19

1.9K 77 2
                                    

#TBMG2_WhenISeeYouAgain

LABING-SIYAM

"Kiel..." halos pasigaw na pagtawag ni Harold sa pangalan ng anak pagkapasok na pagkapasok pa lamang nito sa hospital room ng anak. Nakasunod naman dito sa Gun.

"Sssshhh..." sabi ni Madam Esmeralda na nilagay pa ang hintuturong daliri sa labi nito. Nakaupo ito sa upuan na nasa tabi ng hinihigaang kama ni Kiel. "Huwag ka ng maingay baka magising si Kiel..." sabi pa nito.

Kaagad na lumapit si Harold sa ina. "Ano ho bang nangyari?" may pag-aalalang tanong nito.

Napatingin si Madam Esmeralda sa anak. Napabuntong-hininga ito. "Huwag ka ng mag-alala... Ok na daw si Kiel sabi ng doctor... Masyado lang siguro akong nag-alala at nag-panic dahil ilang araw na ring nilalagnat si Kiel at hindi man lamang ito gumagaling..." sabi ni Madam Esmeralda. "Akala ko nga kung ano ng nangyayari sa apo ko pero sabi ng doctor, nilagnat lang raw si Kiel dahil sa paiba-iba ang panahon nitong mga nakaraang araw...." Sabi pa nito.

Napabuntong-hininga si Harold. Masyado siyang naging busy nitong nakaraang araw sa opisina kaya hindi na niya masyadong napapansin pa ang anak. Hindi pa niya nalaman na may sakit na pala ito.

Dahan-dahang lumapit si Harold sa anak. Pagkalapit ay tumayo siya sa tabi ng kama nito. Hinawakan ang kamay ng mahimbing na natutulog na anak. Napabuntong-hininga siya.

"Sorry anak huh... Hindi na kita masyadong naaalagaan nitong mga nakaraang mga araw dahil sa sobrang busy ko... Siguro kasalanan ko rin kung bakit ka ngayon nagkasakit..." malungkot nitong sabi habang nakatingin sa anak.

Naramdaman na lamang ni Harold na may tumapik sa kanyang kanang balikat. Napatingin siya kay Gun.

"Don't blame yourself... Walang may kasalanan sa nangyari... Saka paiba-iba na rin talaga kasi ang panahon ngayon kaya madali ng magkasakit lalo na ang mga batang kagaya ni Kiel..." sabi ni Gun.

Napatango na lamang si Harold. Muling tumingin sa anak. Nakaramdam siya ng awa rito.

"Promise anak... Paggising mo, maglalaan na talaga ako ng oras para sayo... Kahit na pagod si Daddy, he will make sure na makikipaglaro pa rin siya sayo ng mga toy car mo..." bulong na sabi ni Harold na parang kinakausap nito ang anak.

"Tita..." sabi ni Gun kay Madam Esmeralda saka nagmano siya rito. Napangiti na lamang si Madam Esmeralda kay Gun.

Napatingin si Harold sa kanyang ina. "Mom... Umuwi na po muna kayo para makapagpahinga..."

"No anak... Babantayan ko ang apo ko hanggang sa gumising siya..." sabi kaagad ni Madam Esmeralda. Napapabuntong-hininga na lamang si Harold sa sinabi ng ina.

Ilang oras pa ang nakalipas na nasa loob sila ng hospital room at mahimbing pa ring natutulog si Kiel. Nakatulog na nga si Madam Esmeralda sa inuupuan nito habang sila Harold at Gun ay nakatayo pa rin sa tabi ng hinihigaang kama ni Kiel.

"Mahal na mahal mo talaga ang anak mo noh..." sabi ni Gun na pumutol sa mahabang katahimikan.

Napatingin si Harold kay Gun. Tipid na napangiti ito. "I love him more than anything... Siya ang buhay ko at kung mawawala siya sa akin... hindi ko kakayanin..." seryosong sabi ni Harold.

Napangiti rin ng tipid si Gun. Tumingin kay Kiel. "Ang sarap siguro magkaroon ng sariling anak... ang sarap siguro sa pakiramdam na sa tuwing gigising ka sa umaga, may yuyugyog sa ibabaw ng kama mo para gisingin ka tapos kapag nagising ka, tatawagin ka nitong daddy..." sabi pa ni Gun.

"Tama ka... Sobrang sarap sa pakiramdam..." sabi ni Harold. Napatingin ito kay Gun. "Bakit hindi ka na lang magmahal ng babae? At least kung susubukan mo iyon, baka maging asawa mo siya at mabibigyan ka na niya ng anak..."

#TBMG2: WHEN I SEE YOU AGAIN [COMPLETED] #Wattys2015Where stories live. Discover now