eh hindi nga kita maintindihan..."

"Pilipinas ka ba sa panatang makabayan?... Sagutin mo ng bakit..." sabi ni Gun.

Lalong nagtaka si Harold. Pamaya-maya, mukhang na-gets na rin niya ang trip ni Gun. Mukhang magpipick-up line ito.

"Oh sige na nga... Bakit?" sabi ni Harold.

Biglang humarap sa kanya si Gun. Tinitigan siya nito sa mga mata kaya nakaramdam na naman ng mabilis na pagpintig ng puso si Harold. Nakakaramdam din siya ng pagkailang at gusto niyang iiwas ang tingin rito pero hindi niya magawa dahil parang magnet ang mga mata nito na ayaw siyang bitawan sa pagkakadikit ng kanilang mga tingin.

"Kasi..." bulong na sabi nito at dahan-dahang inilalapit palapit sa mukha ni Harold ang mukha nito. "...Iniibig kita..." bulong na sabi nito sabay bigay ng isang pamatay na ngiti kay Harold. Pamaya-maya ay inilayo na rin nito ang mukha kay Harold.

Sandaling natulala si Harold. Pamaya-maya ay bigla itong napabuntong-hininga at umiwas na ng tingin kay Gun. Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa ni Gun.

"Ayos ba ang pick up line ko?" tanong ni Gun.

"Ewan ko sayo..." sabi ni Harold. Ewan ba niya pero halo-halo ang nararamdaman niya ngayon. Saya, kilig... ay ewan.

Nagulat na lamang si Harold ng bigla siyang akbayan ni Gun. Nakalapit na pala ito sa kanya at nagkadikit na ang gilid ng kanilang mga katawan. Naramdaman rin niya na ipinatong nito ang ulo sa kanyang kanang balikat.

"Pinatatawa lang kita... Ayoko kasi na hindi kita mapangiti kahit na isang beses lang sa isang araw..." sabi nito. Napangiti ng tipid si Harold.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Kailan kaya kita matatawag na Mine?" bulong na sabi ni Gun na nakatingin sa maaliwalas na kalangitan.

Napatingin naman si Harold kay Gun. Bahagya siyang nagulat sa narinig niyang ibinulong nito. Napabuntong-hininga siya. Alam niya na umaasa sa kanya si Gun at hindi niya alam kung may katuparan ba mula sa kanya ang pag-asa nito.

Malaya niyang napagmasdan ang gwapong mukha nito dahil hindi naman sa kanya ito nakatingin. Napangiti siya.

-KATAPUSAN NG KABANATA DALAWAMPU'T-DALAWA-

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now